CHAPTER 43

30 4 0
                                    


Jellian POV

"Jill, ano gagawin naten?" Tanong saaken ni Lawrence habang nakaupo kami dito sa sahig at nakapalibot.

"'wag na kayong magbalak na sumunod, magiging sagabal lang kayo sakanila" sabay-sabay naman kaming napalingon sa may pintuan netong kwarto ni Mark Jade ng biglang magsalita si Neicaj kaya tinignan namen si Lawrence.

"Ano tinitingin-tingin niyo jan?" masungit niyang sabi kaya tumawa ako.

"Neicaj, may tanong ako" sabi ko habang nakatingin pa rin kay Lawrence. "Kayo pa ba nung Noah?" Tanong ko bago ko tinignan si Neicaj.

Ngumisi naman si Neicaj bago niya tinignan si Lawrence saka siya nagsalita. "We're married" sagot niya bago niya pinakita ang kamay niya na may singsing bago siya umalis sa pagkakasandal sa may pintuan. "Pakialaman niyo ang buhay niyo at 'wag na 'wag kayong aalis dito" sabi niya bago umalis kaya sabay-sabay kaming nakangangang napatingin kay Lawrence.

"Pakialam niyo buhay niyo, aayusin ko lang  yung saakin" sabi ni Lawrence bago siya tumayo saka siya lumabas ng kwarto.

"Tara, maghanap na lang tayo ng pwede na nating itulong kina Czar" sabi ko kina Val kaya sumunod din sila saaken palabas.

Henry POV

"Ano? Pumili ka" sabi ko kay Alvin.

"'wag mo na idamay dito ang mga bata Henry, maawa ka sakanila" seryoso niyang sabi saaken bago niya tinignan si Czallen. "Wala silang kasalanan dito" sabi niya pa bago ulit ako tinignan.

"Hindi–" hindi ko naman natapos ang sasabihin ko ng bigla ko na lang naramdaman na tumumba si Czallen kaya sakanya natuon ang pansin ko.

At isang pagkakamali na ginawa ko iyon dahil bigla ko na lang naramdaman ang pagtama ng bala sa kaliwa kong tuhod pati na sa kaliwa kong kamay.

"Shit! Cover me!" Sigaw ko sa mga tauhan ko at hindi ko na nabitbit ang dalawang bata dahil naging mabilis ang pagkilos nila at agad nilang nakuha saaken ang dalawang bata.

Magaling din palang umarte ang batang 'yon. Naisahan nila ako. "Tatapusin kita Alvin, hayop ka" mahina kong sabi habang paika-ikang naglalakad palayo sa mga humahabol saaken.

Czarianne POV

Habang nasa daan ako bigla namang itinigil ng kasama kong sundalo ang sasakyan ng makitang may checkpoint kaya tinignan ko siya.

"Sinabi mo sakanila?" Walang emosyon kong tanong sakanya.

Tumakas ako sa mansyon, at dahil hindi ako marunong magmaneho sapilitan ko siyang hinila para samahan ako at siya ang magmaneho para saaken.

"H-hindi po ma'am" sagot niya at sakto namang kinatok ng isang police ang bintana sa may driver's seat.

"Sir, bawal ho muna dumaan dito. Ikot na lang po kayo–" naputol naman ang sasabihin ng makita ako kaya agad siyang tumayo ng tuwid bago sumaludo saaken. "Good evening, ma'am" bati niya saaken.

"Papasukin niyo kami" utos ko sakanya kaya dumungaw ulit siya sa bintana.

"Pasensya na ho ma'am, pero hindi ko po kayo pwedeng papasukin dahil delikado po and lugar na 'to sa ngayon" sabi niya kaya bumaba ako ng sasakyan saka dire-diretsong naglakad palagpas sakanila.

"Ma'am" tawag saaken ng kasama ko pero hindi ko siya pinansin.

"Ma'am, ma'am bawal ho talaga kayong pumasok–"

"Papasukin niyo ako!" Sigaw ko sakanila dahil hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.

Alalang-alala na ako sa mga anak ko.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now