CHAPTER 50

34 2 0
                                    


Czarianne POV

"Allen?" Tawag ko kay Allen pagbaba ko ng hagdan ng bahay nila.

Pansamantala kaming nandito sa bahay nila at dito muna kami mananatili dahil nagprisinta na si tito at tita na dito muna raw kami tumuloy dahil hindi na din naman dito palagi umuuwi ang kapatid niyang si Katrina.

Nasa condo siya namamalagi dahil mas malapit siya sa pinagtatrabahuhan niya.

At eto nga, dalawang araw na din ang nakalilipas simula nung makalabas ako sa hospital. Maraming naikwento sina Allen at mistisong hilaw tungkol sa mga nangyare sakanila sa nagdaang pitong taon na wala ako.

Narinig ko din na mas dumami lalo ang kaibigan ni mistisong hilaw kaya kabila't kanan ang lakad niya. Jusmiyo talaga yung lalaking 'yon, oo. Pero natutuwa ako dahil mukhang masaya naman siya sa buhay niya ngayon.

"Allen?" Tawag ko ulit kay Allen at sa pagkakataong eto nakarinig ako ng pagbagsak ng kung ano man na metal na bagay na nanggagaling sa kusina kaya napahinto ako sa pagbaba sa hagdan.

"Po? Ano 'yo, Czar? May kailangan ka? 'lika tulungan na kitang bumaba" nagmamadali niyang sabi pero dahan-dahan niya naman akong inalalayan pababa ng hagdan.

"Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong sakanya.

"Ayy oo nga pala! Yung piniprito ko doon" sabi niya kaya mabilis siyang naglakad pabalik sa kusina pero humarap ulit saakin at aalalayan sana ulit ako pero pinigilan ko siya.

"Kaya ko na, sige na tapusin mo na 'yon" nakangiti kong sabi sakanya.

"Sure?" Tanong niya kaya tumango naman ako. "Wait lang, jan ka lang. Mabilis lang 'to, 'wag kang aalis jan" sabi niya bago tuluyang pumasok sa kusina kaya natawa ako at sinunod ang sinabi niya.

Mayamaya lang din bumalik siya at inalalayan ulit akong maglakad papasok sa kusina. Pero napanganga ako ng makitang sobrang linis ng kusina.

"Nagluto na ako ng agahan, kakain ka na ba?" Tanong niya saakin bago niya ako pinaghila ng upuan.

"Marunong ka magluto?" Hindi makapaniwala kong tanong sakanya kaya ngumiti siya saakin bago niya ako ninakawan ng halik sa labi.

"Of course I do" sagot niya kaya ngumiti na lang din ako sakanya. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Hindi na ba kumikirot ang sugat mo?" Tanong niya bago siya tumayo para magtimpla.

"Naghihilom na siya, magaling kasi ang doctor ko ehh" nakangiti kong sabi sakanya kaya tumawa naman siya.

"Sos, ako pa ba. Dinadaan lang 'yan sa alaga, lambing at pagmamahal" pagmamayabang niya kaya pabiro kong tinapon ang apron na nakasabit sa katabi kong upuan.

"Ewan ko sa 'yo" natatawa kong sabi bago siya lumapit ulit saakin saka niya nilapag sa harapan ko ang tinimpla niyang gatas. "Oo nga pala, nakausap ko na si Tito Harvey. Nakalimutan ko ikwento sa 'yo 'to kagabi" sabi ko ng maalala ko yung pinag-usapan namin ni tito kagabi.

"Tinulugan mo kaya ako habang pauwi tayo, nagsasabi ka pa lang na may sasabihin ka, tapos bigla kang natulog" sabi niya kaya tumawa ako.

"Sorry na–"

"Joke lang. Ayos lang 'yon, at least nakakapagpahinga ka na ngayon ng maayos" putol niya sa sasabihin ko kaya ngumiti ako sakanya. "Oh, ano yung napag-usapan niyo kagabi?" Tanong niya.

"Pinapaalis niya na din ako sa pag-te-training" simula ko at nakikinig naman siya ng maayos "Ganon din sina Neicaj. Sabi niya, siya na daw ang bahala sa naiwang trabaho ni lolo. Gusto ko sana tumulong pero pinigilan niya naman ako dahil kaya niya na naman daw 'yon." kwento ko.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now