CHAPTER 49

26 1 0
                                    


Allen POV

Lagot na.

"Nung isang araw pa. Noong gabi bago natin mabalitaan na nakatakas si... Alam mo na. Inutusan ko si Mark Jade na ipa DNA si Czallen, pero hindi ko sinasabing nagdududa ako na hindi ko siya anak. Syempre pinaniwalaan na kita noon nung sinabi mong anak ko siya" kwento ko kahit kinakabahan ako ng sobra dahil sa sama ng titig niya saakin. "Pina DNA ko lang kasi natatakot ako noon na baka iwan mo ako" sabi ko bago ako yumuko.

'yon yung nararamdaman ko nung maikwento niya saamin lahat nang nangyare sakanya sa loob ng pitong taon na wala kami sa tabi niya.

"Bakit?" Tanong niya sa malumanay na boses kaya tinignan ko ulit siya bago ko hinawakan ang dalawang kamay niya.

"Natakot ako noon na baka gamitin niya ang mga anak natin para mailayo ka ulit saakin, natakot ako noon na baka hanapin ka niya at pagbantaan ka para maging dahilan na lumayo ka saakin" sabi ko at alam kong alam niya kung sino ang 'niya' ang tinutukoy ko. "Diba nakwento mo saamin na ilang beses ka niyang pinagtangkaang galawin. Kaya naisip ko na baka palabasin niyang siya ang ama ng mga anak natin, kaya ayon. Dahil natakot ako na baka ilayo ka ulit niya saamin pati na ang mga anak natin, nagpa DNA ako para nang sa ganon may hawak akong ibidensya at hindi niya–"

"At hindi ka niya mapaniwalang siya nga ang tatay ng kambal." Patuloy niya sa sinasabi ko kaya huminga naman ako ng malalim.

"Pero kahit naman walang DNA, ikaw pa rin naman ang paniniwalaan ko. Natakot lang ako na lumayo ka ulit saamin kaya nagawa ko 'yan" malumanay kong sabi. "Sorry" sabi ko pa at niyakap niya naman agad ako.

"Naiintindihan ko" sabi niya kaya niyakap ko din siya.

"Pero ano ba ang nangyare nung huling araw na pinagtangkaan ka niyang galawin? Hindi mo binanggit saamin ang nangyare paglatapos non" tanong ko.

Czarianne POV

Hindi naman ako umimik ng ilang segundo at inalala ko muna ang nangyare nung araw na 'yon bago ako nagsalita.

*Flashback*

"Hihintayin kong mangyare iyan" rinig kong sabi niya at kitang-kita ko na ulit ang ngisi sa mga labi niya. "'Yon ay kung mangyare 'yon" dagdag niya pa bago malakas na hinila pababa ang suot kong pantalon bago siya dumagan saaken.

"Ahhhhh!!" Malakas kong sigaw pero mukha yatang walang nakarinig saakin.

Pero nagulat na lang ako ng biglang nangisay si tito bago siya tumumba at madaganan ako.

"Czar!" Rinig kong nag-aalalang sabi ni Mark Jade pero hindi agad ako nakagalaw dahil takot na takot pa rin ako.

Naramdaman ko na lang bigla na ipinulupot ni Mark Jade ang kumot sa katawan ko bago niya ako inalalayan palabas ng kwarto ko.

*End of Flashback*

"Saan ka dinala ni Mark Jade pagkatapos?" Tanong niya saakin.

"Hindi kami pinayagang lumabas ng mga sundalong nagbabantay noon, kaya nanatili na lang siya sa tabi ko. Binantayan niya ako hanggang sa pagtulog" sabi ko kaya naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko. "Kinabukasan non, doon na nila nalaman na buntis ako" sabi ko pa.

"Laking pasasalamat ko dahil nandoon si Mark Jade nung mga taong 'yon" sabi niya kaya tiningala ko siya. "Hinding-hindi ako magsasawa na pasalamatan siya dahil sa pag-aalaga niya sainyo" sabi niya kaya ngumiti naman ulit ako.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now