CHAPTER 22

93 12 4
                                    

⚛⚛⚛

MARK JADE

Continuation of flashbacks...

"Are you ok?" Tanong ko kay Czar makalipas ang ilang minuto ng makarating kami dito sa park na medyo tago at malayo sa mansyon nila.

"Hmm, salamat" sabi niya at nginitian ulit ako ng tipid bago siya bumuntong hininga ng malalim saka tumayo pero hinila ko ang kamay niya dahilan para mapaupo ulit siya sa damuhan sa tabi ko.

"You're not, just sit down here" sabi ko na ikinatitig niya saaken.

"Late ka na sa klase mo–"

"So do you" putol ko sa sasabihin niya kaya natawa siya.

"May sasabihin ka pa?" Tanong niya saaken.

"What if sa bahay ka na lang kaya tumira muna? Mas safe ka doon, sasabihan ko si lolo at papa, mas safe ka doon" sabi ko sakanya.

Kasi hindi na ako neto mapapalagay ngayon na alam ko na kung bakit ayaw niya sa tito niyang 'yon.

"Sa tingin mo mangyayare 'yan?" Tanong niya and she's like saying 'are you crazy' with that answer although she's right.

We have no win to her family.

"Then he'll keep harassing you and hindi ako mapapakali sa sitwasyon mo" sabi ko at napabuntong hininga na lang at tumingin sa malayo.

"Haharapin ko ang mga pagsubok na dadaan sa buhay ko, ano man ang mangyare saaken, alam kong may dahilan. At titiisin at tatanggapin ko lahat maabot ko lang ang dulo ng pagsubok na 'to" puno ng pag-asa niyang sabi kaya napatingin ako sakanya at ewan ko ba pero bigla na lang parang naiiyak ako na ewan.

That's our girl.

"Malakas ako ano, hindi ako susuko ng ganon-ganon lang.  At 'wag kang mag-alala saaken, hindi mo ako kailangan alalahanin ha, baka mamaya mabaliw ka na niyan kaka-isip saaken" sabi niya and she's trying to joke.

"Mabaliw na kung mabaliw, ghad! It's too dangerous to have your uncle around you, that mother fvcker. Hindi ako patutulugin neto mamaya kakaisip sa'yo" naiinis kong sabi na ikinatawa niya.

"Marunong ka palang magmura" natatawa niya sabi kaya nginiwian ko siya.

"Hindi mo ba ako narinig magmura dati?" Tanong ko habang nakangiwing nakatingin sakanya at nakataas pa ang kaliwang kilay.

"Narinig pero hindi english pft. Halika na nga at baka mapagalitan na naman ako dahil wala pa ako sa eskwelahan" sabi niya sabay tayo kaya tumayo na din ako.

Naglalakad na siya palayo saaken pero nanatili ako sa pwesto ko at nakatingin lang sakanya. Napabuntong hininga ulit ako bago ako patakbong sumunod sakanya.

"Do you have a phone?" Tanong ko sakanya.

"Wala" sagot niya sabay iling kaya napakamot ako sa batok ko.

"Ang higpit nila sa 'yo" sabi ko pero tinawanan niya lang ako "Should I gave you one?" Tanong ko na ikinatigil niya saka ako nilingon.

"Para saan?" Kunot noo niyang tanong.

"Para matawagan mo ako agad kapag kailangan mo ng tulong, tsaka para na din kapag kailangan mo ng run away vehicle kung sakaling gusto mo maglayas" sabi ko habang nag-aalala pa rin ang mukha.

"Hahahaha baliw ka talaga, run away vehicle ka jan. Hindi na kailangan, wala din naman saysay kung lalayas ako, mas lalala lang ang sitwasyon" sabi niya at umiiling na naglakad ulit kaya sumunod naman ako sakanya. "Tsaka nasa paligid ko lang din naman ang mga pinsan ko, naisahan lang sila ni tito kanina" dagdag niya.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now