MD 20 - SELF DEFENSE

1.3K 35 5
                                    


LUCAS POV

"Pre, mauna na kami."

"Hoy!"

"Ha?" Nilingon ko ang mga kaibigan.

"Sabi ko mauna na kami. Di ba may punishment pa kayo?" Seb asked.

"Ano pa nga ba. Malas talaga 'yang babaeng 'yan." Muling kumulo ang dugo ko. It's just so fvcking great! Ako ang may-ari ng school pero kailangan kong maglinis ng classroom at gym. I have no issue with cleaning and punishments, hindi ko lang talaga matanggap na dahil lang sa war freak na 'yon kaya ako nagdudusa.

"Malas? Eh bakit kanina mo pa tinitingnan? Baka naman..." Kian trailed.

"Sige, pre ituloy mo 'yan at tutuluyan din kita," banta ko.

"Sabi nga namin alis na kami eh. Baka kasi makaistorbo pa kami. Eennjjooyyy!"

Nang makaalis na ang lahat, pumasok sina Yesha at Ellie.

"Kayong dalawa na lang ulit dito. Baka naman mag-away na naman kayo?" iritableng saad ni Ellie habang matamang nakatingin sa amin.

I drew a deep breath. "Kung sesermonan mo na naman 'yang alaga mo, aalis muna ako."

"Diyan ka lang kung ayaw mong igapos kita!" banta nito sa akin.

Kusa akong napaupo. Hindi sa takot ako pero...seryoso talaga siya. Her voice was so authoritative. I glanced at Yesha and she's just there, head low and sitting quietly.

Ano bang mayrooon sa magkaibigang 'to at ang weird nila?

"Ikaw!"

"Ako?" Tinuro ko ang sarili.

"Bakit? May iba ka pa bang nakikita dito maliban sa atin?"

I shut my eyes closed and sighed. Again. I don't even know anymore why I'm tolerating both of them. In just a snap, I can kick them out of my school but here I am, trying my best not to explode in anger. "Kung balak niyong magsanib-pwersa, hindi ako—"

"Tumahimik ka!" Ellie cut me off rudely which left me agape. "Ang dami-dami mong sinasabi wala ka naman ibubuga! Dito pa nga lang sa bruhang 'to wala ka ng gawa eh sa akin pa kaya?"

What the freaking hell!

"Ikaw ang madalas makakasama ni Yesha. Maliban sa punishment niyo eh kayo rin ang magkapartner."

"Sa kasamaang palad," sabay naming komento ni Yesha.

Ellie scoffed. "Napapadalas pagsasabay niyo ah. Is that something good or something that I should be worried about?"

"Pwede ba?" Nauubos na talaga ang pasensya ko magkaibigang 'to. "Kung may sasabihin ka sabihin mo na. I have no time for this nonsense."

"Gusto ko lang malaman mo na ayaw kong may nananakit sa bruhang 'yan." Tinuro niya ang kaibigan. "Iniiwan ko 'yan nang wala kahit isang galos kaya dapat pag-uwi niya gano'n pa rin siya. Naintindihan mo?"

I stared at her in disbelief. This isn't happening. Because seriously, I can only tolerate so much. "Are you telling me to protect her? No way! Anong paki ko riyan?"

"Huwag kang magsalita nang tapos baka bukas makalawa mas alagaan mo pa 'yan kaysa sa 'kin."

Another what the freaking hell moment!

She, then turned to her friend. "Yesha, 'yong mga bilin ko. Naintindihan mo?"

"Opo, Nanay Ellie," she answered sardonically. This girl is really something. Galit na nga ang kaibigan niya, gano'n pa siya sumagot.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now