CHAPTER 12

77 9 0
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

"Allen" bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang boses ni Czarianne.

Hindi ko siya nilingon at mayamaya lang ay nakatayo na siya sa harapan ko.

"Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong niya kaya bigla naman akong kinabahan.

Tumayo ako bigla at balak sanang umalis ng biglang siyang magsalita na ikinatigil ko.

"Hanggang kailan mo ba ako iiwasan ha?" Malungkot niyang sabi kaya napalunok ako.

"I'm sorry, I'm not ready to hear your–"

"Nasasaktan na ako! Hindi ko na kayang pigilan lahat ng nararamdaman ko, sukong-suko na ako" sabi niya kaya nilingon ko siya at nakita kong umiiyak na siya.

"Nasasaktan din ako, Czarianne. At hindi ko na din alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko" malumanay kong sabi.

"Magpapaliwanag ako" sabi niya at lumapit saaken.

"Hindi ko pa kayang marinig" sagot ko at maglalakad na sana ulit ng magsalita ulit siya.

"Hindi ka ba natutuwang makita ako?" Tanong niya.

Hell! Tuwang-tuwa ako ng makita ka na halos gusto na kitang ikulong sa bisig ko kaso hindi pwede!

'Yan ang mga katagang gusto kong isigaw ngayon sa harapan niya mismo pero hindi ko masabi dahil duwag ako. Humakbang ulit ako ng isa at nagsalita ulit siya.

"I'm sorry. Allen, kahit yung sorry ko tanggapin mo man lang ohh. Ang sakit sakit sa dibdib na hanggang ngayon hindi mo ako pinapansin–"

"Bakit mo sinasabi 'yan ngayon–"

"Kasi mahal kita! Hindi ba pwede 'yon!?" Putol niya sa sasabihin ko na ikinatigil ko ng tuluyan. "Wala kaming relasyon ni Mark Jade, hindi niya anak ang batang 'yon dahil anak mo 'yon!" Sabi niya at hirap na hirap na siyang huminga at sunod-sunod pang bumabagsak ang luha sa mga mata niya.

"A-ano?" Parang nabibingi kong sabi.

"Two years ago, naglasing ka sa isang bar. Binantayan kita at sinuguradong walang mangyayareng masama sa'yo, iuuwi na sana kita noong araw na 'yon pero umulan kaya dinala kita sa isang hotel at dahil lasing ka at mahal na mahal na kita nung mga panahong 'yon kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para makasama ka. At makalipas ang ilang weeks, nalaman kong buntis ako." Kwento niya habang umiiyak.

"A-ano?" Ulit ko sa sinabi ko kanina.

"Tangina naman! Allen, ikaw ang tatay ni Czallen! Mahirap bang intindihin 'yon?" Frustrated niyang sabi.

Napahilamos naman ako ng mukha gamit ang kaliwa kong kamay bago lumapit sakanya.

"Paki-ulit nga" sabi ko sakanya.

"Ikaw ang tatay ng batang ilang araw mo ng nakakasama! Siya si Czallen" sabi niya at doon na tuluyang bumagsak ang luha ko.

Walang sabi-sabi ko siyang iniwan sa labas at hinanap ang bata at nakita ko siyang hawak ni Jellian at tinatakpan ang tenga kaya lumuhod ako at tinignan siya.

"Why are you crying po?" Inosenteng tanong niya saaken.

Pinagmasdan ko naman ang hubog ng mukha niya at mas lalo lang akong naiyak ng mapagtantong hindi pala si Mark Jade ang hawig niya kundi ako.

"Baby, do you know who is your real daddy?" Malumanay kong kausap sakanya at tumango naman siya bago niya pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"Si Daddy Jade po" sagot niya pero nanatiling nakatitig ang mga mata ko sakanya.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now