CHAPTER 26

49 8 0
                                    


Continuation of flashbacks...

Czarianne POV

Lumipas ang limang taon... at hindi ko inaakalang kakayanin kong mabuhay sa loob ng mansyon. Nakayanan kong mabuhay na wala sa tabi ko ang mga magulang at mga kapatid ko, nakayanan kong itago at kimkimin lahat ng sama ng loob ko.

"Czar" tawag saaken ni Neicaj mula sa labas ng kwarto ko.

"Tapos na" sabi ko bago ako nagmamadaling lumabas ng kwarto ko.

Sa edad na bente uno, college na ako at nag-aaral kami sa Military Academy at mas malala pa ang ginagawa naming training sa eskwelahan na 'to kesa noong nasa high school pa lang kami.

Kasama ko pa rin ang tatlo kong pinsan pero hindi katulad ni Bella, tuluyan na nga siyang nakasal sa isang lalake pero alam kong masaya siya ngayon dahil ang lalakeng ito ay ang lalakeng mahal niya.

Si Neicaj naman, bumalik siya pagkatapos ng isang taon niya sa Aika Academy at ilang buwan din siyang naging tahimik sa kadahilanang iniwan niya ang lalakeng matagal niya ng gusto. Si Lawrence, at natuwa pa ako noong una na isa si Neicaj sa naging dahilan kung bakit tuluyang nagbago ang takbo ng buhay niya pero wala ehh, sapilitan siyang pinabalik rito.

Hindi ko alam ang lahat ng nangyare pero alam kong pinagbantaan nila si Nei.

Si Julie, heto gaya pa rin ng dati. Madaldal rin kahit na alam kong hirap na hirap na din siya sa sitwasyon namen.

"Dito po" turo saamen ng driver namen papunta sa sasakyan.

Umuuwi talaga kami dito sa mansyon kahit na may sarili namang kaming dorm doon sa eskwelahan na pinapasukan namen. Utos ni tanda kaya wala na kaming nagagawa kundi ang sumunod.

Sa limang taon din pananatili ko sa manyon na 'to ay unti-unti na akong nasasanay sa pang babasto ng tiyuhin ko saaken at ipinag-papasalamat ko na lang na hindi niya ako nagagalaw at hanggang tingin lang siya saaken.

Hindi na siya makalapit-lapit saaken dahil kay Mark Jade. Pero simula noong naging dancer... Naging isang sikat na nga siyang dancer kasama sina mistisong hilaw ay madalas na siyang wala sa tabi ko.

At ang ikinababahala ko lang ay wala man lang reaksyon ang lolo at tiyuhin ko ng hindi pumasok sa millitary school si Mark Jade gaya ng inaaaahan nila. Hindi pa rin nila tinatapos ang sinasabi nilang ikakasal ako sakanya at ibig sabihin lang non ay may balak pa rin silang ituloy 'yon.

Hindi rin naging tutol ang lolo at daddy ni Mark Jade sa kagustuhan niyang maging dancer. Pero pag-dating saaken muntik pang magbago ang isip niya dahil wala daw saaken magbabantay. Pero nakumbinsi ko pa rin siyang ituloy ang gusto niyang gawin dahil ibinilin ko na, imbis na ako ang bantay niya, bantayan niya si Allen para saaken.

Dahil kahit na nagiging maayos na si Allen sa harapan nila, kapag nag-iisa naman siya lagi ko siyang nakikitang nahihirapan. At may mga pagkakataon pa rin na nakikita niya ako sa kung saan at lagi niyang kinukwento 'yon kay Mark Jade. At 'yon ang nagiging dahilan kung bakit nasasabi ni Allen sa harap ng mga kaibigan namen na buhay ako pero sa huli he's crying again, dahil naguguluhan na siya kung ano ba talaga ang panghahawakan niya.

Lagi akong nasesermunan ni Mark Jade kaya gumawa ako ng paraan para kahit paano makabawi ako kay Allen. Gumawa ako ng sulat, gaya lang ng ginagawa namen dati. Binibigay ko kay Mark Jade ang sulat ko at binibigay niya din sa tito ni Allen at sinasabi niyang galing sa isang tagahanga ni Allen.

Hindi siya sumusulat pabalik, sino ba naman kasi ako para sulatan niya pabalik gayong inaakala niyang patay na nga ako at yung sulat na pinapadala ko ngayon ay parang wala lang sakanya dahil alam niyang galing sa isang hamak na tagahanga niya lang at hindi niya man lang kilala kung sino. Pero at least alam kong binabasa niya ang mga 'yon. Hindi din ako nag-iiwan ng bakas ng pangalan ko sa mga sulat at ni sulat kamay ko ay binago ko para hindi siya maghinala.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now