CHAPTER 13

82 12 0
                                    

⚛⚛⚛

JELLIAN

Lumipas ang dalawang araw at napapakamot na lang ako sa batok ngayon dahil hanggang ngayon hindi pa rin pinapansin ni Allen si pards kahit alam niya ng anak nila si Czallen.

Nung binulong saaken ni Czallen ang pangalan niya naghinala na akong si Allen ang totoong tatay pero naguguluhan pa rin ako, kasi paanong nangyareng si Allen ang tatay? Tsaka bakit?

"Tara na?" Yaya ni Allen kay Czallen kaya nagpakarga naman sakanya ang bata.

Pinagmasdan ko naman si Allen maglakad habang binubulungan niya si Czallen sa tenga at ganon din ang ginawa ni Czallen kay Allen bago silang dalawa ngumit sa isa't isa.

"Para na silang math na hindi ko mai-solve at maintindihan" kamot batok na sabi ni Val saaken.

"Ano na ba ang balita? Kinausap na ba ni Allen si Czar?" Tanong naman saaken ni Lawrence kaya sabay-sabay kaming tumingin sa kaliwa at nakita namen si pards na nakangiting nakatingin sa mag-ama niya.

Lumapit naman kami kay pards at inakbayan ko siya. "Ayos ka lang?" Tanong ko sakanya.

"Hmm. Ayos lang ako, sige na pumasok na kayo. Mag-aantay na lang ako dito" sabi niya kaya tinitigan ko siya ng matagal.

Bumisita kami ngayon sa park kung saan dito madalas si Allen pumupunta at sasayaw kami ngayon kaya nandito kami sa backstage.

"Sigurado kang ayos ka lang–"

"Mrs. Villaflor" tawag ng isang staff kaya sabay-sabay kaming lumingon sa likuran namen para tignan kung nanjan na si tita, ang nanay ni Allen pero wala naman.

"Wala naman si tita, sinong tinatawag niyang Mrs. Villaflor?" Nagtatakang tanong ni Val.

Lumapit saamen yung babae at binati muna kami bago tumingin kay pards.

"Mrs. Villaflor, come with me po" sabi niya kaya nanlaki ang mga mata kong tinignan si pards at nilingon ang mga kaibigan ko.

"M-mrs? Villaflor?" Gulat na gulat na sabi namen kaya nagtataka naman kaming tinignan nung babae.

"O-opo. Sabi po ni Sir Allen pagbihisin daw po ang asawa niya at ayusan. Naghihintay po sila sa dreassing room" sabi niya kaya sunod-sunod kong tinapik kung sino man ang nasa tabi ko.

"Tol, tol, tol. Asawa daw" mangha kong sabi at nakangiting tinignan silang lahat.

"Asawa daw, oyy"

"Hala! Anong nagyayare?"

"Nag-iba ang ihip ng hangin!"

"Galawang Allen na ba 'to?"

Sabi naman nila kaya sinagi ko ng balikat ko si pards at nang-aasar na tinignan.

"Sumama ka na, nag-aantay na ang... Nag-aantay na asawa mo. Yipieeee! Takte kinilig ako! Gago!" Kinikilig kong sabi at pinaghahampas si Val sa balikat.

Nagtawanan naman sila at nahihiyang sumama naman si pards doon sa babae kaya kami naman, dahil excited kami kung ano ang mangyayare sumunod kami sakanya hanggang sa dressing room at nakisilipi kami.

Naupo si pards sa tabi ni Allen na kalong-kalong si Czallen na tuwang-tuwa makita ang mommy at daddy niya.

Mayamaya lang ay tumayo si Allen at iniwan si Czallen sa inuupuan niya kanina bago pumunta sa harapan ni pards. Baghampasan naman kaming lahat dito sa labas ng halikan ni Allen si pards sa noo ng matagal.

"Don't cry hmm, babawi ako sainyo" malambing at maluha-luhang sabi ni Allen kay pards pero pinigilan niyang 'wag maiyak.

Nakangiti naman akong pinagmasdan sila bago ko niyaya ang mga kolokoy na hayaan na muna sila sa loob.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now