MD 13 - MATCH

1.2K 46 0
                                    

CHASE POV

Paglabas ni Sir Balmeo malakas na hinampas ni Lucas ang table ni Yesha. Sa gulat niya napaigtad pa siya pero agad ding nakabawi. "Ano na namang problema mo?" tanong nito. Hindi man lang mababakasan ang takot sa kanya samantalang si Lucas ay parang sasabog na sa galit.

'Pag ganyan si Lucas madalas lumalayo kami. He's not someone you should be messing with especially when he's mad.

I know Lucas so well. So well that I can read even the smallest gestures from him. At ang Lucas na nasa harap namin ngayon ay hindi mapipigilan kahit ng tatlong tao pa.

"How dare you embarrass me. Sinong pinagmamalaki mo? 'Yang amazona mong kaibigan?" His jaw hardened.

Tiningnan lang ni Yesha si Lucas na para bang isang malaking biro ang tinuran nito. Sunod ay si Ellie. Binigyan naman siya ni Ellie ng makahulugang tingin. Napabuntong hininga na lang ito bago nagsalita. "I don't need anyone to protect me. Start na tayo gumawa. We only have one hour. Don't worry about your brain it will grow...eventually... I hope." Kakatwang nasabi pa niya.

Bakit ba hindi man lang siya natatakot kahit parang galit na leon na ang nasa harap niya? Ang nakakapagtaka pa, hindi siya natatakot pero isang tingin lang ni Ellie sa kanya para siyang maamong tupang sumusunod sa utos ng ina niya.

"Just tell me kung sawa ka na sa buhay mo, I'll gladly end it for you," imporma ni Lucas.

"And just tell me when you're done talking nonsense so you can start using your brain instead... Oh sorry, I forgot...you don't have one."

Nganga ang lahat. Ramdam na ang tensyon sa buong klase. Alam ng lahat paano magalit si Lucas kaya walang bumabangga sa kanya.

"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko dahil kahit babae ka papatulan kita."

"Huwag mo rin ubusin ang oras natin dahil isang oras lang ang binigay sa atin. Sabihin mo lang kung ayaw mong gumawa para makapag-umpisa na ako. Pati na rin sila." Tinuro ang buong klase.

Muli na namang hinampas ni Lucas ang mesa niya, humawak sa sandalan ng upuan at nilapit ang mukha kay Yesha. His eyes showed trouble while her eyes showed bring it on.

I think this year will be my toughest as the SC President.

"Enough, Lucas," pigil ko sa kanila dahil baka kung saan pa mapunta ang away nila. "She's right. Hindi makapag-umpisa ang lahat dahil sa gulo niyo."

"Huwag kang makialam, Chase!"

"Kung gusto niyong ituloy 'yan sa labas kayo, huwag dito. You're disturbing the whole class."

"Really?" Yesha asked me. "You heard that?" tanong niya kay Lucas. "The SC President gave us permission. So, shall we? Saan mo gustong magrambol? Gusto mo ba sa field? Para kita ng lahat?"

"Hinahamon mo ba ako?"

"Didn't you challenge me first?"

Kunwaring natawa si Lucas. "So, something really happened after you left me in the garden, huh? Why do I get this feeling that you're extra irritated this time? And you want to take it out on me. I am not a punching bag."

Si Yesha naman ang natawa, tumayo at nilapit ang mukha kay Lucas. "Are you telling me na 'pag nagrambol tayo, you will end up a punching bag? It's good as saying I beat you."

"Okay, fine. Let's go!"

"Yesh!" pigil ni Ellie. "We've talked about this. And you," baling niya kay Lucas, "tumigil ka na bago pa mag-init ang ulo ko, pag-umpugin ko kayong dalawa."

That gained muffled laughs from the class.

"Isa ka pa, ito ngang SC President hindi ko sinunod, ikaw pa kaya?"

Yesha laughed, an insulting one. "I'd love to see what happens when you get on her bad side."

"As if naman—"

"Both of you!" putol ni Ellie sa kanya. "Choose: sit down and do the seatwork or I'll tie you together and throw you on the field."

"Is that another threat?"

Tuluyan nang natawa si Yesha. "Trust me—"

"I don't trust you," Lucas cut her off rudely.

"Well then, trust me on this one. Wala sa bokabularyo niya ang salitang threat. She does what she says. Halika na, gawa na tayong seatwork," dagdag niya na parang hindi sila naghamunan ng away kanina.

Damn! Ibang level ang mood swings ng babaeng 'to!

"What?" she asked Lucas, who was still standing. I think he was also as dumbfounded as I am on how she changes her mood in a blink of an eye. "You want to see if gagawin ka niya talaga? Fine, pero ikaw na lang. Wala akong balak galitin siya at mas lalong wala akong balak matali sa 'yo."

"Pucha!" sigaw ni Kian. "Matali agad? Ang bilis naman. Kani-kanina lang rambol pinag-uusapan niyo, ngayon kasalan na?"

Nalipat sa kanya ang masamang tingin ng dalawa. "Mas mabilis 'pag sakalan. Gusto mo umpisahan ko sa'yo?" Lucas stared daggers at him.

"Kayo 'tong naghahamunan tapos ako mauuna? Nasa'n ang logic do'n?"

"Utak nga niya hindi niya mahanap, logic pa kaya?" hirit ni Yesha. Ayon humagalpak na naman sa tawa ang buong klase.

"You're really getting on my nerves woman," Lucas warned. "I'm telling you, don't mess with me."

Ellie scoffed. "And I'm telling you, don't mess with Yesha Vera," makahulugang aniya bago tinapunan ng tingin ang kaibigan.

Yesha sighed in defeat. "Oo na, magpapakabait na." She gave Lucas a bored look. "So ano? Gagawin ba natin ang seatwork na 'to o hindi?"

Lucas just stared at her, perplexed. He  glanced at Ellie and back at Yesha again. Even just with that stare, I can already tell. He's scrutinizing her. Even I was intrigued by Ellie's statement.

"You know what?" Yesha readied her things. "Kaya ko namang mag-isa. I'll just tell Sir Balmeo that you don't want to—"

"Fine!" Padarag na naupo si Lucas. "But don't think that you will get away with this." He stared at her again.

Yesha just said the magic words. Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Kailangan sundin ni Lucas ang mga lec. Hindi pwedeng mabalitaan ng daddy niya na may ginagawa na naman siyang kalokohan. Kailangan niyang mag-aral nang mabuti. 'Yon ang kasunduan nila ng daddy niya.

"Don't think? Eh sa ating dalawa ikaw ang shunga malamang ikaw ang hindi nag-iisip," bulong ni Yesha.

Nanlumo na lang ako. Hindi ba pwedeng manahimik ka na lang? Hihirit pa eh. Isa ring pasaway. Buti na lang hindi siya narinig ni Lucas.

You found your match, Lucas.

I agree with sir Balmeo. Wala pang nakagawa kay Lucas ng mga ginawa ni Yesha. I agree with him pero bakit parang iba ang dating sa akin ng mga salitang 'yon?

At iba rin ang dating ng babaeng 'to. At malamang 'yon din ang tumatakbo sa utak ni Lucas na hindi pa rin nawawala ang paningin sa katabi.

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon