MD 36 - SWEET SMILE

1.2K 37 9
                                    


| ELLIE SANTILLAN |

Hindi siya pinansin ni Yesha, sa halip ay binalingan ako. "Ellie?" Her voice was serious. Inaasahan ko naman, wala nga lang akong pakialam. It's high time she gets out of that dark box.

"He'll drive us there."

"What? Why? Pagod ka ba? I can drive," she protested which just fell on deaf ears.

"Just get in. Kanina ka pa namin hinihintay." Nauna na akong pumasok sa kotse ni Lucas at iniwan siya ro'n na hindi pa rin makapaniwala. I am so expecting her reaction!

Her gaze darted to Lucas. Then, in a split second, she's already staring daggers at him. Natawa na lang ako, lalo na nang rumehistro ang panic kay Lucas. Parang 'yong panic niya kanina no'ng nahuli ko siyang nakatambay sa labas ng bahay.

Kanina ko pa napapansin ang kotseng naka-park hindi kalayuan sa bahay. Lagpas isang oras na rin iyong naroon. Tinted ang salamin pero halatang may tao sa loob, tila nagmamasid o may inaabangan.

Maya-maya'y lumabas ang isang lalaki. Naglakad papunta sa gate. Magdo-door bell na sana pero mukhang nagbago ang isip. Umiling-iling ito, tumalikod, at naglakad pabalik sa kotse niya. Tumingin muna ulit ito sa bahay bago pumasok. Akala ko aalisin na rin pero nanatili lamang.

Napailing na lang ako. I decided to approach him. Kung maghihintay ako, walang mangyayari.

Kinatok ko ang salamin ng driver's seat. "You know what? Our doorbell is perfectly working," bungad ko nang ibaba niya ang salamin. "You look like a stalker. You even used a different car. Muntik ko nang paulanan ng bala 'tong sasakyan mo." I wonder how many cars he has. Siya na ang rich kid!

His eyes widened. "S-Seryoso?"

I chuckled. I never pegged him to be gullible. "Joke lang. Ano ba kasing ginagawa mo rito?" I feigned ignorance. Halata naman kung bakit siya nandito eh.

"Uhhmmm..."

Speechless! Akalain mo nga naman! Dati, hindi sila nauubusan ng banter ni Yesha sa isa't isa pero ngayon, tameme na siya!

"She's fine now," I informed him. "Maaga siyang gumising kanina. She even cooked our breakfast. So, bakit nga hindi ka tumuloy na pumasok?"

"A-Ano kasi...." Napahawak siya sa batok at umiwas ng tingin.

"Kasi?"

"I r-really don't know what I'm doing here. Nakita ko na lang ang sarili kong nandito," pahina nang pahinang sagot niya.

That made me crack up! What the! "Hindi nga?" I asked, all smiles. Sabi na eh! "Iba ka pa lang mag-alala, mukhang tatalunin mo pa ako. Siya sige. pumasok ka na ro'n at tingnan siya."

"Ha? Hindi na," he refused, talagang may hand gesture pa.

"What? Hindi ba't 'yon naman ang ipinunta mo rito?" Inabot ng oras ang pagtambay niya sa labas ng bahay tapos ayaw pumasok? Shy much?

"Eh sabi mo okay naman na siya."

"Ang gulo mo! Anyway, susunduin namin si 'Nay Lucy sama ka?" I offered. Wala naman masama kung sumama siya saka para hindi masayang effort niya. And... para na rin magkalapit sila ni Yesh.


I faked a cough. "Malayo pa ang byahe. Mamaya niyo na ituloy 'yang titigan niyo," putol ko sa staring contest nila. Kunwari pang umiwas ng tingin si Lucas kanina pero makikipagtitigan din pala sa huli. At kung hindi pa ako pekeng umubo baka abutin na kami ng anong oras.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now