MD 51 - PERFECT TARGET

1.3K 61 26
                                    


| LUCAS LEDESMA |


Pagpasok pa lang ni Seb sa bahay gusto ko nang magtanong kung bakit may bangas siya. Pero pinigilan ko ang sarili dahil nandito pa si Yesha. She seemed to have considered Seb as her friend. And knowing her, protective siya sa mga kaibigan niya. Tinatanong ko pa nga lang si Seb, hina-harass ko na raw.

At mukhang maalaga din sa kaibigan dahil siya pa mismo ang naglinis ng sugat ni Seb. Ingat na ingat pa talaga. Hindi lang ako umiimik habang pinapanood sila pero naglalaban ang loob ko.

Bakit no'ng ako eh wala siyang ginawa kundi ang sigawan ako?

Ramdam kong naiilang din si Seb at sumusulyap sa akin pero wala rin siyang magawa. Si Yesha 'yong tipong hindi mo matatanggihan oras na may sinabi sa 'yo. She has her own way of getting what she wants.

Matapos linisan ang sugat ni Seb ay niligpit lang niya ang mga ginamit at nag-umpisa na kaming kumain.

"Grabe! Ang daming pizza!!" Johan exclaimed and took a bite. "Yesh, mangabilang bakod na kaya tayo?"

"Para sa pizza? Pwede!" She laughed and put the straw on her milk tea.

Kumuha rin ako ng slice. Hindi ko akalain oorder sila ng sobrang dami. Biglang taas bill ko nito, but I don't mind as long as I see her smile. Naupo ako sa single sofa sa harap ni Yesha. Si Seb naman sa kabilang single sofa rin. Sina Nathan, Daniel, at Kian sa isang mahabang sofa. Sina Johan at Yesha naman ay nakasalampak sa sahig. Nagsisikuan sila sa hindi ko malamang dahilan. Mukhang normal na sa kanila. Ewan ko lang bakit do'n sila nakaupo eh may mahabang sofa naman sa likod nila. Upuan 'yon pero ginawa nilang sandalan.

"Dito ka na lang, Yesha," kuha ni Kian ng atensyon niya, "para laging may libre." He laughed. "Alam mo ba no'ng wala ka pa eh kahit fishball ayaw niyan manlibre. Sobrang kuripot!"

I rolled my eyes. Hindi ako kuripot; I just manage my finances accordingly. Magkaiba 'yon. I caught Yesha glanced at Seb. He sighed. I wonder what was that for. Parang may sikreto sila.

"Talaga?" she asked Kian.

Sunud-sunod itong tumango. "Ang yaman naman niya. Kita mo naman bahay pa lang mansiyon na! Kahit buong klase natin mag-overnight dito pwedeng pwede."

Malaki lang ang bahay na 'to pero wala namang buhay. Tatlo lang kaming nakatira dito: Si Lola, Tita, at ako. Si Tita ay kapatid ng Daddy ko at siya ng halos nagpalaki sa akin simula nang mawala si Mama. Kasama siya ni Lola ngayon para sa isang out-of-town conference.

Madalas dito talaga kami tumatambay. Kung hindi nga lang hahanapin sa kanya-kanyang bahay ang mga 'yan, malamang dito na sila tumira. Maraming kwarto sa second floor at kahit tig-iisa sila ay pwedeng-pwede.

I faked a cough. "Huwag ako ang pag-usapan niyo."

"Oh sige si Chase na lang. Alam—aray!" Nakatanggap ng batok si Kian mula sa 'kin.

Johan laughed at him. "Wala ka pala eh," pang-aasar pa niya.
"Pero, Yesha kumusta na kaya sina Dustin?" baling niya sa kaibigan.

"Sa bahay sila gumawa."

"Gano'n?" His shoulders squared. "Hindi pa ako nakakapunta sa bahay niyo."

"Mamaya punta tayo. Nando'n pa yata sila, tumatambay."

"Sige, sige. May pagkain din ba do'n? Malamang mayroon, sa takaw mong ya—" Yesha shot him a serious stare. "I mean... sa bait mong 'yan. Tama! Sa bait mong 'yan!"

"Wala ka rin pala, eh," pang-aasar ni Kian sa kanya.

"Yesha, pwede rin kaya kami tumambay sa bahay niyo?" tanong ni Daniel.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now