MD 3 - NEW BEGINNING

1.7K 55 3
                                    

ELLIE POV

"All of you! In my office now!!"

What a way start the school year. Office agad-agad? Langyang Yesha 'to nakagawa agad ng gulo. Malilintikan talaga sakin 'to mamaya.

Lumipat kami ni Yesha sa school dahil gusto namin ng bagong environment. Actually, si Yesha lang at dahil dakilang best friend ako, pinagpilitan kong sumama ako. Oo, pinagpilitan ko pa talaga. Siya na sasamahan sa kaartehan at kadramahan niya sa buhay, siya pa ang mapili. Kundi ko lang talaga ang mahal ang bruhang 'yon eh.

Sabay kaming lumaki ni Yesha and we always got each other's back.

Yesha's one of the best people you can ever have. Makulit siya at matigas ang ulo but she's also the kindest person I know. She is a jolly person. 'Yong tipong mapapangiti ka na lang kasi nakakahawa ang nag-uumapaw na happiness niya. According to her, our emotions also affect those who are around us. Kung makikita nilang malungkot ka, malulungkot din sila. Kung mainit ang ulo mo, iinit din ulo nila. Kaya dapat masaya raw para masaya rin sila. Kung may problema man sila, kahit sandali lang lang eh makangiti pa rin sila and let them feel that they still have reasons to smile. That whatever happens, they will get through it.

But that Yesha is no longer here. She got hurt—so bad that she forgot her positive insights in life. Ang Yesha ngayon ayaw na ayaw na inaapi siya. Kaya madalas napapaaway siya at bilang dakilang best friend niya, I always defend her. Ako ang nakikipagbasag-ulo para sa kanya. Hindi pwedeng siya dahil isang pagkakamali lang niya, siguradong parusa ang aabutin niya.

You see, pain changed her, turned her into a different person. Kaya ito lumayo muna kami sa amin para makalimot siya sa sakit.

Palabas na kami ng classroom nang hilain ko muna siya sa gilid. "What's this again?" I asked her. Pinaramdam ko talaga na naiinis ako.

"I didn't do anything. Nananahimik ako. They started it."

Napailing ako. Ito lagi ang depensa niya sa tuwing napapasama siya sa gulo. Kung tutuusin, totoo naman. Hindi ugaling manghimasok ni Yesha sa mga bagay-bagay sa paligid niya. Basta huwag din siyang iistorbohin o papakialaman. She doesn't like her private space being invaded. Oras na pumasok ka roon, asahan mo nang lalabas ka nang lumilipad.

Naiintindihan ko naman siya at ang pinagdadaanan niya but this has to stop. She can't stay like this forever. Masakit ang nangyari sa kanya but she must not cage herself in that pain. This is not her. Alam kong mahirap but she needs to keep going. Yesha's no ordinary person. Maraming umaasa sa kanya, naniniwala at naghihintay.

I heaved a sigh and held her hand. "New beginning, remember?" malumanay na paalala ko. Kahit gaano kahirap makasama ang bagong Yesha. Kahit gaano kasakit makitang nasasaktan pa rin siya. Kahit gaano katagal makabalik ang dating siya. I'll be beside her. Dahil alam ko, mas mahirap at masakit para sa kanya. She's doing her best but the pain was too much for her.

Tumango naman siya. "Sorry. I didn't mean to."

I chuckled, lightening the mood. Iyakin kasi ang bruhang 'to. "They're lucky sa lec's office lang ang punta nila."

"New beginning, remember?" panggagaya niya sa akin.

This is the reason why we are here.

"So, do you like it here?" I asked her as we headed towards the office as well.

"Bakit dito tayo nag-enroll? Ang daming letsugas. Nakakairita!" reklamo niya.

"Ito kasi ang pinakamalapit sa bahay," paliwanag ko.

"May kotse ka naman. Bakit mo pinoproblema 'yong layo? Okay lang naman kahit malayo basta tahimik."

"Should I enroll us in a cemetery instead then? Do'n sigurado ako, tahimik."

"Ang talino mo talaga, 'no?"

"Alam ko na 'yan, matagal na pero salamat pa rin."

"Letse ka!"

"I love you too."

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin, bumuka ang bibig nito para magsalita sana ngunit itinikom din iyon at umiling na lang. Nauna na rin siyang maglakad pero hinawakan ko ang kwelyo niya sa likod at hinila siya. "Just because I already talked to you doesn't mean we're already done with this. Mag-uusap pa tayo." Peke akong ngumiti with matching pagtaas ng kilay. I'm sure naintindihan niya ang nais kong iparating.

"Sermon na naman," bulong niya tsaka tinuloy ang paglalakad.

Bumagsak ang balikat ko habang pinapanood siya. Kailan ka babalik sa dati? Kailan babalik ang mga ngiti at kislap sa mata mo?

Nilipat ko ang tingin sa isang lalaki sa harap niya. Kailangan kitang bantayan. I didn't like the way you looked at my best friend.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now