CHAPTER 18

59 10 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Continuation of flashback...

Nakarating kami sa lugar namen at nakapark lang ang van malayo sa bahay namen pero heto kami nagtatago nina Bella sa manggahan.

"Takte, hirap takasan ng mga kolelat na 'yon. Napagod ang beauty ko" sabi ni Julie bago tumabi saaken.

"Jusmiyo marimar naman, akala ko tatlo o lima lang ipapadalang bantay say 'yo  pero bakit sampu 'yon!?" Reklamo naman ni Neicaj at pinalo ang braso niya dahil pinapapak siya ng lamok. "Hindi mo naman sinabing nag-aalaga pala kayo ng lamok dito Czar—"

"Shh. Manahimik ka Neicaj, iyang bibig mo bombahin ko 'yan" saway sakanya ni Bella.

"Sorry naman diba" sabi sakanya ni Neicaj. "Ohh? Siya ang nanay mo?" Biglang tanong at turo niya sa isang matabang babae.

"Hindi" sagot ko na ikinangiwi niya.

"Ayy hindi ba? Sorry my false" sabi niya at nagmasidmasid din sa paligid.

Nanahimik silang tatlo habang ako naman ay hinahanap sina mama at papa pati na ang nga kapatid ko.

"Kapatid mo?" Biglang turo ni Julie kay Pejay na naglalakad palabas ng bahay kaya napangiti ako bago tumango.

"Ma! Lumabas ka na jan, ihipan mo na etong kandila sa cake mo!" Tawag niya kay mama.

Nagbadya naman ang mga luha ko ng marinig ulit ang boses ni Pejay pero piniglan kong 'wag maiyak.

Lumapit si mama sakanya at nagsimula silang kumanta ng happy birthday hanggang sa maihipan ni mama ang kandila sa cake niya at malapad na ngumiti.

Doon na bumagsak ang mga luha sa mata ko lalo na nang tumabi si papa sakanya pati na ang kambal na ngayo'y malalaki na.

"Czar ohh" abot ni Bella ng panyo saaken kaya kinuha ko naman 'yon at pinunasan ang luha ko.

Tinignan ko ang mga nakangiti nilang mukha habang nakaharap sa iilang bisita.

Sana nanjan din ako para makisalo sainyo at mabati ng maligayang kaarawan si mama, sana kasama din nilang akong nagsasaya ngayon, sana... sana kompleto sila ngayon.

Napatingin naman ako sa kaliwa ko at napalingon ako sa likuran ko ng hindi ko makita si Julie at Neicaj kaya kinabahan ako.

"Nasaan yung dalawa?" Tanong ko kay Bella.

"Hay nako talaga! Grr sasabunutan ko ang dalawang 'yon. Kahit saan-saan na naman nagsusuot" naiinis na sabi ni Bella at nagpalinga-linga para hanapin yung dalawa.

Mayamaya pa nakita namen na naglalakad si Julie at Neicaj na may dalang cupcakes sa kamay kaya kumunot ang noo ko at pinunasan ang natirang luha sa mata ko dahil blurred ang nakikita ko.

"Hmm sarap! Ohh Czar gusto mo?" Alok saaken ni Julie sabay lahad nung isang cupcake na hawak niya.

*Pak*

"Mga loka-loka talaga kayo! Bakit kayo pumunta doon!" Batok sakanya ni Bella.

"Ehh sa mukha masarap 'tong cupcakes, tsaka don't worry walang nakakita saamen. Nanalisi lang kami ng pagkain—"

"Hmm! Sipain kita jan eh" putol ni Bella sa sasabihin niya at inabahan ng sipa pero hindi niya naman ginawa.

"Kunin mo na Czar, 'wag ka na umiyak jan. Para naman kasalo ka pa rin sa birthday ni tita kahit cupcake lang 'yang kakainin mo." Sabi ni Neicaj kaya nabatukan din siya ni Bella. "Aray naman! Sige na kunin niyo na yan. Ngayon na lang ulit tayo makakain ng homemade na cupcakes tch" dagdag niya kaya kinuha ko naman sa kamay ni Julie yung cupcake.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now