CHAPTER 34

75 15 4
                                    


Continuation of flashbacks...

Czarianne POV

Natapos ang usapan namen kasama ang sikat na lawyer na 'yon kaya bumalik kami sa mansyon. Nung gabing din 'yon nanatili si Tito Joshua sa tabi namen dahil kay Jelai na ang taas-taas ng lagnat.

Kinabukasan ulit, palihim ko ulit na sinusundan sina Allen kasama si Julie at Neicaj pero dahil may mga aso ng humahabol sakanila at papalapit kay Allen hindi ko na napigilang lumabas sa pinagtataguan ko para iligtas siya doon sa asong handa na siyang gawing agahan.

Umiiyak ulit akong umalis doon at sinalo ni Neicaj ang ginawa ko kaya sa huli, nagkita ulit sila ni Lawrence. Kinagabihan, narinig ko lahat ng ikinwento nila sa harapan ng maraming tao tungkol saaken at hindi pala nila sinasabing patay na ako kaya pala hanggang ngayon kalat ang pangalan ko sa mga social media.

Pagkatapos ng show, balak ko sanang sundan si Allen pero biglang tumawag si Bella.

"Czar? Si Czallen" sabi niya mula sa kabilang linya kaya agad akong naparakbo paalis.

"Anong nangyare? Bakit?" Nagmamadali kong tanong.

"Ayaw siya ibigay saamen ni lolo, kani-kanina lang kasi hiniling niyang makita si lolo at nag-iiyak pa nung hindi namen pagbigyan kaya wala kaming nagawa. Wala pa naman sina tito rito" kinakabahan niyang sabi kaya napapikit ako at agad na pinaharurot ang kotse pauwi sa mansyon.

Pagdating ko doon agad akong dumiretso sa kwarto ni lolo pero pagbukas ko ng pintuan nakita kong masaya siyang nakikipagtawanan kay Czallen.

"Czallen" tawag ko sakanya aya agad siyang lumingon saaken bago tumakbo papalapit saaken.

"Mom-i! Where have you been? I've been playing with lolo here, don't worry mom-i" sabi niya kaya kinarga ko siya at tinignan ko ng seryoso si lolo.

"Czarianne, apo" malumanay niyang tawag saaken at parang kumirot naman ang puso ko ng makita ko ang lungkot sa mga mata niya.

No Czar! Pinahirapan ka niya ng ilang tao, 'wag kang maawa sakanya.

"Tumatanda na rin ako at natutuwa akong makita ko ang mga anak mo" nakangiti niyang sabi kaya binaba ko muna saglit si Czallen.

"Go to your Tita Nei hmm?" Sabi ko sakanya kaya agad naman siya kumaway sa lolo niya bago siya lumabas.

"Alam ko na ngayon kung sinong totoong tatay ng anak mo" patuloy ni lolo kaya tumalim ang tingin ko sakanya at bahgya akong lumapit sa higaan niya.

"'Wag mong susubukan na saktan si Allen" madiin kong sabi sakanya pero ngumiti siya saaken ng malapad bago yumuko.

"I won't. Yung kasal ninyo ni Mark Jade, peke din 'yon hindi ba? Nalaman ko lang kanina pero walang alam si Henry tungkol doon kahit na sa ama ng dalawang bata" Sabi niya pa kaya nagsimula akong kabahan at naiyukom ko ang parehong kamao ko.

"Anong gusto mong sabihin?" Seryosong tanong ko.

"Tatawagan ko ang nanay mo na ipatatanggal ko bukas na bukas din ang kabaong na inaakala nilang nasa loob ang totoong katawan mo at sasabihin ko na ipalilipat ko lang 'yon" sabi niya kaya naghintay ako ng susunod niya pang sasabihin. "Pero ang totoo, ipapatapon ko na 'yon. Para na din kitang pinatay sa pamamagitan non, nakasulat ang pangalan mo sa lapida at ngayon ko lang naramdaman kung gaano kasakit 'yon sa 'yo at sa pamilya mo" sinsero niyang sabi bago siya tumingin saaken.

"Hindi mo ako madadala sa acting mo lolo, dahil sinungaling ka noon pa" sabi ko sakanya.

"I'm telling the truth, you can live the life that you want now. You're free to go–"

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now