CHAPTER 52

39 3 0
                                    


Allen POV

"Kaya pa?" Mahinang tanong saakin ni Czar kaya humiwalay ako ng konti sakanya pero yakap ko pa din ang bewang niya.

Napangiti naman ako bigla ng makita ang matamis niyang ngiti kaya hinalikan ko siya ng mabilis sa labi na ikinagulat niya kaya natawa ako ng mahina.

Nagugulat pa rin siya tuwing hahalikan ko siya ng biglaan. Ang cute.

"Nakakapagod pero sulit naman" nakangiti kong sabi sakanya. "Sobrang saya ko ngayon, Czar" sabi ko ulit bago ko isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Pagod na pagod na ako at medyo sumakit din ang katawan ko pero ang mayakap siya ng ganito at makita siya, lalo na ang mga ngiti sa labi ng mga anak ko habang kalaro ko sila kanina. Nababalewala lahat ng pagod ko.

"Kailangan mo na magpahinga" malumanay niyang sabi. "Pero kailangan mo munang masukatan dahil baka mapagalitan ka pa ni tito at mainip na kahihintay yung stylist niyo sa baba" sabi niya pa kaya bumitaw na ako sa pagkakayakap sakanya saka ko siya inakbayan at sabay kaming lumabas ng kwarto papunta sa baba.

Mabilis naman nila akong sinukatan kaya nagpasalamat kami pagkatapos bago sila umalis. Inaya ko na si Czar na matulog na dahil kailangan niya pa rin ng sapat na tulog.

Pareho na kaming nakahiga sa kama pero medyo pinausog ko siya papalapit saakin saka ko pinailalim ang braso ko sa ulo niya para eto na ang maging unan niya. Niyakap niya naman ako kaya tumagilid ako paharap sakanya.

"Czar" tawag ko sakanya ng makitang nakapikit na siya.

"Hmm?" Tanong niya ng idilat niya ang mga mata niya.

"I love you" sinsero at nakangiti kong sabi sakanya.

Natigilan ulit siya at nanatiling nakatitig sa mga mata ko kaya mas napangiti ako bago ako mas dumikit sakanya.

"Mahal kita, sobra" sabi ko ulit at sa pagkakataon na eto isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko kaya tumawa ako. "Hoy Czar, sabi ko mahal kita" pang-aasar ko sakanya dahil alam kong kinilig siya bigla. "Hoy Czar, mahal kita. Ba't nagtatago ka jan, Czar–"

"I love you" biglang sabi niya habang nasa dibdib ko pa rin ang mukha niya. "Manahimik ka na please" sobrang hina niyang sabi.

"Hahahahaha kinikilig ka lang ehh–"

*Tsup*

Natigilan naman ako ng bigla niya akong nakawan ng halik sa labi kaya tinitigan ko siya ng seryoso bago ko siya unti-unting binigyan ng mapang-asar na ngiti.

"'wag ka namang ganyan asawa ko, sabihin mo na lang na naga-gwapuhan ka saakin at na a-attract ka sa lips ko. Hindi yung nagnanakaw ka ng halik jan– arayyy" sabi ko pero napadaing ako ng bigla niyang kagatin ang dibdib ko kaya binigyan ko ulit siya ng nang-aasar na tingin.

Mukhang nagulat din siya sa ginawa niya kaya bigla siyang tumalikod saakin bago siya nagtalukbong ng kumot, natatawa ko naman siyang hinila papalapit ulit saakin bago ko inalis ang kumot sa katawan niya at ikinumot 'yon saaming dalawa.

"Hahahahaha ang cute cute mo asawa ko hahahaha 'lika na dito yakapin mo na ako" natatawa kong sabi habang yakap ko siya sa bewang pero nakatalikod pa rin siya saakin. "Binibiro lang kita ehh eto naman" sabi ko pa pero hindi niya pa rin ako nilingon. "Oyy Czar, asawa ko. Joke lang ehh" sabi ko ulit kaya dahan-dahan na niya akong hinarap.

"Naman ehh! Alam mo namang ang bilis kong kiligin, bakit ganyan ka!" Naiinis niyang sabi bago yumakap saakin kaya natawa ulit ako.

"Marupok ang asawa ko, tch tch tch" sabi ko kaya nakatanggap ulit ako ng mahinang hampas sa dibdib. "Na miss ko lang yung pagiging sadista mo at yung pagiging madaldal mo. Na mimiss ko na yung dating Czar na sobrang kulit gaya ng dalawang anak natin" sabi ko kasi totoo naman.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now