MD 7 - NEW FRIENDS

1.4K 47 4
                                    

YESHA POV

"New beginning pala ha?" Hindi pa man ako nakakaupo, nag-umpisa nang magsermon si Ellie.

"Hindi pwedeng kumain muna? O kahit umupo man lang? Sirang-sira na araw ko eh."

"At sinong may kasalanan?"

"Sila."

"Takte, Yesha!"

"Pagkain."

"Oo na! Pucha kung hindi mo na sana pinatulan, wala ng gulo."

Kasalanan ko pa talaga?

"Pagkain," ulit ko.

"Ako na oorder. Hintayin mo ako riyan at please lang, huwag ka na naman magsisimula ng gulo."

Hindi nga ako ang nagsimula. Kulit. Tumango na lang ako. Baka humaba pa ang sermon. Gutom na ako. Ganitong mainit ang ulo ko dadagdagan pa ng gutom, ewan ko na lang baka masapak ko lahat ng lalapit sa'kin. Nagiging ibang tao pa naman ako 'pag gutom.

"That's our table."

Tumingala ako para tingnan ang nagsalita. "Ikaw na naman? Ano na naman ba?!"

"That's our table," ulit niya.

Tiningnan ko lang si Chase, umasang nagbibiro lang siya. Baka sakali lang. Letse! Gutom na ako at ayoko na makipagtalo.

"Aalis ka o kakaladkarin kita?"

Okay. hindi siya nagbibiro. Masakit talaga umasa. "Nananadya ka ba? Kanina upuan, ngayon naman mesa?"

"Anong nangyayari dito?" Nakabalik na pala si Ellie.

"This is our table. Paalisin mo 'yang kaibigan mo," he ordered her.

"What? Nauna ako rito," tutol ko.

"Baby girl, table talaga namin 'yan," paliwanag ni Kaiden. "Pero pwede naman kayo maki-share." Tiningnan siya nang masama ni Chase. "Hindi pala. Sorry, baby girl lipat na lang kayo."

"Tara na, Yesh," Ellie said.

"No. Nauna tayo rito," may diing saad ko habang diretsong kay Chase. "Kayo ang lumipat."

"You don't know what you're talking about. This table has been ours ever since."

"Ah talaga? Baka naman pati itong kutsara sa'yo rin? Itong plato, itong tray? We got here first. Ibalibag mo kung gusto mo. Bakit ba ang hilig mo mang-agaw?"

"Why don't you answer her question, Chase? Bakit nga ba ang hilig mo mang-agaw?" Sabat ni Shunga.

"Ikaw, bakit ang hilig mong makisali?"

Mukhang may issue ang dalawang 'to.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawang letsugas. Parang may kuryenteng dumadaloy sa tinginan nila. Ano kayang mayroon sa dalawang 'to at parang galit na galit sila sa isa't isa?

"Halika na, Yesha." Natinag lang 'yong dalawa nang hinila ako ni Ellie palayo sa kanila.

"Ellie naman eh. Nauna tayo dun," reklamo ko.

"Pwede ba, Yesha. Baka madagdagan pa 'yang detention at punishment mo. Unless gusto mong maglinis pati rito sa canteen. Nalingat lang ulit ako saglit, nag-umpisa ka na naman ng gulo? Ang tigas ng ulo mo—"

"Hi. Ellie, right? Dito na lang kayo sa table namin." Thank you at may sumingit sa usapan namin. Akala ko manananghalian na ako ng sermon eh.

"Salamat. Ikaw si Nikolai, di ba?" tanong ni Ellie rito.

My Destiny (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora