MD 24 - SUDDEN OUTBURST

1.1K 39 0
                                    

YESHA POV

Natapos ang pang-umagang subjects namin nang wala ako sa mood. Kung nakamamatay lang ang masamang tingin, kanina pa pinaglalamayan ang Lucas na 'to.

"Yesh, okay ka lang?" tanong ni Hailey.

"Kanina ka pa kasi tahimik," dagdag ni Niko.

"Ibinili ka namin ng pizza." Nilapag ni Dustin ang plato sa harap ko.

"Salamat." I forced a smile. Maraming letse sa school na 'to pero maswerte pa rin ako dahil nagkaroon ako ng mababait na kaibigan.

Makakain na nga baka magbago pa isip nila at bawiin. Sayang din. Pizza!

"P100 pala 'yan. Pwedeng two gives kasi malungkot ka." Hindi ko naituloy ang pagsubo nang biglang magsalita si Johan.

Tinignan ko siya nang masama.

"Sige kahit three gives. Presyong kaibigan." He grinned together with a peace sign.

Tawanan kaming lahat.

"Sabi ko na nga ba't ako lang kailangan mo para sumaya ulit. Ang swerte niyo talaga sakin!" he exclaimed.

"'Yong pizza."

"Sige, kain ka lang."

"I mean 'yong pizza ang kailangan ko para sumaya ulit, hindi ikaw. " Sumubo na ako. Pinagtawanan naman siya ng nga kaibigan namin.

"Feelingero ka kasi," pang-aasar ni Niko kay Johan. "Huwag mo na lang masyadong pansinin si Lucas," baling niya sa 'kin.

I'm trying pero nakakatangina talaga siya. Ano bang problema niya sa 'kin? Parang hindi kumpleto ang araw niya kung hindi kami magbabangayan. Daily dose of vitamins lang? 

Pumasok na naman sa isip ko ang mga tanong. Pucha! Tama naman siya eh. Bullseye eh1 On the dot lahat. Sana gano'n kadaling sagutin ang mga iyon. Na oo1 Kasalanan kaya iniwan ako. Pero...kaya nga ako nandito para makalimot tapos may kung sinong letsugas lang ang magpapaalala ng sakit.

Dumapo ang tingin ko sa pizza. He used to give these, too. Alam niya kasing comfort ko 'to. Huminga nang malalim at pinigilan ang mga luha.

Letse talagang Lucas 'yan. 'Pag ako hindi nakapagtimpi, huwag niya akong sisihin.



CHASE POV

"Mukhang okay ka na, ah," bungad ni Lucas kay Yesha.

"Huwag mo ako kausapin baka paliparin kita nang wala sa oras."

"Should I be scared now?"

"So, feeling mo naman nakabawi ka na dahil sa nangyari kanina?"

"Bakit, hindi ba?"

Yesha faced him and gave him a devilish smile. "Gusto mo bang...magbulgaran tayo ng nakaraan dito, Mr. Ledesma?" She became serious.

"Sasagutin mo na ba mga tanong ko?"

"May nasaktan ako at ako ang iniwan," she answered directly. "Now, my turn to ask. Sino 'yong trumaydor sa 'yo? Trinaydor ka ba talaga o iniisip mo lang na trinaydor ka niya?" mapang-insultong tanong ni Yesha. Si Lucas naman ang natigilan. "Ikaw ba talaga ang trinaydor o ikaw ang nagtraydor?"

"Shut up," mahinang sagot ni Lucas.

"Did I hit the bullseye? So, which is which, Mr. Ledesma? Halatang may tinatakasan ka." Panggagaya ni Yesha sa mga sinabi ni Lucas kanina.

This girl really knows how to drain you patience up to the last drop.

"Ikaw ba ang trinaydor—"

"I said shut up!!" Lucas slammed his palm on Yesha's table.

She just scoffed. "What's with that face? Galit ka na? That's too bad. I'm just getting started." Again, with the devilish smile. "Gusto mong magkaalaman din kung sino sila? Because you know...'yong taong nang-iwan sa 'kin wala naman dito. Eh yung trumaydor sa 'yo, wala rin ba dito?" She glanced at me and smirked.

Ako naman ang natigilan. She managed to put the pieces together.

Nagulat na lang kami nang tumayo si Lucas at hinawakan si Yesha sa kwelyo. Akma namang susugod na si Ellie nang senyasahan siya ni Yesha na huwag makialam.

"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo!" Lucas gritted his teeth.

"Masakit ba? Unti-unti bang bumabalik 'yong mga nangyari dati? Masakit bang may nagpapaalala sa 'yo ng mga bagay na ayaw mong maalala? How does it feel to have a taste of your own medicine, Lucas?" Her voice went up. "Sana bago ka gumawa ng kung anu-ano, isipin mo rin kung paano kung ikaw ang nasa kalagayan nila. Kung gusto mong gumanti, lumaban ka nang patas. Hindi 'yong pinaglalaruan mo 'yong nararamdaman ng tao. Dahil masakit. Pilit mong kinakalimutan 'yong sakit pero pilit ding ipinapaalala sa 'yo." Pain flashed in her eyes, the same time tears glistened in them.

Lucas slowly let go of her. Naging mailap ang mga mata niya, tila nataranta. He tried to hold her but it seems he doesn't have the courage to do so. He settled on just staring at her.

I sighed. I calmed her before the class starts tapos ganito lang pala ang gagawin ni Lucas.

My gaze went to her. Pain's still written in her eyes. Lumuluha na naman ang mga matang 'yan. I already dried those this morning. I did my best to do so kahit ang hirap tumitig sa mga matang 'yan tapos paluluhain ka lang pala niya.

What the hell was he thinking?

Lucas held her hand but she immediately pulled it. She drew a deep breath. 'Yong nagbabangayan tayo araw-araw sa mga walang kapararakang bagay, okay lang. 'Yong bigla ka na lang sumusulpot at binubwisit ako kahit gusto kong mapag-isa, kaya kong tiisin. 'Yong kung ano-anong kabalbalan ang ginagawa mo, kaya kong palampasin." More tears stream down her face. "Pero 'yong ipaalala sa 'kin 'yong sakit na gusto ko nang kalimutan, 'yon ang hindi ko kayang palampasin. Lucas, lumipat pa ako rito at iniwan lahat ng mayroon ako para makalimot. That's how much I want to move on tapos ikaw, ginawa mong laro 'yong pinagdadaanan ko. For what? It's gives you the satisfaction na nakaganti ka sa 'kin?"

"No—"

"Gantihan ba, Lucas? Eh kung ipamukha ko rin sa 'yo ang taong tinutukoy mong trumaydor sa 'yo? Pilitin ko siyang ikwento ang nangyari sa inyo para magkaalaman tayo kung sino ba sa inyo ang nagsasabi ng totoo? Tutal, nandito naman siya, hindi ba?"

Muling tumalim ang tingin ni Lucas. Damn it! Lucas will not take this lightly. That topic is too sensitive for him.

Nilapit ni Yesha ang mukha sa kanya at pinakatitigan siya. "I think you got my point. At least ngayon dalawa na tayong nagbalik sa nakaraan. Baka nga tatlo pa tayo eh."

My Destiny (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora