MD 33 - FRAGILE

1.1K 37 4
                                    


| LUCAS LEDESMA |


It has been ten minutes since our afternoon class started and yet wala pa rin si Yesha. Five minutes na lang considered absent na siya. First week of classes pa lang, huwag niya sabihing magka-cutting na siya?

Sa'n ba siya pumunta?

"Yesha, you're late! And why are you wearing that?" asked Miss Castillo when Yesha entered the class.

Napatingin kaming magkakaklase sa kanya. Kumunot ang noo ko. Why was she wearing sunglasses? Malamang magagalit talaga si Ma'am. Bawal kaya 'yon. Nasa school policies na bawal magsuot ng shades, caps, bonnets, and the like 'pag nasa loob ng classroom.

Seryoso bang hindi niya binasa 'yong handbook? Pasaway man ako pero binasa ko kaya 'yon! The heck! Did she really take my words seriously? And did she really mean it when she said my words were all the information she need?

Sa dami naman ng pwede niyang paniwalaan sa 'kin, 'yon pa talaga ang napili niya?!

"Sorry, Ma'am. Galing po kasi akong clinic. Napuwing po ako kanina, kinusot ko po kaya lalong sumakit. Sabi po ng nurse na-irritate daw po kaya mag-shades daw po muna ako para hindi lumala," she explained.

Miss Castillo stared at her, scrutinizing, obviously not buying her reason. Kahit naman ako hindi naniwala. But then, our lec let it slipped. "Okay, take your seat," she said and continued our lesson.

Dumaan ang afternoon subjects namin na parang walang pakialam si Yesha sa paligid niya, parang kaninang umaga lang. At parang kaninang umaga rin na walang pumasok sa ulo ko sa mga lessons.

I'm trying to focus, but I just can't. I'm really bothered by her cold aura—by her, generally. I didn't even notice that it was already dismissal hadn't the bell rang. But despite that, hindi pa rin ako umalis sa upuan.

I just have this urge to talk to her. Hindi ko nga lang alam kung paano o kung ano ang sasabihin ko.

"Yesh, okay ka na ba?" Hailey asked her. Yeah, I didn't think of asking her that. Normal naman siguro ang mangamusta? Kahit magkaaway kami? We're still classmates, seatmates pa nga eh!

"Baka pwede kang magpa-excuse na lang muna sa punishment mo," Niko suggested.

"Don't worry, okay lang ako. Puwing lang 'to." Yesha showed a small smile, convincing her friends.

"Are you sure?"

"Yes, thank you. Sige na uwi na kayo. Ingat."

Nagpaalam lang ang mga kaibigan niya at umalis na rin. Even my friends bid farewell—na hindi naman nila ginagawa dati. Syempre, nang-aasar lang mga 'yon. Masaya mga 'yon 'pag nabubwisit ako eh!

"Alam mo, tama 'yong mga kaibigan mo. Uwi ka na rin at magpahinga," saad ko. Tiningnan lang ako nito at nag-umpisa nang maglinis.

Okay, hayaan na. She's not yet fine. Pero nakabibingi ang katahimikan. Sa sobrang tahimik, aakalain kong mag-isa lang akong naglinis. Hindi ako sanay! Strange as it is but damn I'm missing us being at each other's throats!

Pagkatapos naming linisan ang classroom ay walang sabi-sabing lumabas siya at dumiretso sa gym. I sighed before following. Wala naman akong choice, eh.

"Kung ayaw mong umuwi kahit umupo ka na lang diyan," I suggested. "Konti lang naman lilinisan dito sa gym," turo ko sa paligid. Malawak ang gym pero wala naman gumamit ngayon maliban sa basketball team. Konting mop lang ang kailangang gawin. Kaya ko naman gawin 'yon. Matatagalan ako dahil malawak pero okay lang.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now