CHAPTER 10

87 12 0
                                    

⚛⚛⚛

JELLIAN

Nabigla naman kami ng biglang naglakad palayo si Allen kaya agad kong tinignan si Czar at ang hawak na bata ni Mark Jade bago hinabol si Allen.

"Mistisong hilaw, sasama ako" rinig kong sabi ni Czar kaya nilingon ko siya at hinintay na makalapit saakin

Nakakatunaw ng puso na tawagin niya ulit akong 'mistisong hilaw' at hindi ko ikakaila na namiss ko din ang boses niya. Halos yupiin ko na nga siya kanina sa yakap ko, kung hindi ko lang naramdaman na sobrang liit na ng katawan niya hindi ko siya pakakawalan.

Alam kong may hindi magandang nangyare at may rason bakit siya nagtago.

Napakalaki ko lang bobo at hindi ko kaagad napagtagpi-tagpi ang mga pangyayare noon at bakit nangyare eto ngayon.

"Sorry" biglang sabi niya sa kalagitnaan namen sa paglalakad at paghahanap kay Allen.

"Hindi mo dapat saaken 'yan sinasabi, kay Allen. Dahil hindi ka niya maiintindihan, nasaktan siya, nabaliw siya kakaisip na buhay ka nga, hindi naging maganda ang takbo ng buhay niya simula ng mawala ka saamen" sabi ko sakanya. "Pero hindi ko sinasabing kasalanan mo ahh, hindi" dagdag ko na ikinatawa niya.

Pero sa tawang niyang iyon ay parang hindi na siya ang dating Czarianne na nakilala ko. Ang Czarianne na kilala ko ay yung tumatawa ng sobrang lakas kahit sobrang korni ng mga banat at sinasabi ko, si Czarianne na hindi tipid tumawa o ngumiti.

Anong ginawa nila sa Czarianne namen?

Nahanap naman namen si Allen sa isang sulok at nakatalikod siyang nakaupo saamen ngayon at tahimik na umiiyak pero alam kong nasasaktan na 'yan ng sobra.

Maglalakad na sana ako papalapit ng pigilan ako ni pards.

"Ako na, pwede?" Tanong niya kaya hinayaan ko na lang siyang lumapit kay Allen.

Pinagmasdan ko lang silang dalawa, hindi ko pwedeng iwan silang dalawa dito dahil iba ang takbo ng utak ni Allen tuwing magulo na ang utak niya.

"A-allen" rinig kong tawag niya kay Allen.

"Leave, Czarianne. Magulo ang utak ko ngayon, so please leave, nasasaktan din ako so please 'wag mo munang dagdagan. Baka hindi mo magustuhan ang magawa ko ngayon" sabi ni Allen kaya tumalikod ako.

Nagwawala si Allen, at nasisigawan niya din kami tuwing sobrang gulong-gulo na siya lalo na noon dahil kay, pards. Minsan na namen siyang dinala sa doctor and he's suffering anxiety, madali din siyang magalit agad but he's controling it.

Pero alam ko na nandito na ngayon si pards, alam kong magiging maayos din siya.

Naramdaman ko naman na may humihikbi sa tabi ko kaya nilingon ko si pards at niyakap.

"Give him a time, tutulungan kita sakanya" pagpapagaan ko ng loob niya kaya tumango-tango naman siya.

Hindi na naman ako nagtanong pa sakanya kahit sobrang dami na ng tanong sa utak ko pero hinayaan ko na muna at inalalayan siyang maglakad pabalik doon.

Tinignan ko naman si Mark Jade at ang batang hawak niya at pinagmasdan ng mabuti ang bata. Kamukha siya ni Czar, pero medyo hawig din ni Mark Jade.

"Dad-i, ino iya?" Tanong niya kay Mark Jade.

"He's Tito Jellian, our friend" sagot naman ni Mark Jade.

"Mag-kaibigan tayo? Ngayon ko lang nalaman 'yon–"

"Mistisong hilaw" saway saaken ni pards kaya tinignan ko siya.

"Hindi ako magiging ok sakanya hanggat wala akong naririnig na paliwanag" seryosong sabi ko sakanila. "Saan kayo tutuloy?" Tanong ko kay pards at kinuha ang bata sa kamay ni Mark Jade.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now