MD 15 - SCHOOL OWNER

1.3K 41 2
                                    

YESHA POV

Kunot ang noong sinundan ko ng tingin si Lucas hanggang sa makalabas siya ng classroom.

Ano na naman ginawa ko?

"Winalk-outan ka?" Boses ni Ellie.

"Ahhmm...yata?" alanganing sagot ko.

Natawa na lang si Ellie. "Hindi kinaya katigasan ng ulo mo."

"Hoy—" Paglingon ko sa kanya, doon ko lang napansin na lahat pala ng kaklase namin nakatingin sa direksyon ko. "Ano? Bakit ganyan kayo makatingin?"

"Kasi ang gulo niyong dalawa," sagot ni Kaiden. "Alam mo 'yon? Hindi namin malaman kung magkaaway ba kayo o ano. Kanina lang naghahamunan kayo ng rambol, nagbabangayan. Halos magpambuno pa nga kayo and the next thing we know, ang sweet niyo na."

"Anong sweet?!" tutol ko.

"Hindi ba?" singit ni Kian.

"Hindi!" sagot ko. Ayon nagtawanan silang lahat.

"Kita mo na. Sa sobrang sweet niyo, hindi niyo napansin na nasa loob kayo ng classroom at may mga kaklaseng nakakakita sa inyo. May sariling mundo lang?"

Tiningnan ko sina Hailey at Niko. They both nodded, agreeing with Kian. Nagkibit-balikat naman si Ellie pero halatang sang-ayon din.

"Itigil niyo 'yan. Kung ano man 'yan. Itigil niyo ni Lucas," seryosong ani Seb.

"Itigil ang alin eh wala naman akong ginawa," sagot ko at umayos na ng upo.

Wala naman talaga. Pinatingin ko lang kung may dumi pa sa mukha ko. Anong masama ro'n? Ano, bawal magpatulong?

Tinuloy ko na lang ang pagsusulat.

Mayamaya dumating din si Lucas at tahimik na umupo.

Tiningnan ko siya. Tumingin rin siya sa gawi ko. "Hindi pa ba tapos 'yan?" Pagsusungit niya.

"Ayy wow! Hiyang-hiya naman ako."

Pagkatapos mag-walk out, magde-demand. Ibang klase rin talaga 'tong letsugas na 'to.

"Oh ayan, sir Lucas! Baka pumasa na po sa inyo 'yang story na 'yan." Inabot ko ang papel sa kanya na hinablot naman niya.

"Pwede na kaysa naman 'yong kaninang walang kwenta," komento niya matapos basahin ang kwento.

Napamaang ako. "Hiyang-hiya naman ako sa naitulong mo. Baka lugi ka pa niyan," bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala!"

Letse ka!



"Tara!" Aya ko sa kay Lucas habang inaayos ang mga papel para sa activity namin.

"Ha? Wala akong maalala na sabay tayong kakain."

Kahit kailan shunga!

"Kailan mo ba mahahanap 'yang utak mo? Nakakaperwisyo na eh."

"Hoy, walanghiyang babae huwag mo akong umpisahan. Hindi ka pa nga bayad sa ginawa mo kanina."

"Ito po kasi ang tinutukoy ko." Pinakita ko ang mga papel sa kanya.

"Kaya mo na 'yan. Para 'yan lang magpapasama ka pa? Gano'n ka ba ka-lampa?"

Kung alam mo lang...

"Okay. Sabihin ko na lang kay sir na ayaw—"

"Akin na nga 'yan!" Agaw niya sa mga papel.

My Destiny (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon