MD 68

958 36 10
                                    

A/N: Thank you so much po sa lahat ng nag-aabang kahit lately natatagalan ako sa pag update.
人´∀`)

Lab-lab ko kayo ♡^▽^♡

May ginagawa lang po akong work related project. Certified raketera po kasi ako. Hahaha. Pag natapos yung project, weekly update na ulit.

Enjoy reading!

ELLIE POV

Naisipan naming magkakaibigan na i-video call yung dalawa. Nagkatinginan kami nang makita namin sila.

Parehong salubong ang kilay at matalim ang tingin sa kung saan. Ni walang na-excite o nagsalita sa kanila pagkakita sa amin. Halatang bad trip pareho.

"Nag-away ba kayo?"

"Hindi." Madiin nilang sagot.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila.

Ano na namang drama ng dalawang 'to? Hindi naman sila ganito pag nag-aaway.

"Yesha!" Singit ni Niko. Sinusubukang wag pansinin ang tensyon sa kanila. "May naging kaibigan ka na diyan?"

"Tch!" Singhal ni Chase. "Meron. Close na nga sila eh."

"Ahhh talaga? Gwapo?"

Natigilan si Chase.

Ngumiti naman si Yesha. "Oo gwapo! Mamaya kukunin ko number niya."

Matalim siyang tiningnan ni Chase pero inirapan lang niya.

"Pre!" Biglang sigaw ni Kaiden pagkakita kay Chase sa phone. "Miss na kita. Alam kong miss na miss mo na rin ako pero huwag ka mag-alala. Ayos lang ako dito. Basta huwag mo ako ipagpapalit diyan ha?"

"Tch!" Si Yesha naman ang suminghal ngayon. "Nakahanap na siya ng kapalit mo."

"Ay grabe pre! Bakit ganun? Ang bilis naman! Anyway, pasalubong ko ha?"

"Papasalubungan ka niyan. Keychain. Yung mukhang voodoo doll. Lagi nga nakasabit sa kanya eh."

"Huwag yun pre. Ayoko ng voodoo doll."

"Gusto ko ng voodoo doll."

Si Yesha naman ang natigilan at huminga nang malalim. Nagtitimpi.

Mataman ko silang tiningnan. May kakaiba sa dalawang 'to eh.

"Mas gusto ko na yun kaysa sa sinabihan nang huwag lumayo tapos makikita mo na lang may iba nang kasama."

"Eh di iuwi mo." Bulong ni Yesha.

"May nangyari ba?" Usisa ko.

"Wala. Tapos na yung convention. Uwi na kami mamaya." Tumayo si Yesha pero hinila siya ni Chase.

"San ka na naman pupunta ha? Pupuntahan mo na naman yung lalaking yun?!"

"Ano naman ngayon sayo? Bakit hindi yung keychain mo ang pakialaman mo para hindi natitisod..." she quote and unquote in the air."... Tapos mapapahawak sa dibdib mo!"

Nagkatinginan ulit kaming magkakaibigan at sabay-sabay na tumawa nang malakas.

Mukhang alam ko na kung anong nangyayari. Wala na. Malala na ang dalawang 'to.

Nagtatawanan pa rin sina Johan pero kapansin-kapansin ang isang seryosong nakatingin lang sa screen.

Maya-maya'y tumayo ito. "CR lang ako." Paalam niya.

Susundan ko sana pero pinigilan ako ni Seb. "Ako na. Kausapin mo na lang si Yesh. Pauwiin mo na. Baka masiraan na ng bait ang isang yun."

"Anong oras uwi niyo?"

My Destiny (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora