MD 2 - GULO

2.1K 57 7
                                    

YESHA POV

"Ako lang ang may karapatang manakit diyan," aniya at pabatong tinapon ang kamay ni asungot.

"At kailan ka pa nagkaroon ng karapatang saktan ako?" tanong ko sa kanya.

She answered with a stony face. Tinikom ko na lang ang bibig. Alam na alam ko ang ibig sabihin ng tinging 'yan.

Then she gave me a smile, a creepy one. And hell I almost run for my dear life. "Do you want me to answer your query?"

I slowly shook my head and looked down. Paniguradong sermon na naman ang aabutin ko nito sa kanya mamaya.

"Iba ka rin eh no? May back up!" Si asungot naka-recover na ata at pumapalakpak pa.

"Sino 'yan?" Ellie asked.

"Asungot ni shungang letsugas."

"Shungang letsugas?" Naguguluhan niyang tanong.

Tumango na lang ako. Napa-face palm naman siya.

"Takte naman, Yesha. First day of classes pa lang eksena agad?"

Sinasabi ko ba nga ba' t sermon na naman aabutin ko nito.

Sumugod na naman si asungot at iniwasan lang namin siya ni Ellie. Plakda na naman si asungot. Kasunod ng malakas na tawanan ng mga kaklase namin. Well, pinakamalakas ulit kay Kaiden. Panay ang sugod ni asungot at panay rin ang iwas namin ni Ellie. Wala kaming balak makipagbasag ulo baka mapauwi kami sa amin nang wala sa oras.

Maya-maya lang ay nakisali na rin ang ibang asungot ni shungang letsugas. Kakasabi ko lang na ayaw namin makipagbasag ulo eh.

Nagulat na lang ako nang may bumagsak sa sahig. Sh*t! Si asungot! Ilang palaka ba ang kailangan niyang hulihin? Ibibili ko nalang siya kaysa pinapahirapan niya ang sarili niya ng ganyan.

Nagtaka ako nang makitang parang dumami ang mga taong nagkakagulo. Ang alam ko ay kami lang ni Ellie at ang apat na asungot ni shungang letsugas.

"Walanghiya ka! Bakit nakikisali ka?" sigaw ni asungot.

"Nakakaumay. Dadalawang babae 'yan. Apat kayong lalake pero ni isang suntok niyo walang tumama sa kanila. Ganyan ba kayo kahina?" walang ganang sagot ni Kenji.

Marunong pala magsalita to? At nakakasuntok din?

"Sino naman 'yan?" muling tanong ni Ellie.

"Ugok na kasama ni letsugas na masungit."

"Letsugas na masungit?" takang tanong niya. Nagkibit-balikat lang ako. "Ilang minuto lang akong nawala ang dami mo ng nakaaway!"

"Wala akong ginawa."

"Mag-uusap tayo mamaya."

At ihahanda ko na ang tenga ko.

"Enough!" sigaw ni Chase.

Tumigil ang lahat, maging ang mga hindi naman kasali sa gulo ay napatingin sa kanya.

There's something in this person. Kakaiba ang dating niya. I'm sure it wasn't just the authority in his voice that made everyone stop.

Well, except for one person.

"At sino ka naman para utusan kami?" maangas na tanong ni shunga.

Looks like someone is not intimidated. He even has the guts to smirk at him.

"Alam mo kung sino ako."

"At alam mo rin na wala akong pakialam," Shunga answered coldly.

I would have answered the same way. Napangiti ako. Mukhang hindi lang ako ang magiging sakit sa ulo ng masungit na SC President na 'to.

Nagharap sila, parehong salubong ang kilay, parehong may galit sa mga mata at anumang oras ay magsusuntukan na.

Well, this is fun. Letsugas na masungit vs. shungang letsugas. Exciting!

Nilingon ako ni Chase. Binangga si shunga sa balikat at nagpatuloy sa kinaroroonan ko. "You," sabay duro sa akin, "kabago-bago mo rito but look at the mess you did."

Bakit ako? Sila 'tong agaw nang agaw ng upuan na parang ikatatalino nila ang pwestong 'yon tapos ako na nagparaya ako pa may kasalanan? Nasa'n ang hustisya?

"So, 'pag bago hindi pwedeng mag-umpisa ng gulo? 'Pag tumagal na ba ako rito pwede na?" I asked as a smirk formed on my lips.

"I really like you. From now on, best friends na tayo." Kaiden put his arm around my shoulders.

Thanks, but no thanks.

Tiningnan kami nang masama ni Chase. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sad to say pero hindi ako nasisindak ng kasungitan or whatever power you have in this class.

"Everyone back to your seat. Now!" sigaw niya.

"You're forgetting something, Chase. Ako ang nasusunod sa klaseng 'to," ani shunga.

So, they're rivals?

"You..." Shunga pointed at me.

Gusto kong matawa. May nakalagay bang signboard sa akin na nagsasabing 'Libre duro'? Kanina pa 'tong mga 'to ah.

"...you will will pay for this!"

Magkano?

Muli na namang sumugod si asungot ngunit agad siyang sinuntok ni Kaiden.

Napatingin ako sa kanya. Kumindat naman siya at inakbayan ulit ako.

Hindi pa man nakakatayo si asungot ay sinugod na ulit siya ni Kaiden. Sumugod na rin ang ibang mga asungot at si Kenji. Pilit namang umawat si letsugas na masungit. Nakiawat na rin ang dalawa pang lalaki. Sa pag-iwas ko ay nabangga ko ang isang bakla at napahiga ito sa sahig. Tinutulungan ko ito nang may sumugod sa amin kaya naitulak ko siya nabangga naman niya ang isang babae.

Anak ng! Ang gulo na!

Napahinto kami sa malakas na kalabog ng pintuan. Dumating na pala ang lec namin at ang ganda ng bungad namin sa kanya.

"All of you! In my office now!!"

My Destiny (Book 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang