MD 60

1.2K 51 11
                                    

YESHA POV

"What?!" lingon niya saglit at binalik din sa daan ang tingin " You told him that? Are you out of your mind?"

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo niyan? The heck, Ellie, you seriously told him na hindi ako papayag na may mangyari sa kanya? Where the hell did that come from?"

"Ahmm.. sayo?" taas kilay na sagot niya.

Napailing na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Ang sabi mo, and I quote 'You know what to do with him. I don't care how you do it, just do it' kaya yun ang ginawa ko."

"Alin? Nag-imbento?"

"Hoy! Anong imbento dun? Yun naman talaga yun. "

"Wow! That I'll protect him no matter what? The heck, Ellie."

Tumingin siya sa akin bago pinatay ang makina ng sasakyan.

"Hindi ba't yun naman ang ginawa mo? You protected him."

"I protected you."

"Don't even try to lie to a person who has been with you more than half of your life" tsaka nginuso ang parating.

He went out of his car after parking and just passed our way without a single glance.

"That's new!" komento ni Ellie habang sinusundan ng tingin si Chase. "Walang pagsusungit kahit inagawan natin ng parking? Hindi kaya... hala ka! Baka na-hurt sa sinabi mo kahapon" OA na sabi niya at nagtakip pa ng bibig.

"Tch! As if I care!"

"Will you keep quiet?! Can't you greet each other without disturbing others!" napataas ang kilay ko nang sigawan niya sina Johan.

Buong morning class namin ay ganun ang mood niya--masungit! Ubod ng sungit!

"I'm done eating" hindi pa nangangalahati si Kaiden sa kinakain niya nang biglang tumayo si Chase at dire-diretsong lumabas ng canteen.

"I'm just going to take this phone call" pagsisinungaling ko at sinundan siya.

Naupo lang ako sa pwesto ko sa room at sinuot ang headset ko. Pasimple akong sumusulyap sa kanya. Seryoso lang siyang nagbabasa at hindi man lang lumilingon, nagsasalita, nagsusungit--kahit ano wala!

Takte! Parang hindi ako nakikita!

Ano bang drama ng lalaking 'to? Na-hurt ba talaga siya?

Lumipas ang mga araw at ganun pa rin ang mood niya. Hindi makausap nang matino, mainit ang ulo, laging sumisigaw, kulang na lang lahat ng estudyante bigyan niya ng detention.

Anak ng! Wala naman sana akong pakialam pero naba-bother ako!

"Ilang araw ng ganyan si Chase nuh? Ano kayang problema niya?" usisa ni Johan.

"Concern ka?" tanong ni Dustin.

"Hindi naman. Pero hindi kasi ganyan yung kilala nating Chase. Wala kayang pakialam sa paligid yun. Kahit magrambol kayo sa harap niyan bibigyan ka lang niya ng detention tapos yun na. Pero ngayon, konting ingay lang akala mo krimen na ginawa mo."

"Talaga?" Ellie butt in. "Ganyan din yung kilala ko eh" kunwari na lang hindi ko siya naririnig. "Wala ring pakialam yun kahit hindi siya pansinin ng buong mundo pero ngayon takte yung eye bags niya pang guiness world record na. Alam mo yun?" sumulyap siya sakin at ngumisi. "Hindi siya makatulog kakaisip dun sa tao. Hindi ko nga lang alam kung concern ba siya o nagi-guilty..." she shrugged and continued, "o baka both" sabay tawa niya nang mapang-asar. "Basta bottomline affected siya."

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now