MD 47 - LOST

1K 36 4
                                    


| CHASE ALCANTARA |


"Astig naman dito. Kumpleto na talaga mga gamit," ani Kaiden habang nililibot ang tingin sa study area nila Yesh. It was a room on their second floor. And as Kaiden said, it was awesome with the six sets of computers, shelves with diverse books, and of course vast school supplies. May mga sala set pa nga. So much for a study area. It's like a haven for studious students.

"Gusto kasi ni Yesh kumpleto na mga gamit 'pag may ginagawa siya. Nawawala kasi siya sa momentum 'pag tumigil pa siya para maghanap ng kung ano mang kailangan niya," Ellie explained. I never pegged Yesha to be that focused on studying.

Speaking of her, the door opened and she peeked inside. "Ito na po snacks niyo. Feel at home lang kayo ha?" She pushed the door open and threw a smile—a fake one, of course. "Mga walanghiya!" She put the tray of snacks on the table.

"Parang bet ko nang laging gumawa ng projects dito. Biro mo isang Yesha Vera ang tagapagsilbi rito," pang-aasar ni Niko.

"Agree!" said Hailey and high-fived Niko.

"Tama, tama. Dito na lang tayo lagi." Dustin played along with the two.

"Ako rin, ako rin." Kaiden raised his hand enthusiastically. "Gusto ko rito." He even fist-bumped with Dustin.

Seeing Yesha's dark aura, they all laughed at her. Kaming dalawa lang ni Kenji ang hindi.

"Oo ba! Dito na lang tayo lagi." Yesha deadpanned at her best friend's remark. "Ano?" hamon pa niya.

Umiling na lang si Yesha at umalis.

"Anyare do'n?" tanong ni Kaiden.

"Nagalit yata. Baka hindi na tayo makalabas nang buhay dito," sagot ni Dustin. Nagkatinginan sila ni Kai... at sabay na tumawa.

Ellie laughed, too. "Huwag niyo pansinin 'yon. Baka tatawagan lang ulit si Lucas."

Napatingin ako sa kanya. Does she always call him? I shook my head. I don't care kahit umagahin pa sila.

Nag-umpisa na rin kaming gumawa. Madali lang naman 'yon lalo pa't nakapag-prepare na pala sina Niko at Hailey. I gave some ideas pero nasa list na raw nila 'yon. And so, nag-delegate na lang kami kung kanino mapupunta ang iba't ibang parts ng report.

Napatingin ako sa pinto at nakitang dumaan si Yesha. Maayos na ang itsura niya. Well, maayos din naman kanina kahit bagong gising siya. Mas maayos nga lang ngayon. She's wearing a simple oversize shirt and shorts. Mukhang nakaligo na rin.

Nang lumagpas siya, binalik ko na rin ang tingin sa computer sa harap ko at tinuloy ang research na pinapagawa ni Ellie. She said kayang-kaya niya nang gawin but I insisted. Hindi naman pwedeng sila lang ang gumawa. Though, I noticed she's really good in researching and doing reports. It's as if it's natural for her. 'Yong sanay at gamay na talaga.

I glanced at her. Magkatabi sila ni Kenji at mukhang may tinuturo siya sa kaibigan ko. "Don't copy it word by word. It's best to read it, comprehend it, and then explain it the way you understood it. Tapos dapat alam mo rin ang target audience mo at purpose ng research. Do'n ka magsimula." She pointed to something on the screen. "Make this shorter. Gawin mong straight to the point. A lengthy paper doesn't equate to a quality report. Focus on quality, not quantity."

Ken nodded.

Bumukas ulit ang pinto at niluwa si Yesha. Umupo siya sa tabi ko at binasa ang nasa monitor ko. "I see your task is the first part. If I were to read this report, hindi ko siya tatapusin basahin. I won't even go the next paragraph."

My Destiny (Book 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt