CHAPTER 11

83 9 0
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

Kumain ako ng agahan na nasa harapan ko si Czar pero hindi ko pa rin siya pinapansin pero pa-simple ko siyang pinagmamasdan at pansin ko ang pamamayat niya. Natapos ko ang pag-aalmusal ko at heto paalis na ako ng bahay at nakita kong naka-abang siya saaken sa may hagdanan kaya napalunok ako saka bumuntong hininga.

"Aalis na ako, sasabay ka na ba saaken?" Tanong ko sakanya nang hindi siya tinitignan.

"Ahh hindi na, aantayin ko na lang na dumating ang mommy mo kasi binilin niya saaken na hintayin ko siya" nakangiti niyang sabi kaya tumango lang ako ng tipid at nilagpasan siya.

Bakit naman kaya siya pinaghihintay ni mommy? Tsaka hindi man lang nga siya kumain nung kumakain ako. Nag-agahan na kaya siya?

Bumalik ako sa bahay namen nina Jellian at naabutan ko naman silang lahat na may pinagkakaabalaan sa may sala kaya lumapit ako doon.

"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko sakanila.

"Ahh nagbabalot ng pang regalo" nakangiting sabi ni Val kaya kumunot ang noo ko.

"Sino ang may birthday?" Nagtataka kong tanong.

"Walang may birthday ano ka ba, magkakaroon lang ng maliit na pagsasalo mamaya sa bahay nina Czar at ibibigay namen 'to doon sa cute na bata" magiliw na sabi ni Renzo.

"Hindi ka sasama?" Tanong saaken ni Lawrence.

"Hindi" sagot ko sabay lakad pataas sa kwarto ko.

Sumapit ang alas dose ng tanghali at nakaalis na sina Jellian at naiwan ako dito sa taas na hindi mapakali.

Parang bigla akong na konsensya na hindi ako pupunta kahit para doon na lang sa bata. Pabalik-balik ako dito sa kwarto ko hanggang sa hindi ko na kinaya at naupo ako sa harapan ng lamesa ko at nilabas ang gunting, mga beads at mano-manong gumawa ng bracelet para doon sa bata.

Hindi naman siya yung mga beads na malilit, sinigurado ko naman na hindi siya malulunok ng bata kung sakaling paglaruan at maputol.

Nakailang ulit akong gumawa at halos itapon ko na ang mga beads dahil hindi ko magawa ng tama dahil hindi din ako marunong gumawa neto. Binigay lang eto saaken ni Katrina.

Pero makalipas ang dalawang oras ay nagawa ko din ng tama at maayos, nilagyan ko din ng heart design kasi base kay Katrina maganda daw kapag may ganon sa gitna.

"Hay!" Hingang malalim kong sabi at tiningala ang orasan.

Alas tress, siguro naman nandoon pa silang lahat kaya nagmadali akong naligo ulit at nagbihis saka lumabas ng bahay at pinaharurot ang kotse ko papunta sa bahay nina tita.

Pagdating ko doon, lumabas ako ng kotse saka bumuntong hininga. Maglalakad na sana ako papasok ng makita ko si Mark Jade karga yung bata papalapit kina Czar kaya sumakit na naman ang dibdib ko.

Pero kahit ganon nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Oyy! Si Allen oh!"

"Naks! Akala namen hindi ka pupunta?"

"Na boring 'to sa bahay, sigurado 'yan"

Sabi nung mga ugok pagpasok ko kaya sinamaan ko sila ng tingin bago nakangiting tumingin kina tito at tita.

"Magandang hapon po, pasenya na at ngayon lang ako" sabi ko at kamot batok na nagmano sakanila.

Nakangiti naman akong tinignan ni tita, at pakiramdam ko may kakaiba sa ngiti niyang iyon. Weird.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now