MD 64

1K 49 6
                                    

A/N: Pambawi sa super late update...
(/へ\*) Long chapter ahead...

Credits to the rightful owner of the multimedia video.


Hi to: (つ'∀`)つ

parkgwineseu11


Enjoy reading my lovies!


YESHA POV

"Good morning! Bangon na!"

"Ang aga pa." Reklamo ko nang gisingin ako ni Ellie. Tinakpan ko rin ng unan ang mukha ko.

Hinila naman niya ang kumot ko, "kailangan mong maging maaga kung ayaw mong mabulwayan na naman."

Nakasimangot akong bumangon. "Aray!" sigaw ko nang ibato niya sa mismong mukha ko ang isang damit.

"Yan ang isuot mo." Utos niya. Magagalit na sana ako pero natuwa ako nang makita ang nakasulat sa shirt.

Nakangiti akong tumingin sa kanya, "I love it! It's so me! Than--" yayakap sana ako sa sobrang tuwa ko pero inambaan niya ako ng sapak.

"Subukan mo." Banta pa niya.

Nag-make face na lang ako at pumasok na sa CR.

"Nice shirt." komento ni Kenjie nang makarating kami sa school. That's new. Never niya pa ako kinausap. Parang laging mainit ang dugo sa akin eh.

"Good morning, pre!" bati ni Kaiden sa kanya na kararating lang. "Good morning, Ye--" napatingin siya sa suot ko. "Nice shirt" komento rin niya tapos tumawa. "Next level na kayo?" tanong pa niya.

"Ha?"

"Buti naman at maaga ka." Humarap ako sa nagsalita at...

Anak ng!

Agad na hinanap ng paningin ko ang walanghiya kong best friend pero mas mabilis pa sa alas kwatrong kumaripas siya ng alis kasama si Kenjie.

"Remind me to kill her later."

"Isama mo na rin si Kenjie." Chase said na nagulat din nang makita ang suot ko.

"Magpapalit lang ako."

"May dala ka?"

"Wala. Bibili na--"

"Never mind. Marami tayong gagawin. Sayang sa oras kung bibili ka pa. Besides, it suits you."

Napapikit ako sa inis at bumuntong-hininga. I guess I have no choice.

"Your shirt suits you, too."

"Yeah, 'I make the rules'." Medyo inangat pa niya sa magkabilang balikat yung shirt niya.

"Yeah, and 'I break the rules'."

"Let's go?" he asked and offered his hand.

Tinaasan ko siya ng kulay.

"What? Sayang naman yung couple shirt natin if we're not going to act as couples. Tsaka sinagot na kita diba?"

"Mamaya susunugin 'to, isasama na rin kita." pagsusungit ko tsaka siya nilagpasan.

Magsasama-sama kayong mga peste!

CHASE POV

Kenjie gave me a shirt and told me to use it today. Hindi pakiusap, utos talaga. Ayoko sana pero maganda naman yung nakasulat, sakto pa nga sa event today so I agreed.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now