CHAPTER 44

46 6 5
                                    


Czarianne POV

"Allen" mahinang bangit ko sa pangalan ni Allen dahil hinang-hina na ang katawan niya at mukhang kahit anong oras ay matutumba na siya dahil papikit na din ang mga mata niya. "Czallen, Czallie, cover your ears" utos ko sa dalawang anak ko na kaagad naman nilang sinunod kaya tinignan ko ulit si tito. "Ano ba talaga ang gusto mo, Tito!? Napakademonyo mo talaga! Salbahe ka!" Galit kong sigaw sakanya.

"Alam mo kung ano ang gusto ko?" Sabi niya bago niya hinila si Allen papalapit sakanya bago siya naglakad paabante saamen kaya sunod-sunod namang kasa ng baril ang narinig namen. "Wow, scary. Super" sarkastiko niyang sabi habang naglalakad pa rin kaya inutusan ko ang mga kasama ko na ilayo ng konti ang dalawang anak ko saaken.

"Isang lapit mo pa, pupunuin ko na bala ang katawan mo" napatingin naman ako sa kaliwa ng biglang lumabas si Tito Nathan sa building ganon din sina Tito Alvin sa kanan.

Malayo sila saaken pero kitang-kita ko ang nagliliyab nilang tingin kay Tito Henry.

"Czar, umalis na kayo dito" rinig kong sabi ni Tito Alvin mula sa walkie talkie na dala ng isang sundalo sa tabi ko kaya tumingin ako sakanya bago ako umiling-iling.

"Hindi. Hindi ko iiwan si Allen dito" mahina kong sabi at mukhang narinig niya pa 'yon kaya nakita ko ang mariin niyang pagpikit.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa ni Tito Henry kaya napunta sakanya ang tingin ko at ilang hakbang na lang ang layo niya saaken. "Look at that! Gustong-gusto ko 'yang expression sa mukha ninyo! I like it" parang baliw niyang sabi.

"Bitawan mo na Allen, tito" paki-usap ko.

"No!" Biglang seryoso niyang sabi at mas idinikit pa ang baril sa ulo ni Allen. "Pasasabugin ko ang ulo neto hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko!" Sigaw niya kaya nagsimulang manginig ang tuhod ko dahil ganitong-ganito ang mukha niya tuwing may binabalak siya saaken.

"Alam mo ang gusto ko!? Ang pahirapan ka! Gawing miserable ang buhay mo! At ang mamatay ka!" Sabi niya ulit habang diretsong nakatingin sa mga mata ko kaya napaatras ako ng konti.

"B-bakit?" Nauutal kong tanong at bakas na ang takot sa boses ko.

"Bakit? Bakit!? Dahil sa nanay mo!" Sigaw niya at para na talaga siyang baliw sa hitsura niya. "Alam mo, noon. Trinato ko ang nanay mo ng tama! Minahal ko siya, minahal ko siya hindi bilang kapatid. Minahal ko siya, nilaan ko lahat ng oras ko sakanya, binigay ko lahat ng gusto niya! Ginawa ko ang lahat para maramdaman niya na mahal na mahal ko siya na halos mabaliw na ako sakanya!" Sabi niya at bigla ulit nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.

Nakita ko panandalian ang pagmamahal sa mga mata niya, ang pangungulila at bigla akong naawa ng makita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya.

"Czar..." Mahinang tawag saaken ni Allen kaya napatingin ako sakanya at parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi dahil hinang-hina na ang katawan niya.

"Tito please–"

"'Wag mo akong tawaging tito dahil tatay mo ako!" Putol niya sa sasabihin ko kaya mas naiyak ako. "Ako ang totoo mong tatay! Ako ang dahilan kung bakit ka nabuhay! At ako ang dahilan kung bakit nandito ka-"

"Bakit hindi niyo na lang ako pinatay!?" Biglang sigaw ko sakanya dahilan para matigilan siya. "Simula pa lang, nung halos mag-agaw buhay na ako sa hospital dahil sa kagagawan ninyo. Bakit hindi niyo na lang ako hinayaang mamatay!? Bakit gusto mo pa akong pahirapan!?" Galit kong sigaa sakanya.

"Czar..." Tawag saaken ni Allen.

"Bakit?" Mahina kong sabi.

"Minahal ko ang nanay mo, nagawa ko siyang buntisin dahil mahal ko siya. Ayaw niya saaken, pinagtatabuyan niya ako, hindi niya ako mahal. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa 'yon sakanya pero isa lang ang dahilan na alam ko... Dahil mahal ko siya" sabi niya at hindi gaya kanina, masyadong nakakatakot ang mukha niya kanina kumpara ngayon. "Kaya nung lumayo at naglayas siya, pinagsisihan ko na nagawa ko 'yon sakanya pero nanaig ang galit ko. Hinayaan kong lumaki ka kasama ang nanay mo, pero simula nung magkita ko ulit kayo... Plinano ko na kunin ka sakanila para maranasan nila yung sakit na naramdaman ko noon na mawalan ng anak sa tabi nila" sabi niya at bigla na lang nangilid ang luha sa mga mata niya.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now