MD 26 - SOMEONE

1.2K 30 5
                                    

YESHA POV

"This story is about Tin and Dre."

Napahinto ako sa akmang pagsusulat at napatingala kay Ellie na ngayon ay nasa harapan na at nag-umpisang basahin ang ginawa nilang kwento.

You gotta be kidding me.

Ellie used to call me Tin noong mga bata pa kami. Masyado raw kasi mahaba ang pangalan ko at ayaw rin niya gamitin ang tawag sa 'kin ng lahat sa amin. Gusto raw niyang maiba bilang best friend ko. Daming arte.

Pero no'ng lumaki na kami, nasanay na siyang Yesha ang tawag sa'kin. Kahit pa naman kami sa amin, 'yon ang tawag niya sa 'kin. Ipinagbabawal pero wala eh pasaway kami. Isa pa, Yesha ang alam ng karamihan na pangalan ko sa Cebu. I don't use my second name. Wala nga atang nakakaalam no'n eh. Hindi ko na nga rin nilalagay sa mga quizzes ko sa school. Ang haba kaya baka tapos na yung quiz hindi ko pa tapos isulat.

It's not that I don't like my second name. It's just that...ang bigat ng kaakibat ng pangalan na 'yon. It's like it's not a name, but a responsibility.

The name got my complete attention. I put down my pen and went all ears to the story. 

"Kalokohan!" sabay naming sigaw ni Lucas nang matapos magbasa si Ellie.

Mabilis akong napalingon sa kanya. Bakit nakikisigaw 'to?

"I told you, class, the characters are familiar." Our lec chuckled.

"Parang may naka-relate nga sir eh. Nag-react eh."

"Nagtawanan ang mga kaklase namin. Ang saya nila lagi. Nakakatuwa naman. Note the sarcasm.

"Naka-relate ka ba, Lucas?" tanong ni Daniel.

"Naka-relate? Ako? Why should I be? That guy is so stupid!"

Naka-relate siya sa male character? Anak ng! Kaya naman pala nagtatawanan 'tong mga demonyo naming kaklase! Pero paano siya makaka-relate do'n eh mabait 'yong lalaki? Badtrip siya sa umpisa, but he learned the girl's desire.

"Stupid? Agad-agad?" bulong ko.

"If he's not stupid, then tell me what he is!" sigaw niya sa mismong mukha ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kailangan laging nakasigaw? Pinaglihi sa megaphone? "He is not stupid. You only think he is because he has two things that you don't have," pigil ang inis na sagot ko. Baka kung sa'n na naman mapunta bangayan namin. Quota na ako sa pag-iyak.

"That's nice, Yesha," said Sir Balmeo. "Mind sharing it with us? I think you two also noticed who the characters are in this class."

I sighed, calming myself. "Bakit 'di niyo pa po diretsuhing kami 'yon ng shungang 'to, sir?" Ang obvious eh. Kaya nga nagtatawanan kayong lahat. Ang saya-saya niyo lagi 'pag tungkol sa amin. Mukha ba kaming clown? Halos magrambol na kami ng letsugas na 'to tapos kayo parang 'yon ang kumekumpleto sa araw niyo. 'Tong mga kaklase namin, kulang na lang isipin kong kaya sila pumapasok para panoorin kaming magbangayan.

"Stop calling me that!"

Anak ng! Nakasigaw na naman?!

"ikaw ba hindi natatakot masira 'yang vocal chords mo? Nandito lang ako, Lucas. Nandito lang!" Minuwestra ko ang maliit na espasyo namin. Sumiksik pa ako sa tabi niya. "Nakikita mo ba kung gaano lang tayo kalapit? Nakikita mo? Anak ka ng! Sa ganitong distansya, sa tingin mo kailangan mo pa akong sigawan?"

Sir Balmeo laughed. "You two are really cute. I look forward to seeing you like Tin and Dre."

Lumayo si Lucas. Hindi pa nakuntento, tinulak pa talaga ako palayo. "Not gonna happen. I'm not as stupid as Dre."

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon