MD 34 - HE CHOSE HER

1.1K 33 2
                                    


| LUCAS LEDESMA |

It was a relief nang abutin ni Yesha ang kamay ko. Akala ko magtatalo pa kami eh. Ang tigas ng ulo niya, buti na lang napapayag kong hinatid na lang siya. Paano na lang kung naabutan siya ng grupo ni Alex at may nangyaring masama sa kanya. Baka mapatay ko sila.

Tiningnan ko si Yesha na nakaupo sa passenger seat, nakatingin lang sa labas.

I was about to rev the engine when I realized I don't know where she lives! Damn! 'Pag 'to tinanong ko siguradong barado na naman ako o mas malala hindi na magpahatid.

Paano ko malalaman sa'n siya nakatira? Pwede kong makuha ang files niya pero siguradong nakauwi na ang secretary ni Lola.

Si Ellie! Siguradong alam niya kung sa'n siya nakatira. Mabilis kong nilabas ang phone pero mabilis ding natigilan. Hindi ko alam ang number niya! The fvck!

Another idea sprouted in my mind. Bumaba ako ng kotse saka tinawagan si Kenji. Mahirap na, baka malaman pa ni Yesha na hindi ko pala alam sa'n siya ihahatid. Ang lakas ng loob kong mag-offer tapos hindi ko naman pala alam kung sa'n siya nakatira!

"Hello?" Kenji answered his phone.

"I need Ellie's number," I stated directly. Wala akong panahong makipagkwentuhan.

"Woah," gulat na aniya. "Hold your horses there, Lucas. You called after how many I don't know years to get a girl's number?" he asked in disbelief.

"Just give it, Kenji."

He laughed at me. "You're still the impatient Lucas that I know. What Lucas wants, Lucas gets."

"Ibibigay mo ba o hindi?"

"I don't have it."

"Ang dami mo pang sinasabi hindi mo rin naman pala alam!" Binabaan ko na siya. Tsk. Bakit ko ba naisip humingi ng tulong do'n? It's not as if we're on good terms. Kung hindi lang ako desperadong malaman kung saan nakatira si Yesha, I would never ask help from him.

I glanced at Yesha. Looks like I don't have a choice but to ask her. Bahala na kung magalit siya kaysa naman hindi ko siya maihatid. Maybe I'll just lock the door so, she won't have any choice.

Papasok na sana ako nag mag-ring ang phone ko. My forehead creased. The number was unregistered. Usually, hindi ako sumasagot 'pag unregistered number but my mom said, I should. Baka raw kasi emergency iyon. Pwede ko naman daw alamin muna kung sino ang tumatawag bago magbigay ng kahit na anong impormasyon.

"Hello?" I answered the call.

"Where's Yesha?!" sigaw ng nasa kabilang linya. Nagsalubong ang mga kilay ko, mukhang ayoko nang sumagot ng mga unregistered numbers. Hindi man lang nagpakilala; nanigaw agad! Maybe this was the reason why this kind of calls give anxiety to some. You just don't want to expect. Parang ako pa ang may atraso!

"Who's this?"

"Bring her home now!" utos pa niya. Kung kaharap ko lang 'to, malamang nasapak ko na. Sigaw nang sigaw! Inilayo ko muna ang phone mula sa tenga at tiningnan ang screen. Napailing na lang ako at binalik sa tenga iyon, as if naman lalabas sa screen ang mukha ng caller. But, the voice was familiar. She even mentioned Yesha. That can only mean one thing...

"Ellie?" I asked.

"I said, iuwi mo na si Yesha ngayon din!" sigaw na naman niya! Lagi ba siyang nakasigaw?

"Paano mo nalaman ang number ko?"

"Hindi lang 'yan ang kaya kong alamin tungkol sa 'yo kaya iuwi mo na 'yang kaibigan ko kung ayaw mong malintikan sa 'kin. Ngayon na!" Kinailangan ko ulit ilayo sa tenga ang phone ko dahil baka mabingi ako nang wala sa oras. Bakit ba siya naninigaw? Iuuwi ko naman talaga ang kaibigan niya! Wala naman akong balak itanan!

My Destiny (Book 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें