MD 35 - WORRIED

1.2K 36 0
                                    


| LUCAS LEDESMA |

"Bakit kaya hindi mo na lang tawagan kaysa magta-type ka ng message tapos buburahin mo rin. Para kang tanga!" singhal ni Daniel sa 'kin.

I shot a glare at him. "Bakit kaya hindi ka na lang mag-practice para naman ma-perfect mo 'yong steps kaysa pinapakialaman mo ako?" singhal ko rin. Nasa bahay kami para mag-practice ng sayaw. May performance kami para sa program next week at umpisa na rin ng registration for different clubs.

"Ito naman masyado pikon." Tinabihan ako nito at sinilip ang phone ko. "Sino ba 'yan?" Tingnan mo 'to, pakialamero na, tsismoso pa!

"Magtigil ka."

"Puntahan na lang natin," suhestiyon ni Kian.

"Tama! Para matahimik na si Lucas." Muli kong sinamaan ng tingin si Daniel. "I mean... para makamusta natin si Yesha. Siya 'yan, 'di ba?" Hindi na lang ako sumagot. Hindi naman si Yesha, eh. Hindi ko alam ang number niya.

"At kailan pa kayo naging magkaibigan ng babaeng 'yon para kamustahin mo pa?" singit ni Seb. Ang laki ng galit niya kay Yesha, hindi pa yata nakaka-move on sa gulong nangyari.

"Bakit? Kaibigan lang ba ang pwedeng kumustahin?" Kian answered for me.

"Sige nga," hamon ni Seb. "'Pag pumunta tayo ro'n, anong sasabihin mo? Na kukumustahin mo siya? Eh baka hindi ka pa nakapapasok, nasapak ka na no'n!"

Nagtawanan ang iba sa amin.

"O baka sabihan ka rin ng, 'close ba tayo?'" Kian mimicked Yesha, OA nga lang. Gusto ko sanang umalma. She's not like that. "Epic talaga 'yong kay Lucas eh," he added which made me glare at him.

"Eh kung ako na lang sumapak sa inyo?" tanong ko habang nakangiti nang peke. Kung pagtsismisan nila ako, parang hindi nila ako kasama! At talagang sa bahay pa namin! Pagtatadyakan ko kaya sila paalis?!

"Sabi nga namin magpa-practice na lang kami."

"Ano ba kasing nangyari sa kanya?" tanong ni Nathan. Buti pa 'to, madalas tahimik lang at 'pag nagsalita, may sense. Hindi gaya nina Kian at Daniel. Ang sarap nila lagi ihagis.

"Hindi ko rin alam. May problema raw." I heaved a sigh. Naalala ko na naman kung paano siya umiyak. Pati ang lalaking 'yon, naalala ko na naman. It's tempting to search for him. Sa koneksyon na mayroon ang pamilya ko, madali lang 'yon. But I think I'll be overstepping if I did that.

"Hindi mo naman pala alam eh di labas ka na do'n." Seb pointed out. "Bakit ba parang alalang-alala ka?"

"Baka kasi..." Kian trailed.

"Magtigil ka ha!" banta ko. They are overreacting! "No'ng isang araw kasi..." I paused. "... hinarang siya ng grupo ni Alex. Kahapon naman tinambangan siya sa labas ng school." Mabuti nang alam nila kung bakit nag-aalala ako para naman mahimasmasan sila sa mga iniisip nila. Kung saan-saan na napunta eh! I don't want them to assume something else.

"Grupo ni Alex? As in 'yong grupo ni Alex?"

"Kailangan paulit-ulit, Nathan? Grupo nga ni Alex, 'di ba?" sagot ni Daniel. "Pero teka, pre kung grupo ni Alex 'yan, delikado 'yan pre. May atraso ba siya kanila?"

"Paano mangyayari 'yon eh bagong salta lang sila rito," said Kian.

"Maybe because she's a war freak." Seb shrugged.

She's not. Gago lang talaga ang grupong 'yon. Kung naabutan ko lang sana siya no'ng araw na 'yon, hindi makakasalamuha ni Yesha ang mga gagong 'yon. Which reminds me... "No'ng araw na hinarang siya, naabutan na lang namin 'yong mga humarang sa kanya na nakahandusay sa daan," I told them. That's when I got their attention. Lahat sila itinigil ang ginagawa at nilingon ako.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now