MD 57A - CALMED

1.4K 62 10
                                    


| YESHA VERA |


Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa sinabi ni Chase. Pero sigurado ako, hindi ako kinilig. Ang iba siguro, maaari—baka nga nahimatay pa. Pero ako? Hindi.

Ilang beses ko bang kailangang sabihing ayoko ng may pumuprotekta sa 'kin? Either mahina ang tingin nila sa 'kin o sadyang hindi sila makaintindi.

"Woah! Don't tell me pati ikaw?" Owen laughed insultingly at him. "Sa sobrang close niyo ni Lucas, pati tipo niyong babae pareho!"

Naitagilid ko ang ulo. Bobo ba ang gagong 'to? Kailan pa naging close sina Chase at Lucas? Ngunit gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang tumalsik si Owen mga ilang metro ang layo sa 'min.

What the heck! Dahan-dahan akong napatingin kay Chase. Walang emosyon siyang nakatayo lang sa gitna na para bang wala siyang pinalipad! But his aura? It's screaming danger!

Sumugod ang iba pero agad niyang sinakal ang isa at pabatong tinapon sa apat na nasa likod. Lucas' name was like a switch that turned Chase into a different person. A vicious one at that.

Nilapitan niya ang tinapon niya kanina at inapakan sa tiyan. Nagpapagulong ito sa sahig, namilipit sa sakit but he just smirked. Diinan pa nga ang pagkakaapak. Hindi pa siya nakuntento at sinipa niya ulit.

He darted his gaze at the other one. Itinayo niya ito at walang alinlangang sinapak. Agad iyong tumimbawang at nawalan ng malay. Pumorma ang tatlo pang natitira, pero kitang-kita ang panginginig nila.

Napailing na lang ako. Makatulog ba naman sa isang sapak lang ang kasama mo tapos 'yong boss nilang ewan este Owen, eh lumipad sa isang sipa lang, ewan ko na lang kung hindi ka manginig sa takot.

Sumugod sila ngunit agad ding bumagsak nang patirin sila ni Chase nang sabay-sabay. Pagkatapos no'n ay lumuhod siya sa isang paa at sinuntok sa mukha ang isa. Napasigaw ito habang hawak ang dumudugong ilong. Ang isa naman ay hinablot niya sa kwelyo, pwersahang pinatayo saka sinipa. Ayon lumipad din at tulog. 'Yong isa? Ayon kumaripas na ng takbo!

At ako? Nanonood lang, hindi makapaniwala sa nakita ko. Hindi ko alam kung pupurihin ko ba siya o matatakot din! Anak ng! Who the hell is this Chase? Parang gusto ko nang magsisi na pinagtripan ko siya. Baka gumanti!

"Ano pang tinatayo-tayo niyo?! Sugurin niyo!" nanggagalaiting sigaw ni Owen. Naka-recover na pala siya pero iika-ika maglakad at nakangiwi habang sapo-sapo ang sikmura.

Agad na tinuhod ni Chase ang unang sumugod. Nang mapayuko 'yon, siniko naman niya sa likod. Walang nagawa ang tatlo pa nang sunud-sunod silang pinagsisipa ni Chase.

My lips parted. Anak ng tinapa! Ni hindi man lang sila nakaporma! Wala pang sampung minuto, isa na lang ang nakatayo—si Owen.

"Matuto kang lumugar," walang emosyong saad ni Chase. "Kilala mo naman kung sino ako, hindi ba?"

Ako hindi! Pwede pa-share?

Parang siraulong tumawa si Owen. "Naisip ko lang, si Lucas ba ang dahilan ng galit mo o..." tumingin siya sa 'kin pero nang ibalik niya ang tingin kay Chase, sipa na ang sumalubong sa kanya.

Bobo ang potek! Akala ko ba kilala niya si Chase, eh bakit niya inalis ang paningin dito habang nasa kalagitnaan sila ng laban? But then again, sulyap lang ang ginawa niya; sadyang mabilis lang si Chase. And I must admit, that was one hell of an attack. I'd give him that.

Patalon akong bumaba sa drum. Lumapit ako kay Owen na kasalukuyang namimilipit sa daan. Lumuhod ako gamit ang isang paa sa tabi niya. "'Yon na yon? Todo na 'yon?" dismayadong tanong ko. "Naknampucha! Sampu-sampu kayo, mag-isa lang 'yang letsugas na 'yan pero ni isa sa inyo wala man lang nakatama?" Gusto kong dagdagan ang mga tama niya! Puro kasi yabang, wala naman palang ibubuga! "Kahit isang galos man lang! Kahit isa lang! Alam mo kung ano kayo? Paasa! Isa kang malaking paasa!" Excited na ako, eh! Akala ko pa naman makikita ko na siyang mabugbog o kahit mahirapan man lang. Pero ayon, kahit dulo ng buhok niya, hindi man lang nila tinamaan!

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now