CHAPTER 7

73 13 0
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

Nahihirapan naman akong lumunok sa sarili kong laway ng mapagmasdan ang likuran niya at bigla na lang sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.

"C-czar" anas ko.

Sinundan siya ng mga mata ko ng maglakad siya paalis. Hindi.

"Czar" tawag ko sakanya pero hindi siya lumingon.

Si Czarianne 'yon! Kilala ko ang paraan ng pagtayo at paglakad niya.

"Czarianne!" Rinig kong sigaw ni Jellian mula sa gilid ko at hinabol yung babaeng nasa harapan ko lang kanina.

Tumayo din ako at sumunod sakanya.

"Teka lang!" Sigaw ni Jellian at mabilis na humarang sa harapan nung babae kanina.

Huminto naman ako sa likuran niya at mabilis naman akong tinabihan ng mga kaibigan namen.

Nakasuot siya ng purong itim at nakasumbrero din na itim at mask na itim kaya hindi namen nakikita ang mukha niya. Pero ang istilo ng paglalakad niya, kilalang-kilala ko. Kilala ni Jellian dahil matagal niyang nakasama si Czar!

Dahan-dahan namang lumapit si Jellian sakanya at balak na tanggalin ang sumbrero niya pero biglang nagsalita si Mark Jade.

"Jellian" tawag niya kay Jellian at umiling siya.

Pero hindi nakinig sakanya si Jellian at marahang inalis ang sumbrero. Bumagsak naman ang buhok niya bago siya yumuko, bumuntong hininga naman si Jellian kaya tinignan ko siya at inilingan niya lang ako.

"Neicaj!?" Biglang sabi ni Lawrence mula sa likuran ko kaya lumingon naman yung babaeng tinatawag niyang Neicaj bago siya yumuko ulit.

"Neicaj? Yung mean?" Nagtatakang sabi ni Jellian at tumabi siya saaken para makita ang mukha ni Neicaj.

"I'm sorry" sabi ni Neicaj bago tinanggal ang mask niya.

Napasinghap naman ang ilan sa mga kasama namen ng makitang muli ang mukha ni Neicaj. Ako naman ay yumuko at humingi ng pasensya sakanya bago tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan.

Neicaj is Lawrence ex girlfriend and yeah she knows about Czarianne dahil minsan na din namen siyang nakasama noon at naikekwento din ni Lawrence sakanya si Czarianne.

Hindi namen alam bakit sila nag break up but ang alam lang namen ay bigla na lang din niyang iniwan si Lawrence ng walang sabi pero pinagseselosan niya noon si Czarianne.

But she know that Czarianne is gone kaya hindi naman ata ganon kababaw ang dahilan para lang mag break silang dalawa.

And I guess, patuloy pa rin akong umaasa na buhay pa nga si Czar. Nababaliw na ako. Walang ng patay na tatayo mula sa kabaong niya, ako lang talaga etong pinipilit pa rin na sana... Sana buhay pa rin siya at makakasama ko pa.

I'm tired. Susunod ako kay Czarianne kung gugustuhin ko.

*****

Kinagabihan, nagsimula ang show na masaya ang lahat hanggang sa simulan kaming tanungin ng host.

"Again, good evening everyone! Ayan it's nice to see you here boys" nakangiti niyang sabi saamen.

"Nice to be here too Ms. Margie, and nice to meet you all" sagot ni Jellian na tinanguan naman namen.

"So kumusta naman kayo ngayon?" Tanong ni Ms. Margie.

"Well eto po, gwapo pa rin naman hahahaha" biro ni Jellian na ikinatawa nilang lahat.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now