MD 46 - MESSED UP

1.1K 36 2
                                    


| YESHA VERA |


Gusto ko nang ibalibag lahat ng mesang inayos ko kanina. Alas tres na ng hapon at gustung-gusto ko nang umuwi para makatulog pero hindi pa raw pwede. Kailangan daw hintayin namin ang dismissal. Wala lang raw formal classes but we still have to follow the usual dismissal time.

Nakaupo ako sa table ng Bentley Chronicles kasama sina Niko at Hailey. Sina Ellie, Johan, at Dustin ay nasa labas, nagta-try out para sa mga clubs na napili nila.

"Ay palaka! Ano ba?!" asik ni Niko nang biglang may nagbagsak ng papel sa table namin. Nag-angat kaming tatlo ng paningin.

"What's that?" tanong ko kina Lucas at Chase.

"Registration form," sabay nilang sagot.

Kailangan sabay pa? "For?" I asked again.

"My club."

Sabay ulit? "Why?"

"You will join my club."

Sabay pa rin? "Wow!" manghang saad ko. "You two are speaking the same words at exactly the same time. Amazing!" Potek! I didn't think they're on this level. Akala ko talaga may nakaraan lang sila. Hindi ko akalain ganitong level pala. Iba rin! Gusto kong tumayo at pumalakpak. Para silang mga tanga!

"Not interested," sagot ko saka sila iniwan. Bakit naman ako sasali sa clubs nila? Pagkatapos ng mga pinaggagawa nila? Absolutely no way.




Alas nuebe na nang magising ako. Tumayo ako at nag-stretch nang konti. Kahit paano ay nakabawi naman ako ng tulog. Lumabas ako ng kwarto na sinusuklay pa ang buhok ko gamit ang mga kamay. Halos nakapikit pa ako, tulog pa ang diwa. Nasa huling hakbang na ako ng hagdanan nang matigilan ako at napadasal na lang.

Please, Lord, sabihin Niyo sa akin na hindi totoo ang nakikita ko. Na guni-guni ko lang dahil sa pagod at puyat.

Pumikit ako at nagmulat.

Pikit ulit. Mulat ulit.

Pikit. Mulat.

Anak ng...

Tumayo siya. "What are you doing here?!" he yelled na parang siya pa ang mas nadismayang nakita ako.

Napapikit na lang ako at nanlumo. Why, Lord? May nagawa po ba ako? Nagpapakabait naman na po ako.




| CHASE ALCANTARA |


"Oh ito na pala si Niko eh." Tumayo si Kaiden mula sa pagkakaupo sa gutter ng kalsada.

Sabado ngayon pero maaga pa lang ay nagkita-kita na kami sa harap ng school. Dahil nga free day kahapon kaya pinagawa na lang kami ng project. By group iyon at ang magkakagrupo ay bawat hilera sa room kaya ang kagrupo ko ay sina Kaiden, Kenji, Niko, Hailey, at Dustin. Napagkasunduan naming sa bahay na lang nina Niko gumawa.

"Uy, guys, sorry hindi tayo pwede sa amin kasi may dumating na mga bisita. Sorry talaga," nahihiyang bungad niya sa amin.

"Gano'n ba? Eh sa'n na tayo niyan?" tanong ni Hailey.

"Sa inyo na lang kaya?" suhestiyon ni Kaiden kay Kenji.

"Malayo pa ang bahay namin dito. Besides, hindi tayo pwede ro'n."

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now