MD 55 - MILK TEA

1.1K 42 12
                                    


| YESHA VERA |


"Ano ba! Antok pa ako. Alis!" taboy ko sa gumigising sa akin nang hindi man lang tinitingnan kung sino 'yon. Hanggang dito ba naman sa bahay may istorbo sa tulog ko?

"Wake up, Honey. You still have class today." Marahan nitong hinaplos ang pisngi ko. And God, it was so soothing! Even her voice was sweet—Napabalikwas ako ng bangon nang mag-register sa utak ko kung sino 'yon. Kinusot ko ang mga mata at nagmulat.

"Ma?" excited kong saad. I hope I'm not dreaming because I really, really miss my mom. Sinampal-sampal ko ang pisngi.

Her sweet laughter reverberated in my room. "You're still the crazy Yesha that I know. Walang duda, ikaw ang anak ko."

"Ma! Owemji! You're really here!" Sinunggaban ko siya nang mahigpit na yakap. "I miss you so much!"

"B-Baby, too tight," she struggled to speak.

Bahagay akong lumayo. "Oppss sorry, Ma, I just really miss you." Hindi mawala ang ngiti ko. Pasimple ko ring pinunasan ang tumakas na luha. Ang tagal na rin kasi no'ng huling nakita ko siya.

"I miss you too, anak." She kissed my cheek and smiled.

"Bakit po?" tanong ko nang mapansing parang malungkot siya. She should be happy, magkasama na kami, eh. Ayokong nalulungkot siya. Kumikirot ang puso ko.

"Nothing," iling niya. "I just can't believe you're here with me." She got teary-eyed.

"Ma, kararating mo lang, magda-drama agad?" pang-aasar ko pero pinunasan din ang luha niya.

"Ikaw talaga," she pinched my cheeks. Hanggang ngayon parang bata pa rin turing niya sa 'kin. Hinayaan ko na lang. Na-miss ko rin kasi. "Bangon ka na diyan. I cooked breakfast for you."

Nanlaki ang mga mata ko. "Really?" She nodded, smiling. Agad akong tumayo at kinuha ang towel. Papasok na sana ako sa bathroom pero nilingon ko ulit siya at nakangiti pa rin siya sa akin. Bumalik ako sa harap niya at niyakap ulit siya. "I really missed you, Mama. I'm glad nandito ka na. I need you."

She hugged me back and caressed my back. "Naglalambing ang baby ko," aniya sa malambing na boses ."I'm happy, too and you don't need to worry now. Nandito na ang mama. At si Mama ang bahala."

"I love you!" I kissed her cheek.

"Ewww, Baby. You haven't brushed your teeth yet!" pang-aasar niya na tinawanan lang naming dalawa.

Sinabihan na niyang maligo ako. Ihahanda na rin daw niya breakfast ko. Dinalian ko na ang pagligo pati pagsuot ng uniform. Ni hindi ko na sinuklay nang maayos ang buhok ko. Who cares!

Dali-dali akong bumaba at nagulat ulit sa nakita kong nakaupo sa sofa at nagbabasa ng newspaper. "Dad?"

"Yesha!" Binaba niya sa table ang hawak saka tumayo at sinalubong ako.

"Daddy! Daddy! Daddy! Daddy!" parang batang tawag ko habang nakayakap sa kanya.

"How about me?" tila nagtatampong anang isang boses. Kumalas ako ng pagkakayakap kay Daddy at lumingon sa pinaggalingan ng boses.

"Liam?" Ang saya naman ng araw na 'to. Akala ko si Mommy pa lang ang umuwi, lahat pala sila!

"Don't I get a hug? It's so unfair! I miss you too, Ate," maktol niya saka ngumuso. He's so cute!

I opened my arms for a hug and smiled at him. Nagliwanag naman ang mukha niya at ngumiti ng abot hanggang tenga. He ran towards me and gave me a big hug. "I missed you, my super clingy baby brother!"

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now