CHAPTER 1

279 22 2
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

“Jellian!! Kingina mo bumalik ka dito hoy! 'wag mong aagawan yung bata ano ka ba!”

Napailing naman ako ng marinig ang boses ni Val mula sa sala ng bahay namin. Yup bahay namin, as a group naghati-hati kami para makapagpundar ng sarili nameng bahay para hindi reklamo nang reklamo ang kapatid ko na maingay kami kapag nasa bahay.

Tsaka dito na din kami nagsasanay ng mga bagong steps para sa sayaw namin, at alam niyo ba na ang practice room namen ay nakasabit ang picture ni Czarianne. Ewan ko ba sa mga lokong 'to at naisipang isabit doon yung frame na may litrato ni Czarianne na nakabusangot at kunot ang noo hahahahaha at syemre sino pa ba ang pasimuno? Syemre ang best friend na baliw ni Czar.

“Gago! Dadala-dala ka dito ng bata tapos aagawan ako ng pagkain? Doon nga kayo!” parang batang maktol ni Jellian kay Mark Jade.

Madalas din kasing dalhin ni Mark Jade dito ang isang cute na bata na hindi namin alam kung anak niya ba o ano. Wala naman siyang sinasabi at gusto niya lang daw ipasyal ang bata, kapag tinatanong naman namin ang bata kung sino ang nanay at tatay niya sinasabi niya si Jellian raw kaya eto namang isa layo nang layo sa bata.

“Baby, sino nga ulit tatay mo?” nang-aasar kong tanong at hinalikan ang kamay niya.

Ngumiti naman ng maloko si Jelai at tinuro si Jellian. “Siya po! Siya ang tatay ko”  nakangiti niyang sabi kaya agad namang nagreack si Jellian.

“Hoy Jelai utot! Alam mo wala akong asawa ha at kung magkakaroon man wala akong anak na singkulit mo jusme kang bata ka sino ba talaga nanay neto Mark ha? Sabihin mo nga saamin? Ikaw ba ay nakabuntis ng hindi namin nalalaman ha?” sabi niya kaya tumingin naman ako kay Mark at nagkibitbalikat lang siya.

“Siguro?” natatawa niyang sabi kaya agad namang sumugod sina Lawrence sakanya at pinagsisipa siya sa binti ng mahina.

“Gago! Hindi kami naniniwala sa 'yo, kami pa lolokohin mo. Sino nga? Ilang buwan mo na 'yang halos kasa-kasama ahh” sabi ni Renzo.

Hinayaan ko na lang silang magkulitan doon at nilaro ko na lang si Jelai. She’s a girl and napakacute niyang bata.

“Ilang taon ka na nga ulit Jelai?” tanong ko dahil nakakalimutan ko talaga dahil hindi naman kami madalas magkita.

Si Mark lang talaga ang kasama niya minsan.

“Three years old po” nakangiti niyang sagot.

“Ano gusto mong laruan hmm? Bibilhan kita” tanong ko sakanya pero nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang mahaba kong bangs at nilagay sa gilid na para bang inaayos niya eto.

“Hindi ko na po kailangan ng laruan, ang gusto ko po ay umuwi na kay mama” Malumanay niyang sabi at tinignan ako sa mata kaya napangiti naman ako.

“Hoy Mark! Gusto na netong umuwi–“

“Oo iuuwi ko na siya.” Putol niya sa sasabihin ko kaya tumayo naman ako bago naupo sa sofa at itinabi ko saaken si Jelai. “Uuwi ka na hmm?” kausap niya kay Jelai.

“Opo, baka namimiss na ako ni mama doon ehh” sagot niya kaya napapangiti na lang ako sakanya.

Ang cute ng boses. Nag-usap lang silang dalawa at nagkulitan hanggang sa ako naman ang kausapin ni Jelai at mayamaya lang nagpakarga siya saakin at nagpahele dahil matutulog pala siya.

Binigay ko din siya kay Mark dahil iuuwi niya na daw kaya nagpaalam na siya sa mga kasama namin. Dumiretso naman ako sa kwarto ko sa taas para matulog din. Kagagaling ko lang sa trabaho, bukod kasi sa pagiging isang idol, dance instructor din ako, hindi lang pala ako dahil lahat kami.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now