MD 25 - TIN AND DRE'S STORY

1.3K 37 3
                                    

YESHA POV

Ayaw ko na sanang patulan si Lucas dahil ayaw ko na ring balikan pa ang nakaraan. Pero letse, kapapasok ko pa lang ng room nag-umpisa nang mambwisit ang hinayupak. Tapos ngayon siya pa ang magdadabog at galit na galit. Taenang 'yan. Ang galing. Bigyan ng jacket 'yan!

Nakakakonsensya nga lang dahil nadamay 'yong isa. Ang bait pa naman niya sa 'kin ngayong araw.

"I'm adding another week to your punishment." Mabilis pa sa alas kwatrong napatingin ako sa nagsalita.

"What?!" sabay naming sigaw ni Lucas kay Chase.

"And that's final," may diin nitong dagdag.

Anak ng tinapa! Kasasabi ko lang na mabait siya. Binabawi ko na! Bakit ba ang daming letsugas sa iskwelahang 'to? No'ng umulan ba ng mga letsugas, dito lahat napunta?! Wala nang screening? Basta na lang nila tinanggap?

"Magkano bang sahod ng janitress dito at mag-aapply na lang ako," sarkastikong tanong ko.

Langya! Eh first day of classes pa lang naglilinis na ako rito. Baka abutin 'to ng buong school year dapat may sahod na rin ako.

"Talagang nakukuha mo pang magbiro nang ganyan?! Kasalanan mo 'to eh!" Paninisi sa 'kin ni Lucas.

"Wow! Nakakahiya naman sa pangbwibwisit na bungad mo 'no?!"

"Hindi ba talaga kayo titigil? Gusto niyong gawin kong permanent 'yang punishment niyo?" Chase threatened us.

"You can't—" Tinakpan ko na ang bibig ni Lucas. Kahit may sweldo, wala akong balak maglinis ng buong taon.

"Yesha, what are you doing to Lucas?" Nalipat ang tingin ko sa nagtanong. Dumating na pala si Sir Balmeo.

Tiningnan ko ang posisyon namin ni Lucas at napapikit na lang ako sa kahihiyan. Hindi ko napansing sobrang lapit ko na pala sa kanya at nakadantay ang isang kamay ko sa dibdib niya habang ang isa naman ay nakatakip sa bibig niya.

Tinatakpan ko lang po bibig niya para hindi na magsalita. Ayaw kong maglinis ng buong taon. Wala po akong masamang ginagawa. Mali ang iniisip niyo. Pesteng yawa! Pwede pa bang mag-transfer sa ibang school?

Nagtawanan ang buong klase. Sobrang lakas na akala mo may party na nagaganap sa loob ng classroom. Ang saya-saya nila! Mga letse!

"Lumayo ka nga sa 'kin." Lucas pushed me away. Parang nandidiri pa nga. Akala mo naman kagwapuhan. On second thought, aminado naman akong gwapo siya. Sobra. Pero wala akong paki! Letsugas pa rin siya.

"Eh di pasensya. Hindi ko naman sinasadya eh."

"Ang sabihin mo—"

"Wag kang ma-feeling!" putol ko agad sa sinasabi niya. Letse ka! Pinaiyak mo ako. Nasabi ko tuloy ang mga bagay na hindi dapat.

"Mamaya niyo na ituloy 'yang lambingan niyo," pang-aasar ni Kian. Hindi ko na lang pinansin. Baka uminit lang ulo ko.

"Good afternoon class!" bati ni Sir Balmeo.

"Good afternoon, sir!"

"First, I want to congratulate all of you. I didn't know this class has talent in writing! All of your stories are great. So, give yourselves a round of applause! You deserve it!"

Nagpalakpakan ang lahat, maliban sa aming dalawa ng katabi ko.

"Since your stories are interesting, we will share some of them in class. After that, we will give insights about the story. I already picked one who got my attention. I picked this pair not only because of the story but also because I didn't expect them produce something like this."

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now