CHAPTER 40

30 3 0
                                    


Mark Jade POV

Matagal kong tinitigan si Allen at alam kong nahihirapan na din siya sa sitwasyon nila ngayon pero sinusubukan niyang maging matatag para sa mag-iina niya.

"Allen, please–"

Naputol naman ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Pa'no... Paano ako mananatili sa tabi ni Czar kung nasa panganib ang dalawang anak ko. Paano ako mananatili dito kahit alam ko na grabe-grabe ang pag-aalala at takot na nararamdaman ni Czar ngayon sa dalawang anak namen? Hindi pwedeng wala akong gawin Mark" halos pabulong niya sabi "Ilang taon... Ilang taon sila wala sa tabi ko. Hindi ko natulungan si Czar palakihin ang mga bata, isipin ko pa lang kung gaano kahirap na inalagaan at prinotektahan ni Czar ang dalawang anak ko, alam ko na sobrang hirap para sakanya 'yon... " Paiyak niya ng sabi kaya yumuko na lang siya pero nakita ko ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa mga mata niya kaya tinapik-tapik ko ang balikat niya.

Hindi pa nga sila nagkakaroon ng sapat na oras nina Czarianne para magkausap ng maayos, heto na naman at may problema na naman sila.

"Hindi ako mapapanatag na manatili dito habang hawak ng Henry na 'yon ang dalawang anak ko." sabi niya ulit kaya lumapit na din sina Lawrence para patahanin siya.

"Gagawa tayo ng paraan. Pagpaplanuhan naten kung paano naten ligtas na mababawi ang mga anak niyo" sabi ko kaya itinaas niya ang ulo ko para tignan ako. "Hindi rin ako mapakali na manatili na lang at maghintay, sasamahan kita" sabi ko ulit kaya tumango-tango naman siya.

"Malalagpasan niyo 'to, Allen" sabi ni Jellian bago niya tinatapik-tapik sa balikat si Allen.

Tumango-tango naman si Allen bago siya tumayo ng maayos saka niya pinunasan ang mga luha sa mata niya.

"Ano plano niyo? Sasama din kami" biglang sabi ni Lawrence kaya sabay kaming tumingin ni Allen sakanya.

"Hindi kayo sasama, kayo muna ang maiiwan dito kay Czar habang wala kami" sabi ni Jellian kaya sakanya napunta ang tingin namen.

"Hindi ka rin sasama" sabi ni Allen sakanya kaya biglang lumaki ang mga mata niya.

"Bakit hindi? Ililigtas ko din ang mga pamangkin ko!" Sabi niya na parang batang nagmamaktol.

Kahit kailan talaga, walang pinagbago ang isang 'to.

"Habang wala ako, ikaw muna ang mag-aalaga kay Czar." Sabi ni Allen sakanya kaya tumaas naman ang itaas na labi niya.

"Tch, matigas pa naman ang ulo non. Pero sige na, kami na muna ang mag-aalaga sa asawa mo." Sabi niya kaya tipid na ngumiti si Allen sakanya.

"Salamat" sabi ni Allen sakanila.

Pumasok ulit si Allen sa loob ng kwarto kung nasaan si Czar kaya pumunta muna kami sa sala.

Allen POV

Nanatili muna ako ng ilang minuto sa tabi ni Czar bago ko siya hinalikan ng matagal sa noo.

"Babawi ako sa 'yo Czar kapag maayos na ang lahat. Iiwan muna kita dito ha, babalik ako kasama na ang dalawang anak naten" mahina kong sabi bago ako lumabas ng kwarto.

Nang makaalis kami ni Mark Jade sa hotel na tinutuluyan namen mabilis na pinatakbo ni Mark Jade ang sasakyan na dala niya papunta sa bahay nila.

Mabilis lang kaming nakarating sa bahay nila pero pababa pa lang kami sa kotse ng makasalubong namen ang mga nagmamadaling sundalo't police pasakay sa sasakyan nila kaya agad akong nagtanong.

"Saan na po kayo pupunta?" Naguguluhan kong tanong.

"Allen! Anong ginagawa mo dito!?" Rinig kong tanong ni papa mula sa malayo pero hindi ko siya pinansin.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now