MD 29 - SHE IS WEAK

1.2K 36 2
                                    

YESHA POV

Ano naman ngayon kung tinulungan ko siya? Masama na ba tumulong sa kapwa tao ngayon? Kahit naman shunga 'yon, tao pa rin naman 'yon.

"Oh ang tagal mo naman. Ako na nag-order para sayo."  Ellie pushed a tray in front of me.

"May humarang pang letsugas eh."

"Letsugas?"

"Wala wala kain na lang tayo." Ayoko na pag-usapan. Nakakainit ng ulo. Mamaya mawalan pa ako ng gana.

"Nga pala, may naisip na kayong sasalihang clubs?" tanong ni Niko.

"Clubs?" Nangunot ang noo namin ni Ellie.

"Yup! Mandatory na dapat may salihang club ang bawat estudyante. Kahit isa lang."

"Ahh..." Tumango-tango kami. 

"So, may gusto na ba kayong salihan?"

"Ano bang clubs ang meron?"

"Marami naman. Bukas siguro posted na rin ang list of clubs kasi by next week registration na."

"Hmmm... " Elli pondered. "Baka sa sports club na lang ako."

"Ako rin, ako rin," segunda ni Johan. "Sa taekwondo tayo, Ellie tapos patumbahin natin 'yong Joan na 'yon." He grinned. Hindi siya pinansin nito. "Wow! Snob ka ghourl?"

"Ikaw, Yesh?" tanong sa 'kim ni Hailey.

"Hindi ko pa alam eh."

"Ano bang talent mo?"

"Uhmm... matulog at kumain."

"Letse!" singhal ni Niko

Dustin laughed. "Pucha, Yesh. Ano ka? Baboy?

"Bakit? Cute naman ang baboy ah." 

Talent huh? Kung tinanong ako niyan years ago, wala akong problema sa sagot. Pero ngayon? I don't know anymore.

"Yesh okay ka lang?" tanong ni Johan

"Ha? Ahh oo okay lang ako." I forced a smile.

"Natahimik ka kasi bigla."

"May naisip lang." Tinuloy ko na lang ang pagkain.

"Huwag kang mag-alala sa talent mo. Hayaan mo magtatayo tayo ng club para diyan. Road to Piggyness Club." Tinaas pa niya ang kamay na parang nai-imagine na niya ang signboard ng club.

Nagtawanan na lang kami. 



"Excuse me. Baka pwede na po umupo sa upuan ko?" sarkastikong tanong ko kay Lucas pagbalik sa classroom. Nakapatong ang mga paa nito sa upuan ko habang nagse-cellphone. As usual tinignan lang ako nito at hindi pinansin.

Ganyan pala gusto mo ah. A smirk formed on my lips.  

"What the hell!" sigaw nito nang mahulog sa upuan. Mabilis siyang tumayo at tinignan ako nang masama.

"Yes?" painosente kong tanong. Isang sipa lang pala ang kailangan eh. Hindi man lang ako pinagpawisan.

"Nakakadalawa ka na!" pigil ang galit na sagot niya.

Ako naman ang tinignan lang siya at hindi pinansin. Ang lakas mambwisit tapos 'pag siya ang binwisit pikon naman! Paano ka makakatagal sa presensya ko niyan. Warm up pa lang pikon ka na agad.

Pumangulumbaba ako at tinitigan siya sabay ngiti.

His expression softened. Umiwas ng tingin at parang wala sa sariling naupo. "T-Tigilan mo nga 'yang pagngiti."

My Destiny (Book 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें