MD 69

940 31 5
                                    

A/N:

Hi to my ever supportive pamangkin, yshe_aquino. Salamat sa laging pagbabasa. Mwah!

Enjoy reading, Chasers!


LUCAS POV

Kaninang umaga pa ako nag-aalala kung bakit wala si Yesha. Nakabalik na si Chase pero si Yesha, wala? Pati si Ellie hindi pumasok na lalong dumagdag sa pag-aalala ko. Nagtetext at tumatawag ako pero pareho silang hindi sumasagot.

Kanina ko pa rin napapansin na hindi mapakali si Chase. Halata sa kanya ang matinding pag-aalala. Kulang na lang minu-minuto i-check ang phone niya.

May nangyari ba? Nang i-video call namin sila, halatang nag-away pero kakaiba ang ikinikilos nila. Isang bagay na matagal ko nang napapansin pero pilit kong binabalewala pero nang araw na yun sadyang hindi na maikakaila pa kaya mas pinili kong umalis na lang.

Naisipan kong maglakad-lakad muna nung lunch break nang makita kong kumakaripas ng takbo si Ellie mula sa garden.

Kung nandito siya, ibig sabihin nandito rin si Yesha. Pagdating ko sa garden, nandun nga siya. Kausap si Chase, more like nagtatalo. Hinawakan nito ang noo niya pero tinapik yun ni Yesha pero nang pandilatan siya ay pumayag din.

Sinundan ko sila nang hilahin siya ni Chase.

Clinic? May sakit siya? Kaya ba siya hindi nakapasok?

Nanatili ako sa labas ngunit rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Akala ko ba hindi ka madaling magkasakit? Umalis ka nang ganyan ang lagay mo?"

"I told you to drive home safely pero halos paliparin mo ang sasakyan mo?"

"Hindi ko gagawin yun kung hindi ka umalis. Kung ayaw mo sa nangyari, you could have just told me. Hindi mo kailangan umalis."

Ayaw sa nangyari? Anong nangyari sa Baguio? Nanlumo ako. Mukhang nangyari na ang ayokong mangyari. Nang malaman kong magkasama sila papunta sa convention na yun, gusto kong tumutol. In fact, kinausap ko si Lola tungkol dun pero si Daddy daw ang may desisyon.

I think he did that para ilayo siya sakin or ipamukha sakin na si Chase ang gusto ni Yesha. Whatever it is, mukhang nagtagumpay siya.

Paglabas ni Chase, ako naman ang pumasok. Mukhang may sakit nga siya dahil hindi pa nagtatagal na nakaalis si Chase pero nakatulog na agad siya. Sinapo ko ang noo niya at napailing. What the hell is she even thinking? Bakit pa siya pumasok?

Hinawakan ko ang kamay nito.

Ang tigas talaga ng ulo mo. Dapat nagpahinga ka na lang.

Natigilan ako nang may makita sa kamay niya. Parang may kumurot sa puso ko.

Hindi. Baka nagustuhan niya lang yun kaya binili niya o baka matagal na yun sa kanya pero ngayon lang niya ginamit.

Pigil-pigil ang luhang lumabas ako ng kwartong yun.

"Lucas, saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Tanong ni Seb.

"Si Chase ba nakita niyo? Wala na sila sa garden eh." Singit ni Kaiden kasama nina Kenjie. "Naku! Saan na naman ba nagpunta ang dalawang yun? Ang tagal na nilang nagkasama sa Baguio tapos nagsosolo na naman." Pasimple siyang siniko ni Kenjie at tumingin sakin. "Ayy sorry."

"Wala pa ba? Akala ko bumalik na siya sa room. Yun paalam niya kay Yesha eh."

May pinag-usapan rin pala sila tungkol sa note.

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon