MD 28 - YOU CARE FOR ME?

1.2K 37 3
                                    

LUCAS POV

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ko kay Kaiden nang makabalik na siya sa upuan niya. "Do you think this is some kind of a joke?"

"It's just a story, Lucas," sagot niya.

"Story? Story, Kaiden?! That's bullsh*t!"

Sinugod ko siya, tinulak sa pader at hinawakan ang kwelyo. Wala na akong pakialam. He speaks as if isang malaking biro lang ang nangyari dati. "We both know who you're talking about, Kai."

He snorted. "Kai," ulit niya. "It's been a long time, Dre."

That enraged me even more. "Hindi ako nakikipagbi—"

"That's enough." Isang kamay ang pumigil sa akmang pagdapo ng kamao ko sa mukha ni Kaiden.

Yesha.

"Ano bang pakialam mo?!"

"Wala." She shrugged.

"Eh bakit mo ako pinipigilan?!" Damn! Huwag ngayon baka pati ikaw madamay. Mamaya umiyak ka na naman. And fvck I don't want that.

"Bakit? Balak mo bang gumawa ng gulo ulit? 'Di ba hindi ka pwedeng masali sa mga gulo? Do you want another week of punishment? Or maybe a permanent one?"

"So, you care for me now?"

Bigla nitong binitiwan ang kamay ko at tumitig lang, shock all over her.

"What?" I pressed.

"Asa ka!"

"'Yon naman pala bakit nangingialam ka pa?!"

She stilled again. "Sayang naman ang mukha ng pinakagwapong estudyante ng Bentley kung babangasan mo lang."

I stared at her in disbelief. Seriously? 'Yon ang dahilan niya? Pucha! Mas gwapo ako. Malayong mas gwapo ako! "So, you care for him?"

Sinulyapan niya si Kaiden bago tumingin ulit sa 'kin. "Yes," walang kagatol-gatol niyang sagot. Nakipagttitigan na nga siya kay Chase kanina, ngayon naman nag-aalala siya para kay Kaiden. Tapos ako, wala lang? The fvck!

"You care for him, but not for me. Eh di magsama kayo!" Pabato kong binitiwan si Kaiden.

"Well, pabor pa sa 'kin 'yan." Kaiden put his arm around her shoulder. "Hindi mo naman ako kailangan ipagtanggol pero thanks pa rin. I'm so touched, baby girl."

"Sige gatungan mo pa para tuluyan ka nang masapak." Inalis ni Yesha ang pagkakaakbay ni Kaiden sa kanya at bumalik sa upuan niya.

Sumunod na rin ako at padarag na naupo. "Kung iniisip mong ikaw si Shaye, nagkakamali ka."

"Kung iniisip mo na gusto kong maging si Shaye, nagkakamali ka rin. Wala akong pakialam sa away niyo at lalong-lalo na sa inyo. Naintindihan mo?"

Walang pakialam pero pinigilan mo naman akong mapasama sa gulo. Ewan ko sa'yo, do'n ka na lang kina Chase.



CHASE POV

"CR lang ako. Sunod na lang ako sa canteen. " Rinig kong ani Yesha sa mga kaibigan niya.

"Samahan na kita," prisinta ni Ellie.

"Hindi na."

"Baka mamaya—"

"Hindi ako mag-uumpisa ng gulo. OA nito. Magsi-cr lang eh saka ang bait ko kaya." She smiled from ear to ear.

Ellie deadpanned.  "Walang lokohan, Yesh. Ikaw? Mabait? Kailan pa?"

"Awwtsss that hurts y'know," biro nito pabalik na humawak pa sa dibdib niya.

"Sige na sige na." Tinaboy siya ng kaibigan. "Baka magdrama ka pa."

"Tara lunch na tayo," aya ni Kaiden.

"Mauna na kayo may kukunin lang ako sa office."

"Samahan ka na namin." 

"Hindi na, mauna na kayo."

He put his arm around my shoulder. "Eh pre  alam mo naman hindi ako nakakakain nang hindi ka kasabay."

I glared at him. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang kwento kanina. Sige lang, dagdagan mo pa!

"Halika na nga." Kenji pulled him away from me. He must have sense the dark aura surrounding me.

But not Kaiden. "Bye, pre! Sunod ka agad ha. Mami-miss kita." He sent me a flying kiss. Ang sarap suklian ng flying kick.


I was in the hallway where Yesha should be passing. I saw her walked out of the comfort room, scrolling on her phone. Our eyes met when she raised her head. Upon seeing me, she immediately turned to the other way. 

"Hey! Where are you going?" I ran after her.

"Sa canteen."

"Doon ang daan papuntang canteen, hindi diyan," turo ko sa tinatahak niyang daan.

"Pwede rin naman dito," she reasoned.

"Tapos iikot ka pa. Pinapagod mo lang sarili mo."

"Fine." She turned back around.

Sumabay ako sa paglalakad. "Why did you do that?"

"Gusto ko pagurin sarili ko."

"Not that!" I instantly snap. Kahit kailan ang hirap kausap!

"Ang alin ba?"

"Bakit mo pinigilan si Lucas?"

She stilled, halted from walking, and looked at me."Bakit? Bawal ba?"

"No, nagtataka lang ako."

"Gano'n ka kainterestado kung bakit? Talagang hinintay mo pa ako rito?"

"Just answer the question."

"Ano bang paki mo?" She continued walking, leaving me.

Humabol ulit ako. "Araw-araw kayong nagbabangayan tapos ngayon ayaw mo siyang mapasama sa gulo?"

"Eh ano naman?"

"You care for him?"

"Teka nga! Teka nga! Bakit mo ba ako tinatanong? Ano naman kung ayaw ko siyang mapasama sa gulo? So what if I care for him? Masama ba 'yon? And most importantly, ano naman ngayon sayo?"

Wala akong naisagot.

Her eyebrows went up, pressing for an answer from me.

"Ahmm..."

She crossed her arms. "Don't tell me...gusto mong ikaw 'yong pumigil sa kanya kanina?"

"What?!"

"Gusto mo ba kako na ikaw 'yong pumigil sa kanya kanina?"

"Hell no! Wala akong pakialam!"

"Eh bakit nagtatanong ka pa ngayon?!" Nagsalubong ang mga kilay niya. Umakto itong susuntukin ito pero hindi naman itinuloy. Iniwan na lang niya ro'n.

Wala man lang akong nakuhang matinong sagot. Ang hirap talaga kausap ng babaeng 'yon.

Bakit nga ba ako nagtatanong? I don't know either but I'm sure wala akong pakialam kay Lucas kahit mapasama pa siya sa gulo. Nagtataka lang talaga ako. Pinag-aawayan nila ang mga walang kwentang bagay tapos ngayon...ang gulo ng babaeng 'yon.

My Destiny (Book 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt