MD 18

1.2K 45 7
                                    

CHASE POV

Naputol ang masamang tinginan namin ni Lucas nang makarinig ng pagbagsak ng tray sa sahig. Sabay kaming napalingon at kitang-kita ko pagpipigil ni Yesha'ng magalit. Nakailang-buntong hininga ito ngunit gano'n pa man hindi nawala sa kanya ang pagsagot nang pabalang.

Si Lucas naman ay humalukipkip lang at may ngiti sa labing pinanood si Yesha. Kahit nga nang tawagin ni Yesha na alagad niya ang bumangga sa kanya, napangiti pa siya.

"First, I don't need anyone to protect me. Second, kahit sampung tao pa iharang mo sa kanya wala pang limang minuto sinisigurado ko sa 'yong bagsak na lahat mga 'yon. Third, gutom na ako kaya bilisan mo kung ayaw mong samain."

Doon nagbago ang ekspresyon ni Lucas. Maging ako. Parehong nakuha niyon ang atensyon namin.

Yesha's voice was filled with certainty. At mukhang totoo nga dahil walang kahirap-hirap na napatumba ni Ellie ang dalawang nakahawak sa balikat niya at sa isang iglap lang napilipit na niya ang kamay ng humarang kay Yesha.

"Didn't I make myself clear?" Her voice was threatening. "Walang pwedeng manakit sa kanya."

Bahagyang tumagilid ang ulo ni Lucas. Tulad ko, nagtataka rin sa nakikita.

I know they're friends and friends protect each other but the way Ellie does it, it's different.

"You're curious too, aren't you?" I asked Lucas.

"With what?"

"Ellie protecting her like she's a fragile little girl."

"Yes, but I'm more curious about something else."

"And that is?"

"None of your business. Walang pakialamanan."

Umiling na lang ako at hindi nagsalita. Baka kami pa ang magkagulo.

"She's good," manghang komento ni Kenji nang sumampa si Ellie sa upuan at tumalon nang mataas. Parang gusto pang pumalakpak. Saka siya natawa nang magkarambola ang tatlong babae. "That girl is something."

"So is Yesha," Lucas added and I can't help but look his way. "What?" His eyebrows rose.

"Nothing," iling ko.

"Mr. Alcantara! You're also here and you just watched? Ano ka, nasa sinehan? Nasa canteen ka!" Miss Castillo reprimanded me.

I massaged my temple. Ako na naman ang lagot dahil sa babaeng 'yon.

"I told you she is something. Goodluck with the headache." Lucas smirked at me before going back to their table.



ELLIE POV

"What's happening here?!" sigaw ni Miss Castillo.

I rolled my eyes. Here we go again. Akala ko pa naman no'ng lumipat kami rito wala nang mga ganito.

"Miss Ferrer, what are you doing lying on the floor?!" tanong ni Miss Castillo sa nakaaway ng magaling kong kaibigan.

"Sila ma'am. They did this to us!"

"Mr. Alcantara! You're also here and you just watched? Ano ka nasa sinehan? Nasa canteen ka!"

"Sayang nga po walang popcorn eh," bulong ni Yesha. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumungo naman siya.

Kailan ba matatapos ang pagsalo ko sa mga gulo ng bruhang 'to?

"Explain!" Miss Castillo demanded.

Sinabi lahat ni Chase ang nangyari simula sa bangayan nina Yesha at Lucas.

Kung bakit ba naman kasi bangayan nang bangayan ang dalawang 'to. Hindi ko alam kung bakit parang ang init ng dugo nila sa isa't isa.

"And you didn't even try to stop them?!" galit na tanong ni Miss Castillo kay Chase.

Hindi ito nakasagot. Kawawa din ang isang 'to eh. Kung ako ang tagasalo sa gulo ni Yesha, siya naman ang nasisisi sa gulo. At wala pang isang linggo nang makilala niya si Yesh. I wonder what will happen to him in the next months.

Ang sabi nina Niko strikto siya pagdating sa mga school rules and regulations. Seryoso ito sa trabaho niya at ayaw na ayaw niya na may lumalabag sa mga rules. Madalas siyang magbigay ng detention at punishment sa mga pasaway kaya lahat ay sumusunod sa kanya.

Let's see if you can handle Yesha Vera.

"Ms. Seoh did you really do that do them?" Miss Castillo inquired.

"No ma'am, they did that to themselves."

"What?! Ano kami mga baliw para gawin 'to sa sarili namin? Maraming nakakita na ikaw ang gumawa nito sa amin!" giit ng lider.

"Okay. Nasaan ang maraming 'yan? Let them speak here. I only touched you once and that is to prevent you from hurting my friend. Tapos wala na. In addition to that, we're 3 vs. 1, which can already be considered as self-defense. Given those facts, if anyone can testify that I did that to you, I'll take the punishment and even clean the mess you made here."

Nganga silang lahat.

Huwag ako. Batikan na ako rito. Sa dami ba naman ng gulo ni Yesha na sinalo ko?

Sinadya kong hindi lumaban hindi dahil sa hindi ako marunong o hindi ko kaya. Bakit ako mag-aaksaya ng lakas kung pwede namang sila na lang? And besides, 'yon ang ginagamit kong defense sa mga lecs 'pag nahuhuli kami. Hindi ko sila hinahawakan, sinaksaktan o kung ano man.

And it works! Every time!

"Ha! Chase you're here! Tell them that she did this to us," giit pa rin niya.

"Mr. Alcantara?" Miss Castillo pressed.

"Miss Seoh didn't do anything aside from avoiding the kicks and punches of Miss Ferrer and her friends."

"What?! But—"

"If you don't agree with me then call someone who saw that you were indeed attacked by Miss Seoh. Did anyone see kung sinugod, sinipa, tinulak o hinawakan man lang ni Miss Seoh ang sinuman sa kanilang tatlo? You're free to speak up," anunsyo ni Chase sa buong canteen.

No one did.

Magaling din pala ang isang 'to. I'll give that to him.

Sa pakikipag-away hindi lang lakas at kakayahan ang pinapaiiral, kailangan din ng utak. Lalo na kung binubwisit ka lang naman ng kaaway mo.

"The three of you!" Tinuro ni Miss Castillo ang mga babae. "Clean this mess and I'll see you at the guidance office!"

"At kayong dalawa naman!" Tukoy niya kina Yesha at Lucas. "Hindi pa ba kayo tapos sa bangayan niyo? Hindi ba't may punishment pa kayo?"

I rolled my eyes. Again. Tell me about it. Hindi ka nag-iisa, ma'am.

"Oras na mabalitaan kong nagbabangayan pa kayo, dadagdagan ko punishment niyo!"

"But, ma'am—"

"No but's, Mr. Ledesma! You know I can do that!" Pinandilatan siya ni Miss Castillo bago lumabas ng canteen.

Lucas drew a loud breath. "You know what? This is your fault."

Yesha gave him a deadpan look. "Lahat na lang isinisisi mo sa 'kin samantalang ikaw ang hindi pumila at alagad mo ang mga babaeng 'yon."

"Bakit? Ako ba ang nakipag-away?"

"Bakit—"

Malakas kong hinampas ang palad sa mesa na kinaigtad nila pareho. "Gusto niyo ba talagang matali sa isa't isa?"

"Invited ba kami?" Johan grinned. The two gave him a deadly stare. "Ayy sorry...akala ko kasalan na eh," pigil ang tawang aniya.

Then I caught Lucas staring at her.

My Destiny (Book 1)Where stories live. Discover now