MD 9 - FUELING THE FIRE

1.3K 40 3
                                    

YESHA POV

"Hintayin na lang kita sa parking."

"Hindi na, Ellie. Mauna ka na umuwi. Mag-commute na lang ako mamaya. Sayang oras mo kung hihintayin mo pa ako.

"Yesh, alam mo namang—"

"I'll be fine. Magluto ka na lang sa bahay para pagdating ko may pagkain na." I smiled at her to convince her. Masama akong magutom. Hindi ako nangangain pero nananapak ako.

"Ayon, 'pag tungkol sa pagkain ang bait," she said sarcastically. I just smiled again. Sigurado namang hindi ako matitiis nito. Mahal ako nito eh.

"Oo na. Basta mag-ingat ka pag-uwi. Anyway, nasa paligid lang naman sila."

"I know. Kailan ba naman sila nawala. Sige na, bye-bye. Kiss kita," pang-aasar ko. Alam ko naman kasing galit pa rin siya dahil sa nangyari ngayong araw.

"Letse! Dagukan kita diyan eh!"

Amazona talaga. I was just trying to lighten the mood baka sakaling hindi na niya ako sermonan mamaya sa bahay.

Nasaan na ba ang Lucas na 'yon? Maglilinis pa kami ng classroom.

"Hoy, shunga tara na!" I called when I spotted him with his friends.

"Bakit? Hindi ka ba makakalakad nang wala ako? Kumpleto naman mga paa mo ah." he quoted my words a while back.

Pekeng nagsipag-ubo ang mga kaibigan niya. I looked at them. lalong lumakas ang ubo nila. Nakakaawa naman lahat ata sila may taning na ang buhay. Hindi ko na lang sila pinansin. Wala ako pang-abuloy. Binalingan ko na lang si Lucas."Dami pang sinasabi tara na."

Maglalakad na sana kami papunta sa classroom nang may humarang sa daanan namin.

"Where are you going?" tanong ni Chase. "Doon ang daan papuntang gym, hindi rito," dagdag pa niya habang nakaturo sa kabilang side.

"May pupuntahan pa kami. May problema ba do'n" pabalang na sagot ni Lucas.

"Let me remind you that I am in charge, Lucas."

"And let me remind you that I don't care, Chase." Diinan niya sa pangalan nito.

I pursed my lips to suppress my laugh. May issue talaga ang dalawang 'to.

"Let's go." Hinawakan ako sa pulsuhan ni Lucas at hinila.

Tututol pa lang ako sa paghila niya nang may humawak sa kabilang braso ko.

"I said, hindi diyan ang daan," may diing aniya.

Tinignan ko siya sa mga mata bago bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"I am in charge here so, whether you like it or not, ako ang masusunod." Wala pa akong sinasabi, may explanation. Ikaw na ang advance.

Everyone was watching, even Johan and Dustin. And they all have the same emotion on their eyes: anxious.

Binalik ako ang tingin sa dalawang nakahawak sa kamay ko. Ayoko ng dating ng nangyayari. I'm like fueling their fire making it blaze even more. And I don't have time to extinguish that considering I can't even put out my own. Make your issue bigger for all I care but leave me out of it.

Binawi ko kamay sa kanilang dalawa. "Maglilinis pa kami ng classroom, Mr. President. In case nakakalimutan mo." Diinan ko ang posisyon niya at iniwan na sila ro'n. Kung gusto niyong magkagulo ulit, bahala kayo sa mga buhay niyo.

Hindi nagtagal dumating din si Lucas.

"Mag-umpisa na tayo para makatulong pa tayo sa gym," saad ko.

Tiningnan lang ako nito at naupo na sa teacher's table na akala mo isang hari.

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon