MD 5 - COAT

1.5K 54 0
                                    

LUCAS POV

Walanghiyang babae 'yon. Shunga? Tinawag talaga niya akong shunga? No one dared to go against me in this school tapos siya gano'n-gano'n lang kung sagutin ako. Kunsabagay hindi lang ako, kahit si Chase kinalaban niya. She has the guts, huh? Kami pa talaga ni Chase ang binangga niya?

"Okay class since nagkakagulo kayo ng dahil sa seating arrangement, ako na ang mag-aayos nito," Miss Castillo announced.

Nag-umpisang magbulungan ang lahat. Ngayon nga lang naman kasi na lec ang mag-a-assign ng seating arrangement. Dati kami ang namimili. Thanks to that girl.

Pinatayo kaming lahat ni Miss Castillo sa harap at isa-isang tinawag at itinuro ang aming upuan.

"That seating arrangement is final. And your seatmate will also be your partner for projects and assignments. Those without seatmates, first three lines kayo ang partners. The last two kayo naman ang magkapartner."

Dahan-dahan akong napatingin sa katabi ko. Does that mean I'm stuck with this girl?!

"First activity with your partner? I want you to know a couple of things about each other and introduce them here in front."

Napapikit ako sa inis. Rinig ko pa ang pagpipigil ng tawa ng mga kaibigan ko. Pagmulat ko, nagsalubong ang paningin namin ni Yesha. I gave her the 'what-are-you-looking-at' face. First day pa lang pero hindi ko na gusto ang school year na 'to. Parang madaming mangyayaring hindi maganda.

Nagsimulang mag-usap-usap ang mga kaklase namin. Nanatili naman akong walang imik.

Ang classroom namin ay binubuo ng apat na rows. Bawat row ay mayroong dalawang table at aisle sa pagitan ng bawat row. Ang nasa dulong row naman ay isa lang ang table. Ito ang madalas na pinupwestuhan ko maliban sa katabi ng bintana ay ayoko talaga ng seatmate.

Nasa pang-apat na hilera ako at pang-limang hilera naman sina Chase. Ang nasa pang-limang hilera ay sina Hailey at Nikolai, Ellie at Kenjie, Kaiden at Chase, Johan. Nasa pang-apat naman sina Nathan at Daniel, Seb at Kian, Yesha at ako, Dustin.

"Nasan ang hustisya sa seating arrangement na 'to? Napasama na nga sa grupo ko ang babaeng 'to katabi ko pa talaga. Malas! Buong taon ata akong mamalasin," bulong ko sa sarili.

"Wow! Hiyang-hiya naman ako. Parang ginusto ko naman mapunta dito. Kung buong taon siyang mamalasin, buong taon naman sira ang araw ko. Mapasama ka ba naman sa grupo ng mga asungot," parinig naman niya.

Inis ko siyang tiningnan. Binigyan naman niya ako ng 'what-are-you-looking-at' face.

May kakaiba talaga sa babaeng 'to. She looks so innocent and sweet and yet she makes my blood boil.

I turned to face her.

"May kailangan ka?" Hindi makapaniwalang natawa ako sa paraan ng pagtatanong niya. Napakaangas. Para bang 'pag binangga ko siya, ako ang titilapon, hindi siya.

Nilapit ko ang mukha sa kanya. "You," panimula ko, "are obviously a nuisance. Tinitingnan pa lang kita, kumukulo na ang dugo ko."

Mapang-asar siyang ngumiti. "May kape ako rito. Pwede mong ipanghalo sa kumukulo mong dugo. At kung gusto mo, araw-araw akong magdadala para araw-araw kang may panghalo sa kumukulo mong dugo. Tutal, isang taon naman tayong magkakasama. Ang saya, 'di ba?" She, obviously, is pissing me.

Tumiim ang bagang ko. Saan kumuha ng lakas ng loob ang babaeng 'to para banggain ang isang tulad ko?

