MD 41 - THE RULE

1.1K 36 4
                                    


| ELLIE SANTILLAN |


"Ellie!" tawag ni 'Nay Lucy mula sa kusina. Naghahanda siya ng breakfast namin. "May nagdo-doorbell ikaw na muna magbukas at baka masunog 'tong niluluto ko!"

Nilingon ko si Yesha. Tiningnan niya lang ako at bumalik na sa pagpindot sa cellphone niya. Hanep! Sarap buhay! Pa-cellphone-cellphone lang habang kami ay abala sa paghahanda ng agahan. Tinapos ko ang pag-aayos ng mga plato saka tinungo ang pinto. Sino ba kasi 'to? Ang aga-aga may istorbo. Binuksan ko ang gate at saglit na natigilan sa bumungad. "Oh, Seb! Aga natin ah. Anong mayroon?" Honestly, ayaw ko sanang makasalamuha ang taong 'to because I still have the urge to break all his bones. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya sa 'kin! Naalala ko naman tuloy. Ang sama talaga ng ugali. Pero utusan siya ni Yesh, so I guess, I don't have a choice but to have him around.

"Nagpapasundo 'yong walanghiya mong kaibigan," he replied in a monotous tone. Obviously, he's pissed and not happy with his situation. Well, good luck na lang sa kanya.

"Gano'n ba? Sige, pasok ka." Niluwangan ko ang pagkakabukas ng gate. Sinara ko rin nang makapasok siya at naglakad na pabalik sa bahay; nakasunod naman siya. "Mahal na prinsesa nandito po sundo niyo. Hanep sa buhay ah! May pasundo-sundo pang nalalaman," pang-aasar ko sa kaibigan. Ano kayang nakain nito? Dati naman ayaw niyang may ibang taong sumusundo at naghahatid sa kanya. Oh well, okay na rin pala, pabor sa 'kin eh! And... I know it's wrong to be happy at other's misfortune but, kasalanan naman niya eh. So, served him right. Naupo na ako sa harap ni Yesh.

"Panalo eh! Ganyan talaga 'pag magaling," mayabang na sagot niya. I laughed inwardly. Good luck talaga kay Seb. He'll need lots of it. Or maybe what he needs is a miracle.

"Ito na ang breakfast—Oh, Seb, ikaw pala." 'Nay Lucy entered the dining area.

"Susunduin ko po 'yong walanghi—si Yesha po. Susunduin ko po si Yesha," biglang kabig niya. Lihim akong natawa. So far, hindi pa naman nagre-react si Yesh. Busy lang ito sa cellphone niya.

"Ah 'yong walanghiyang babae ba? Pinapahirapan ka ba? Sabihin mo lang kukutusan ko."

"Hindi naman po," nahihiyang sagot ni Seb.

"Pero teka, bakit mo pala siya sinusundo? Hinatid mo rin siya kahapon. You're courting her?"

I cracked up in an instant. What the heck! Napainom naman ng tubig si Seb. And Yesha finally drew out her attention from her phone and deadpanned at us. "He made a stupid deal," paliwanag niya.

"What deal?" 'Nay asked.

"Hinamon niya si Yesha sa dance off," ako ang sumagot dahil busy nang kumuha ng fried rice si Yesh.

"Really? Hinamon mo ang babaeng 'to?" baling ni 'Nay kay Seb habang nakaturo kay Yesh. "Hijo, you made a big mistake. Walang patawad 'yan pag sumayaw na." Seb may be the best dancer in school, but from where we came from, si Yesha ang pinakamagaling.

"Gano'n na nga po kaya nandito po ako ngayon," he answered softly.

"Dahil natalo ka kailangan mo siyang ihatid at sunduin?"

"Utusan ko siya," sabad ni Yesh.

"What? Anak, huwag gano'n," nangangaral na saad ni 'Nay.

"It was his idea. Hayaan niyo siyang malunod sa kalokohan niya."

'Nay sighed and turned to Seb. "Hijo," malumanay na tawag niya. Hinawakan pa siya sa balikat. "I will pray for your soul."

Muli na naman akong humagalpak. Yeah, those are the right words to describe what he has gotten himself into. My gaze dropped to Seb and I laughed even more seeing his reaction. Takte! Hindi na maipinta ang mukha niya. Napailing na lang ako. Sa kakulitan pa lang ni Yesh, susuko ka na. What more pag pinagtripan ka pa niya? So yeah, I might need to by some flowers anytime soon. No one can handle her. Well, except for one person: Yuri.

My Destiny (Book 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant