CHAPTER 3

178 18 2
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

“Jowa mo ba iniiyakan mo kanina?” Tanong netong babae sa likod ko na kanina pa ako sinusundan.

“No–“

“So bakit ka umiiyak? Ayy nga pala ako si Julie Buenconsejo ikaw?” pakilala niya saakin pero patuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi siya sinagot. “Pero parang pamilyar ka saakin ehh, nakita na ba kita dati? Hoy sagutin mo ako, tsaka yung panyo ko hindi mo pa saakin binabalik” dagdag niya kaya napahinto naman ako sa paglalakad at hinarap siya na mukha ikinagulat niya ang biglaang pagharap ko sakanya.

“Here, thank you and stop following me” sabi ko sabay abot nung panyo niyang hindi ko naman ginamit sabay talikod ulit sakanya.

“Hoy kapal! Hindi naman kita sinusundan sadyang dito ang daan ko pauwi. Napaka assuming neto, tsaka wala naman akong pakialam kung magpakamatay ka jan sa daan. Bakit naman kita susundan?” sabi niya kaya dire-diretso na lang ako sa paglalakad. “Pero teka, kung hindi mo jowa ang iniiyakan mo, ehh ano? Yung aso mo namatay? Inagawan ka ba ng lollipop–“

“Stop talking, please” pakiusap ko sakanya at huminto ulit ako sa paglalakad.

“O-k. Ok sabi mo ehh” sabi niya at tumahimik namn kaya naglakad ulit ako. “Pero ilang taon ka na ba? Mukhang ang bata mo pa ahh tsaka bakit nandito ka at ganyan ang suot mo? Galing ka ba sa isang prom night?” patuloy niya kaya napabuntong hininga na lang ako at hindi siya pinansin.

Salita lang siya nang salita kaya naisipan kong kunin yung cellphone ko at nagulat ako kung gaano kadami ang missed call nila Jellian saakin kaya napahinto ulit ako para tawagan sila.

“Hoy bakit ka huminto?” tanong niya saakin habang nakakunot ang noo.

Tumabi naman ako para makadaan siya pero tinitigan niya lang ako at tumabi saakin kaya kinunutan ko siya ng noo.

Ano ba ang problema ng babaeng 'to? Hindi naman sumagot si Jellian kaya tinawagan ko naman Lawrence. Nakakaisang ring pa lang ng magsalita ulit 'tong katabi ko.

“Alam mo ba kung saan ang sakayan dito? Tricycle sana” tanong niya saakin at ngumiti ng alanganin. “Oo na! Sinusundan kita kasi hindi ko alam kung saan ang sakayan dito” nahihiya niyang sabi at umiwas ng tingin saakin kaya napailing-iling ako at sasagot na sana ng sagutin na ni Lawrence ang tawag ko.

"Oh tol? Nasaan ka? Kanina ka pa namin tinatawagan ahh" bungad niya kaya napakamot ako sa noo ko.

“Hoy ano? Saan nga?” pangungulit netong isa.

"Sino 'yon? Babae ba 'yon? Ikaw Allen ahh"

“No it’s not what you think. Babalik na ako jan” putol ko sa sasabihin niya.

"Talaga lang ahh, ikaw ahh gumigimik ka ng wala kami. Sundiin ka na namin" nang aasar niyang sabi.

“Si Jellian na lang ang papuntahin mo dito, sabihin mo hiramin niya yung kotse ni tito, text ko sa 'yo yung lugar.” sabi ko sabay putol nung tawag saka tumingin sa tabi ko pero wala na 'yon babae at nakita kong naglalakad na siya palayo saakin kaya naglakad na din ako paalis sa lugar na 'yon at inantay si Jellian sa harap ng isang coffee shop.

“Anong ginagawa mo dito tol at nakaabot ka ng sobrang layo?” nagtatakang tanong ni Jellian saakin pagpasok ko sa sasakyan at naalala kong yung nakamascot kanina.

“Ahh wala, gusto ko lang magkape” pagsisinungaling ko.

“Sinong niloloko mo tol? Magkakape? Aysos di pasok sa'kin 'yon, diba tito?” tanong niya at lumingon sa likod kaya lumingon din ako at nakita ko nga si tito.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now