CHAPTER 19

54 9 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Continuation of flashback...

Biglang bumilis ang tibok ng puso ng makita ko siya at napahawak din sa magkabila kong braso si Bella at Neicaj.

"Czar–"

"Hindi ako 'yon, hindi ako si–"

Lalagpasan ko na sana siya ng humarang ulit siya sa harapan ko pero bigla naman nagsitakbuhan yung sampu kong bantay at balak na sana siyang hawakan ng magsalita siya.

"Mark Jade Garcia, son of  Nathan Garcia and grandson of Andres Garcia" pakilala niya kaya bigla din akong nabitawan ni Bella at Neicaj.

"S-siya 'yon" mahinang sabi ni Julie kaya tinignan ko siya ng may pagtataka sa mukha.

Bigla namang lumayo kay Mark Jade yung mga bantay ko bago sila tumingin kina Neicaj.

"Sumama na po kayo saamen" sabi nung isa kina Bella bago sila tumalikod at naglakad ulit palayo saamen kaya lalong kumunot ang noo ko.

"Hihintayin ka namen sa sasakyan" sabi saaken ni Neicaj bago nila ako nilagpasan na puno ng pagtataka ang mukha.

Hinila naman ako bigla ni Mark sa tagong lugar bago ako tinitigan.

"Czar—"

"Hindi mo pwedeng sabihin na nakita mo ako, please. Hindi mo pwedeng sabihin kahit kanino na buhay ako lalo na kina mama, mapapahamak lang—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa biglaang pagyakap niya saaken pero pinagpatuloy ko pa din ang pagsasalita ko.

"Mark Jade, please 'wag mong sasabihin sakanila" paki-usap ko habang nakayakap pa rin siya saaken.

"I won't and don't worry, hindi mo kailangan itago sa lolo mo na nakita mo ako dahil kilala niya ang pamilya ko" sabi niya bago siya lumayo saaken ng konti.

"Kilala mo ang lolo ko? Paano? Bakit?" Naguguluhan kong tanong.

"Well... Uh... He talked to my parents–"

"Ma'am Czarianne, kailangan na po naten umalis" biglang sulpot ng isang bantay ko kaya napatingin kami sakanya.

"Woi Mark Jade, nasaan ka na?" Rinig kong tawag ni Val kay Mark Jade at mukhang papalapit sila dito kaya tinignan ko ulit si Mark Jade.

"Saka ko na sasabihin sa 'yo, go now" sabi niya kaya nagmadali naman akong umalis sa lugar na 'yon.

Pagkapasok na pagpasok ko sa sasakyan sobrang tahimik nung tatlo kaya tinignan ko sila.

"Kilala niyo siya?" Tanong ko sakanilang tatlo at sabay-sabay pa silang tumango bago ako tinignan.

"Ngayon alam na namen ang kapalit netong pagpayag niyang makalabas ka ng mansyon" seryosong sabi ni Neicaj

"Ano ba 'yon?" Nagtataka kong tanong.

"Kaninang umaga narinig kong may kausap si Tito Henry sa opisina niya at nabangit niya ang pangalang Mark Jade na ipagkakasundo sa isa sa mga pamangkin niya" kwento niya kaya bigla akong napatingin sa mga bantay namen.

Heller! Nandito sila at nakikinig!

"They won't mind us" sabi ni Bella kaya ibinalik ko sakanila ang tingin ko.

"Ipagkakasundo? Anong ibig sabihin niya doon?" Nagtataka kong tanong.

"It's like a arrange marriage" sabi ni Bella na ikinalaki ng mga mata ko.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now