MD 56 - MANTRA

1.1K 51 3
                                    


| CHASE ALCANTARA |


"Yes, mom, nandito na po ako sa mall."

"Okay, anak. Hintayin mo na lang kami diyan."

Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. Tinago ko na ang phone at tumingin sa paligid, searching for a place where I can pass time. May kailangan kasi akong kunin kanina sa SC Office kanina kaya hindi ako nakasabay sa kanila. Maglalakad na sana ako nang may bumangga sa likod ko. Bahagya akong natulak paharap.

"Sorry! Sorry! I didn't—"

"Ikaw na naman?!" sabay naming sigaw ni Yesha. What the heck? Bakit ba kung saan-saan sumusulpot ang babaeng 'to?

"Are you stalking me?" I demanded.

Bahagya siyang lumayo. "Hanep sa imagination!" pang-aasar niya.

I'm about to meet with my family's friend and I don't want to ruin my mood so fine, I'll let this pass. "Then what are you doing here?" Sa laki ng mall na 'to at sa dami ng lugar sa El Razel, talagang siya pa ang makasasalamuha ko?

"Hello?" she said in a duh tone na parang ang tanga ko. Sobra. She even waved her hand. Again, huminga na lang ako nang malalim. "Mall po ito. Lahat ng tao pumupunta po rito. Pagmamay-ari mo ha? Pagmamay-ari mo?" diin pa niya.

By now, alam kong nag-iisang linya na ang mga kilay ko. "I didn't say I own it, I just asked what you're doing here," pigil ang inis na saad ko. Kahit kailan ang hirap niyang kausap!

"Letse ka!" sigaw niya na sinabayan pa ng alis.

My jaw dropped. Siya ang nakabangga sa 'kin and yet siya pa ang may ganang manigaw! Tiim ang bagang na sinundan ko siya ng tingin. "Wait," I followed her. Dire-diretso lang siya na parang walang narinig samantalang hindi naman siya gano'n kalayo sa 'kin. "I said, wait!" I blocked her way.

"Ano na naman ba?!" Hindi naman niya masyadong pinapahalatang ayaw niya akong makita. She's so fond at shouting at me.

"I don't like what you're wearing," I said casually.

Her forehead creased and within a second, she looked at me in disbelief. "What? Mali yata dinig ko."

"I don't approve of that." She's wearing a sleeveless v-shaped soft denim top. Then she wore a long polo over it and finished her outfit with shorts and white sneakers. She actually looked stunning in it. Hindi rin naman gano'n kaiksi ang shorts. But... really, ayokong gano'n ang suot niya. Kanina pa napapatingin sa kanya ang mga dumadaang lalaki. 'Yong iba nga kulang na lang mabali na ang leeg katitingin sa kanya. Ang sarap tuluyan!

Sandali niya akong tinitigan, mukhang inaalam niya kung seryoso ba ako. I am damn serious! Kanina pa ako nagpipigil manapak!

"Sabog ka ba?" Napamaang ako sa tanong niya. "Sinabi ko bang aprubahan mo? Umalis ka nga sa harap ko!" Tinabig niya ako. Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at walang sabi-sabing hinila siya papasok sa isang clothing store. Of course, she protested and pulled her hand back but I didn't budge. No way!

"You will change," I declared. Serious. Final. I scanned the store, ni hindi ko pinansin ang babaeng staff na agad sumalubong sa amin. Basta naghanap na lang ako ng gusto ko. Tingin ko naman bagay sa kanya kahit ano; I just need to approve it. I don't care kung sinasabi niyang hindi niya hinihingi ang approval ko. Hindi ko rin naman hinihingi ang opinyon niya. That makes us even. "Wear this."

"Aray!" asik niya matapos kong itapon sa mukha niya ang isang pantalon. "Letse ka!"

"At ito ang gamitin mong t-shirt." I handed her a white tee with a Mine print

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon