MD 1 - FIRST MEETING

3.7K 71 27
                                    

YESHA POV

"That's my seat."

Kasalukuyang nakadukduk ang mukha ko sa desk nang biglang may nagsalita. Nag-angat ako ng tingin at nakitang may lalaking nakatayo sa harap ko.

Matangkad. Yayamanin. Gulo-gulo ang buhok na bumagay naman sa kanya. Medyo singkit ang mata, matangos ang ilong, maputi.

Gwapo sana pero ang sungit ng itsura pati aura.

"That's my seat," ulit niya nang mapansing nakatingin lang ako sa kanya.

Luminga-linga ako sa paligid baka kasi hindi naman ako ang kinakausap.

Anak ng! First day of classes pa lang kaniya na agad ang upuan? Ano 'to may seating arrangement agad?

"I don't see your name on it," walang gana kong sagot.

"I don't have to write my name on it to tell that it's mine," mas walang ganang sagot niya.

"Eh paano mo nasabing sa'yo? Eh first day of classes pa lang ngayon. Ano 'yon pinareserve mo?!"

"No, it's mine because I said so."

"Miss, kanya talaga 'yan. Bigay mo na," singit ng isa pang lalaki.

Tiningnan ko naman siya. Gwapo rin at mukhang mabait. Smiley face, mukhang masayahin. Hindi katulad nitong nasa harapan ko na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Seriously? Para lang sa upuan ganyan na itsura niya?

Pagtingin ko sa paligid nakatingin na pala sila lahat sa amin. Bumuntong-hininga na lang ako. "Fine." Hinila ko ang upuan sa harap ko at pinagpalit sa pwesto ng upuan ko. Ang dating nasa harapan kong upuan ay siya nang nasa pwesto ko ngayon at ang dating inuupuan ko ay nilagay ko sa harapan ko. "Oh ayan."

Kunot-noo niya akong tiningnan.

"Sabi mo gusto mo 'yang upuan, ;di ba? O ayan na. Binigay ko na. A thank you will do." I faked a smile and sat back down.

Malakas na tumawa si smiley guy.

Sabay kaming napalingon sa kanya ni masungit guy. Binigyan ko si smiley guy ng pekeng ngiti at tiningnan naman siya nang masama ni sungit. Agad naman itong tumigil sa pagtawa at nilapitan ako. "I guess you're the transferee?" tanong niya. Tiningnan ko lang siya dahilan para mapakamot siya ng ulo. "Ako nga pala si Kaiden." Nilahad niya ang kamay.

Ayoko sana dahil wala naman akong pakialam pero ayoko rin ng kaaway. Nakakapagod. Isa pa, nandito ako para 'magbagong buhay'.

"Yesha." Inabot ko ang kanyang palad.

"Hi. Nice meeting you. Ito naman si Chase. Siya ang Student Council President at kaya gusto niya diyan sa pwesto mo kasi sa likod talaga siya umuupo para makita niya lahat ng students sa harap niya at mabantayan na rin. Alam mo na dedicated sa work," mahabang paliwanag niya.

"Gano'n ba? Ang sabi kasi niya 'yong upuan ang gusto niya, hindi naman niya sinabing 'yong pwesto."

Kung gusto niya makita lahat, bakit hindi na lang siya sa tabi ng lec's table or better yet sa mismong lec's table na.

"Oo nga noh!" Kaiden laughed.

Maingay ang isang 'to panigurado.

"Pilosopo," bulong ni Chase.

Tumingin ako sa gawi niya, tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Bagay sa kanya ang uniform. White polo with gray necktie na pinatungan ng gray coat, gray din ang slacks and black leather shoes. Kung tutuusin simple lang uniform pero nagmukha itong pang fashion show habang suot niya.

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon