MD 45 - PERFORMANCES

1K 34 2
                                    


| YESHA VERA |


Alas otso na ng umaga nang magdatingan ang mga estudyante sa gym. Magsisimula na rin kasi ang program. Balita ko ay may performance daw ang Glee Club. Akala ko DT lang, pati pala club ni Chase.

That made me wonder. President na siya ng SC tapos president ulit ng Glee Club. Kaya naman pala halos tumira na siya sa office niya. He's juggling two positions, at estudyante pa rin naman siya, may mga assignments, projects, and lectures na kailangan aralin at gawin, may mga quiz at exams na kailangang ipasa. May buhay pa ba siya sa labas ng school? Ang hirap kaya ng ang daming responsibilidad. But, he seemed to ace it. Ibang klase ang focus at determination niya. It seemed that if he put his mind into something, he won't stop until he gets it done. Remarkable trait, indeed. I wonder what else is he good at. Aside sa pagiging masungit, of course.

Everyone settled on their seats, including my friends.

"Kaya pa?" tanong ni Ellie na siyang katabi ko.

"Mmm..." I nodded. Sana naman ay wala na masyadong speech. Antok na antok na nga ako, baka 'pag mayroon pa no'n, makatulog na talaga ako.

"Akalain mong naayos mo lahat 'to mag-isa," she said, obviously teasing me. Hindi na lang ako kumibo. Wala akong energy para sa kabalbalan niya ngayon. Dahil hindi ako sumagot, sinilip niya ang mukha ko. At ngumiti nang nakakaloko.

"Ano na naman 'yang tingin na 'yan, Ellie Santillan?" inis na tanong ko.

"Wala naman, Yesha Vera. Hindi ko lang akalain na maaayos mo lahat 'to dahil nag-aalala ka sa lagay ni Lucas Andres Ledesma." She shrugged.

I sneered at her. Kailangan kumpleto talaga pangalan ng letsugas na 'yon?

Nagawi ang tingin ko sa back stage. Ang alam ko nando'n sila. 'Yon ang paalam niya kanina, eh. Natawa ako. Anak ng! Nagpapaalam na rin siya sa 'kin. The heck!

After kumain kanina, pinilit niya akong pumunta sa office ng lola niya—na President ng school. Matulog daw ako ro'n. Ang sarap niyang ihagis! Office ng president tapos patutulugin niya ako ro'n? Kaya ayon, nagbangayan na naman kami. Concerned lang naman daw siya dahil halatang wala pa akong tulog. Kahit kailan shunga. Hindi ba niya naisip na president's office 'yon? Sa kanya siguro, opisina 'yon ng lola niya kaya kahit magpagulung-gulong siya habang natutulog do'n, okay lang. Pero hindi ako! Para sa 'kin, opisina 'yon ng president at kahit anong puyat ko, hindi ako makakatulog do'n.

Sinabi kong sa room na lang ako. Pwede naman ako sa upuan o kahit sa sahig pero ayaw niya, ipinipilit niya na sa president's office ako. That's when Chase butt in our conversion. Pwede raw na sa office na lang niya. Tumanggi ako. Tumanggi rin si Lucas. Actually, mas mariin pa ang pagtanggi niya na akala mo siya ang niyaya. Ang ending, iniwan ko na lang sila pareho. Ang hilig nilang magbangayan sa harap ko. Nakakairita. Ang sarap nilang pag-umpugin.

Sumandal ako sa upuan at pinikit ang mga mata. Hindi pa nagtatagal nakapikit ang mga mata ko nang naramdamang may tumapik sa balikat ko. Nagmulat ako at sasamaan sana ng tingin ang istorbo sa pahinga ko ngunit sa halip ay natulala sa tumambad sa 'kin.

Lucas, wearing a gray hoodie topped with a navy blue jacket, jogger-type track pants, and sneakers, welcome my sight. And I was just there, staring.

This guy has endless charm. No doubt about that.

Pasimple akong siniko ni Ellie. "Natulala ka na, kanina ka pa niya inaalok ng kape."

I glanced at Lucas. He was indeed holding a cup. Napamura ako sa isip. Kailangan niya inalok? Wala naman akong narinig.

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon