CHAPTER 2

131 19 0
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

“Ohh seven kiss daw galing sainyo mga parekoy!”  sigaw ni Jellian at hinila ako at sina Lawrence patayo.

“Hoy seven kiss ka jan tito! Puro ka kalokohan, batukan kita jan ehh!” sigaw naman sakanya ni Czarina na nakakawit ang dalawang braso sa braso nung isa sa kambal.

“Sige payag akong batukan mo ako basta bawat batok sisingilin kita ng mga laruan na binibigay ko sayo” sabi niya.

“Ang sama talaga ng ugali neto” sabi ko sakanya at binatukan siya kaya tumawa naman silang lahat.

“Tito ka ng tito kuya nga kasi! Bakit ba ayaw mo ako tawagin na kuya ha?” biglang tanong niya ulit kay Czarina habang papalapit kami.

“Ehh kasi wala akong kuya na sing pangit mo, Tito Jellian at wala rin akong kuya na sing-ingay mo” sagot ni Czrina kaya nagsitawanan ulit kaming lahat at pinigilan ko naman siya Jellian sa paglapit kay Czarina.

“Aba’t! Ikaw talaga! Manang-mana ka talaga sa ate mong–“

“Maganda. Manahimik ka na Jellian at isaaayaw ko na ang prinsesa nating lahat” putol ko sa sasabihin ni Jellian at tinulak ang ulo niya palayo saakin bago ko hinawakan ang kamay ni Czarina at isinayaw.

“Oyy nangangamoy panis– ayy mali hahahahahahaha amoy panis, saan galing 'yon? Hahahahahahaha” tawa niya sa sarili niyang katangahan. “Nangangamoy inuman 'to ahh? Ano Allen inuman na ba? Tapos iyak ka ulit tapos tatawagin mo si Czar– ahsjndixusjdk” 

“Ayan manahimik ka na” pasak ng pagkain sa bibig niya ni Mark Jade kaya natawa na lang kami ni Czarina.

“Are you happy?” tanong ko kay Czarina habang sinaaayaw ko siya.

“Si kuya naman mukha ba akong hindi masaya? Nakabusangot ho ba ako?” bara niya saakin kaya natawa ulit ako. “Syemre masaya ako kuya! Ikaw ba naman ang kasayaw ko ngayon eh sobrang swerte ko kaya! Tsaka isa pa kuya makita ko kayong lahat ayy kontento na ako. Ayy hindi pala ako kontento kasi hindi ko na naabutan ang Ate Czarianne ko” sabi niya.

“I know she’s happy right now kung nasaan man siya, and I know she loves you hmm” bahagyang nakangiti kong sabi sakanya.

“Kamukhang-kamuha ko po ba talaga si ate?" Takang tanong niya kaya tumango ako.

“Bakit, ayaw mo ba kamukha ang ate mo?”

“Hoy kuya syemre gustong-gusto! Mala dyosa ang ganda ng ate ko 'no kahit picture niya lang ang nakikita ko, pero kuya, siguro kung buhay pa siya ngayon siguro may pamangkin na ako ngyon 'no?” asar niya at tinaas baba pa ang kilay kaya tumawa ako.

“Ikaw talaga, pero siguro hahahaha” sabi ko at tumawa din siya.

Pumalit naman saakin si Lawrence kaya naupo ulit ako at inabutan naman ako ng beer ni Jellian kaya uminom na din ako. Nagkwentuhan at tawanan lang kami habang kumakain at inaasar saka pinipikon si Czarina.

Ang sarap kasi niyang asarin dahil para talaga siyang si Czarianne kung mainis, kaya etong mga lokong 'to gustong-gustong nandito para lang asarin ang batang 'to. Kawawang Czarina hahahahaha, alam ko naman na namimiss din nila si Czarianne minsan pero hindi lang nila sinasabi, lalo na si Jellian.

“Ako lang ba o kayo din? Nakakamiss talaga si pards” nakangiti niyang sabi sabay yuko. “Yung babaeng 'yon hindi talaga ako makamove on sa pang-iiwan niya saatin” dagdag niya sabay inom.

“Hay Jellian, kami din namimiss namin si Czar pero 'wag ka namang ganyan hahahahaha birthday ni Czarina nagpapalungkot ka naman. Pero sa totoo lang mabigat pa rin sa dibdib yung pagkawala ni Czar kahit ilang taon na siyang wala” sabi naman ni Val sabay inom din ng beer na hawak niya.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now