"Ahhh, Miss?" sumingit si Kian sa usapan namin. "'Yong kape bang dala mo eh 3 in 1?" natatawang tanong niya. Maging si Kaiden na nasa likod ni Yesh ay mahinang natawa.

Nilingon ko si Chase na nasa likod ko. Paniguradong narinig din niya ang sinabi ni Yesha kanina. But as expected, poker face lang siya.

"Oo, bakit? Ayaw ba niya ng 3 in 1?" Bumalik ang atensyon ko kina Yesha.

"Oo," sagot ni Kian. "Yayamanin kasi 'yan."

"Tch!  Yayamanin? So ano, magdadala pa ako ng coffee maker, gano'n?"

Humagalpak ng tawa si Kian. Napatingin tuloy sa amin ang lahat.

"Sorry po." Tumungo siya nang tingnan siya nang masama ni Miss Castillo.

Umiling-iling si Seb na katabi ni Kian. "Looks like this year will be interestingly different," bulong niya.

"Bakit naman?" Nilipat ni Yesha ang tingin sa kanya. "Kasi marami kang mahuhuling palaka?"

Inis na tiningan siya ni Seb. Tinakpan ni Kian ang bibig para pigilan ang pagtawa.

"Gusto mo magdala ako ng net o kaya aquarium para sa mga mahuhuli mo? O kaya lutuin natin. Sakto! Ipansabaw natin 'yong kumukulong dugo niya." He pointed me with all smiles.

Hindi na napigilan ni Kian at humagalpak ulit siya ng tawa. May kasama pang hampas sa mesa niya.

"Kayong apat diyan sa likod na kanina pa bulungan nang bulungan. Step out!!" Sigaw ni Miss Castillo.

Napapikit ulit ako sa inis. Pesteng babae!

Tahimik kaming apat na nakatayo sa labas ng room. Pilit kong kinakalma ang sarili dahil gusto ko na talagang sumabog sa galit! Imagine, ako! Ako! Napalabas ng classroom! Sinong hindi kukulo ang dugo?!

Mayamaya, nag-indian sit siya at isinandal ang ulo sa pader sabay pikit.

Napatingin kaming tatlo sa kanya.

"Parang sanay na sanay na siyang mapagalitan at mapalabas." Umiling si Seb.

Siya namang pagdaan ng isang lalaki sa harap namin. Dire-diretso lang siya at nilagpasan kami pero biglang huminto, umatras pabalik at tiningnan si Yesha tapos ngumiti.

Mas lalong kumulo ang dugo ko. "Magbibilang ako hanggang tatlo, 'pag hindi mo tinigil 'yang ginagawa mo, dudukutin ko 'yang nga mata mo."

Agad na umalis ang lalaki.

Nilingon ko si Yesha. Halata namang hindi siya tulog pero nanatili lang siya sa posisyon niya. Inis kong hinubad ang coat ko, lumuhod sa isang paa, at tinakpan ang mga binti niya. "Pwede ba? Huwag kang basta-basta uupo nang ganyan?" iritang saad ko.

Dahan-dahan nitong minulat ang mga mata. At ngumiti. And just like magic, I was stunned. Ni hindi ako nakakurap. Nakatingin lang ako sa kanya. Inabot ng ilang segundo bago ako bumalik sa huwisyo at bahagyang lumayo.

"Did I make your blood boil again?" she asked softly. And there's that magic again. Pucha! Bakit parang nawala ang init ng ulo? Natunaw ng malamyos niyang boses.

He looked at the coat I used to cover her legs, then back at me again. "Are you okay?" she asked, brows knitted.

Doon na ako natauhan. Padarag akong tumayo. I can feel my heart hammering so hard in my chest. "Fvck!" bulong ko. "What?!" I shouted at Seb who has a  weird expression directed at me. 

His gaze jumped from me to her and back to me again.

Kian did the same. "Yeah, I guess this year will be interesting, too," he commented.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now